Chapter 15

6.3K 212 16
                                    

Chapter 15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 15

Umayos ng tayo at bahagyang lumayo sa kanya ang binata para masilayan ang mukha n'ya, hindi s'ya nakaimik agad sa sinabi ng binata lalong nagwala ang puso n'ya sa hindi malamang dahilan.

Pamilyar na pakiramdam nong isang araw na nilinis n'ya ang sugat ng binata, nakatitig sila sa isa't isa, animoy nangungusap ang mga mata ng binata, nakakalunod na mga titig mula kay Aero.

Magsasalita pa sana si Aero nang lumapit ang isang tagasilbi sa tabi nila, parehas silang napasulyap sa tagasilbi at natigil ngunit nanatiling nasa ga'nun silang posisyon.

"Paumanhin po sa paggambala ko sa inyo ngunit hinahanap po ni prinsesa Thalia ang binibini," sabi ng babaeng tagasilbi habang nakayuko.

Nagtaka si Amber saka naman s'ya binitawan ni Aero.

"Na saan daw s'ya?" Sabay tanaw ni Amber sa lamesa nila ngunit wala ro'n ang prinsesa.

"Sumunod na lang daw po kayo sa'kin at ako na po ang maghahatid sa inyo, may gusto raw po s'yang ipakita sa inyo," sagot ng tagasilbi.

"Ga'nun ba," bulong ni Amber, sinulyapan n'ya ang binata, animoy nagtatanong kong maari ba s'yang umalis?

"Sige na sumama ka na sa kanya, hihintayin kita rito," wika ng binata.

Bahagyang ngumiti ang dalaga at saka s'ya sumunod sa tagasilbi, may parte sa kanya na ayaw n'yang kumawala sa mga kamay ng binata at ayaw n'yang itigil ang ginagawa nila kong di lang dahil sa hinahanap s'ya ng prinsesa.

Nakasunod s'ya sa tagasilbi at palabas na sila sa kumpulan ng mga naroon, sa kabilang parte sila ng silid lumabas na may mga kakakunting naroon hanggang sa makaabot sila sa dulo ng pasilyo, wala na s'yang naririnig na ingay at malayo na sila sa kasiyahan.

Dahil madilim sa pasilyo malapit sa likod bakuran ng palasyo at tanging sinag nang dalawang buwan ang nagiging ilaw nila, nakayuko s'ya sa paglalakad nang may mapansin s'ya sa tagasilbing sinusundan.

Natigilan s'ya at huminto sa paglalakad, napansin n'yang wala itong anino, pinagmasdan n'ya ang anino n'ya, tumigil din ang tagasilbi ngunit nakatalikod pa rin sa kanya.

Do'n na nakaramdam ng kakaibang kaba si Amber.

"Sigurado ka bang hinahanap ako ng prinsesa?" Tanong ni Amber, ayaw n'yang ipahalata sa babaeng kaharap n'ya ang takot.

Ngunit hindi ito nagsalita, napansin n'ya ang mga kamay nito ay humahaba sa magkabilang gilid nito habang humahaba rin ang mga kuko nito, napupunit din ang damit nitong suot habang lumabas ang mga patusok nito sa likod.

Hindi makahinga ng maayos si Amber dahil sa takot at dahil sa nilalang na kaharap n'ya.

Dahan-dahan s'yang napaatras ngunit nagulat s'ya nang tumama ang likod n'ya sa isang bagay, hinarap n'ya 'yon, laking gulat n'ya na isang binata ang nakangisi sa kanya.

"Magandang gabi binibini," bati nito sa kanya, habang pinagmamalaki nito ang punyal na hawak sa kanya.

Puros ito nakaitim na kasuotan mula sa pang itaas hanggang sa sapatos nito, mas matangkad ng bahagya sa kanya, may itim ang makapal at itim nitong buhok, asul na mata, maninipis na labing nakangisi sa kanya, may maliit at pahabang peklat ito sa ibabang labi sa kanan at matipunong pangangatawan.

Hindi s'ya makapagsalita, 'anong mangyayari sa'kin dito?'

"Saan ka pupunta binibini?" Mapang-asar na tanong ng binata. "Wala kaming gagawing masama sayo binibini, gusto ka lang naming imbetahin sa isang kasiyahan, alam kong matutuwa ka rito."

Magsasalita pa sana si Amber para sa pagtutol nang may ilabas ang binata sa bulsa nito na isang telang makintam, nang mailabas ito nagtataka s'ya kong pa'no nagkasya ro'n ang makapal at mahabang tela.

"Amber!"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang marinig n'ya ang pamilyar na boses ng binata.

"Aero? Aero! Tu---"

Hindi na natuloy ni Amber ang paghingi ng tulong nang ihagis ng binata ang tela sa ibabaw nila nang tumama ito sa mga ulo nila agad silang naglaho ng sabay ga'nun din ang halimaw at ang tela.

***

Tahimik na nagmamasid si Aero sa mga nakikipagsayahan na bisita habang nakaupo sa harap ng bilog na lamesa, hindi n'ya ginagalaw ang mga pagkaing nakahain ro'n, kanina pa n'ya hinihintay na makabalik si Amber.

Kanina nang makita n'ya ito sa kasuotan, hindi n'ya napigilan ang sariling titigan ito ng matagal, binabantayan n'ya 'to buong gabi kahit pa si Thalia ang kausap nito kanina, hindi n'ya maalis ang mga mata n'ya sa dalaga.

Napabuntong-hininga s'ya, nahanap ng mga mata n'ya ang