Chapter 62

2.3K 84 18
                                    

Chapter 62

Namilog ang mga mata ni Amber ng biglang papasugod ang binata sa kanya. Bago pa man makalapit ang binata sa kanya agad siyang tumakbo papalayo ngunit hinabol siya nito. Nagpaliko-liko siya sa paligid ng mga puno at para bang nakikipagpatintero. Habang tumatakbo napalingon siya kay Sebastian na akala niya humahabol pa sa kanya ngunit bigla itong nawala.

Paglingon niya sa harap biglang lumitaw si Sebastian sa harapan niya at hindi na siya nakailag pa. Pinangharang niya ang kaliwang braso, napasinghap at napasigaw siya sa sakit ng maramdaman niya ang hiwa ng espada sa kanyang braso. Bumagsak siya sa lupa ng mapaatras. Kumikirot ang mahabang sugat na gawa ng espada mas lalo siyang natago na wala siyang sandatang panlaban man sa binata.

Patuloy sa pagtulo ng pulang dugo niya sa kanyang damit.

"Tama na Sebastian!" Ngunit hindi siya naririnig ng binata at patuloy ito sa paglapit sa kanya.

Aktong susugod, handa na namang siyang atakihin ng binata nang bigla na lamang may dumating at sinipi ito sa mukha. Napasinghap siya sa gulat at bumagsak si Sebastian sa paanan niya.

Napasulyap siya sa binatang bagong dating si Edward. Napasulyap ang nag-aalalang mata ng binata at agad siyang nilapitan para tulungan siyang makatayo.

"Nagdurugo ka," sabi ng binata.

Napalunok si Amber bago sumagot, "a-ayos lang..." lalong kumirot ang hiwa niya 'pag gumagalaw siya.

Nakita nilang tumatayo si Sebastian kaya agad silang lumayo.

"Halika na, nababalutan sila ng kapangyarihan ng inang reyna kaya sila nagkakaganyan. Ngunit bago pa man sila makalayo bigla na lang lumitaw sa harapan nila si Minerva na nakangisi sa kanila.

May limang kawal ding lumabas mula sa mga puno na para bang nagtago ro'n. Napapalibutan sila at hindi nila alam kong saan sila dadaan o kong makakatakas pa ba sila.

"Ina itigil mo na 'to!" Sigaw ni Edward.

Inihanda nito ang sandata at hinarang ang sarili sa dalaga.

"Masyado kang martir bata na siyang kahinaan mo, wala akong ganyang pag-uugali bakit hindi ka na lang sumama sa 'kin Edward kaya pa naman kitang tanggapin at pagpasinsyahan mo na lamang kong na saktan kita kanina." Wika ni Minerva ngunit boses ng inang reyna ang naririnig.

"Makipaglaban ka ng patas at wag mong gamitin ang katawan ng ibang tao." Utas ni Amber habang yakap ang nahiwa niyang braso na patuloy pa rin sa pagdurugo.

Napasulyap naman si Minerva sa dalagang si Amber, "bakit ako makikipaglaban sa inyo kong gayong kaya ko namang makipaglaban sa inyo gamit ang mga maliliit na nilalang na 'to."

Mas lalong narinig ni Amber ang kalabog ng puso niya sa galit at kaba.

"Ang akala mo ba wala akong alam sa tunay mong katauhan, alam kong hindi ka taga-rito binibini." Sambit ni Minerva.

Natigilan si Amber at napatitig sa itim na mata ng dalaga.

"Ang pagmamahal ang sisira sa isang nilalang. Ang pagmamahal ang siyang dahilan kong bakit nagiging mahina ang mga katulad ninyo at masyado ninyong pinangungunahan ng puso. Ang pagmamahal mo ang siyang ikakasira at ikakapahamak mo binibini. Hindi ka magtatagal, mamamatay ka rin at kong sakaling mamamatay ka sa mundo namin hindi ka kailan man makakabalik sa inyo!"

Ikinuyom ni Minerva ang kanyang kamay na siyang dahilan kong bakit biglang kumirot ng sobrang sakit ang sugat niya sa kanyang braso. Bigla na lang siyang bumagsak sa lupa habang hawak ang sugat na nag-iinit at pati rin ang buong katawan niya'y nadadamay.

"AHHHHHHHH!" Sigaw niya sa sobrang sakit habang namimilipit sa lupa.

Nagulat si Edward ngunit agad siyang kumilos, "tama na sabi!" Agad siyang umatake patakbo sa kanyang ina at handa na siyang kalabanin ito kahit pa nang galing siya ro'n. Ngunit nakaharang ang dalawang kawal na siyang nakipaglaban sa binata.

Galit at nanggigigil si Edward. Winasiwas niya ang kanyang espada at natamaan sa leeg ang isang kawal. Biglang sumirit ang dugo ng kalaban at tumalsik ang ilan sa kanyang baluti ngunit wala siyang pakialam doon.

"Wala kang silbi Edward at wala ka pang mapapatunayan kahit na kailan!"

Mas lalong nagalit si Edward sa mga naririnig niya sa kanyang ina. Agad niyang sinipa ang isa na papalapit at papatumba na ito ng kunin niya ang kamay nito saka hiniwa rin. Binato niya ang kamay na putol dahil sa ginawa niya. Lumapit naman siya sa isa pa ngunit agad siyang nahiwa sa braso nito. Napaatras siya at napasigaw sa kanyang natamo. Ngunit hindi 'yon naging dahilan para hindi siya huminto at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Hindi ito papaya na hindi niya matatapos ang lima.

Binitawan niya ang espada at agad na nilabas ang punyal sa kanyang tagiliran 'yon ang ginamit niya para sa pakikipaglaban. Habang masyado siyang aligaga sa pakikipaglaban nasa likuran naman si Minerva para lumapit kay Amber na nanghihinang nakahiga sa lupa.

Dumungaw si Minerva kay Amber. Hingal na hingal si Amber at nanlilisik ang mga mata niya.

"May huling habilin ka ba?"

"Oo."

Dahan-dahan bumaba ang mukha ni Minerva sa kanya at bago pa man ito makalayo agad niyang hinila ang buhok nito ng sobrang higpit. Napasigaw si Minerva sa pagkakahawak niya, pinilit nitong makatayo kaya nahila siya at agad niyang sinipa sa sikmura ang dalaga. Nang mapabitaw siya agad itong nawalan ng balanse at nagpagulong-gulong sa lupa.

Bumagsak si Minerva sa lupa ngunit agad siyang tumayo. Lumitaw ang sandata nito sa eri. Hinila naman ni Amber ang sandatang espada galing sa namatay na kawal na bumagsak sa tabi niya. Hinanda ang sarili sa pag-atake ng kalaban. Mabilis na sumugod sa kanya si Minerva.

Ngunit napaatras siya sa lakas ng pagkakahampas ng espada nito sa kanya at bahagyang nabibigatan lalo na't isa lang ang gamit niyang kamay sa paghawak ng espada. Sinubukan niyang umatake ngunit hindi niya magawa at muli siyang napasinghal sa sakit ng kanyang sugat.

Bigla sinipa ni Minerva sa kamay niyang may hawak ng espada niya, namilog ang mga mata niya at mas lalong kinabahan sa sunod na mangyayari. Umatras ng bahagya si Minerva saka ito umabante uli ng atake. Napasulyap siya sa espadang itatarak sa kanyang katawan.

Ngunit isang katawan ang humarang para sa atakeng dapat sana'y sa kanya.

Tumagos ang espadang hawak ni Minerva sa likod hanggang sa tyan nito sa harapan. Nanlalaki ang mata ni Edward at gano'n din si Amber dahil sa pagkabigla. Hindi maintindihan ang nangyayari.

Nabigla rin si Minerva at napabitaw sa espada. Hindi alam kong paanong nangyari nasaksak niya ang kanyang anak. Umatras siya nang tuluyang bumagsak sa paanan ni Amber si Edward.

"Hindi!" Iling ni Minerva.

Bumagsak si Amber at agad na kinuha si Edward para ihiga sa kanyang binti. Unti-unting naglaho ang espadang nakatarak kay Edward ngunit hindi ang kanyang malaking sugat. Nanginginig ang kanyang kamay na tinakpan ang sugat para hindi magpatuloy ang sugat ngunit wala rin nangyari.

"Edward..." Bulong ni Amber sa binata habang dahan-dahan tumulo ang luha niya na pumatak sa mukha ng binata.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon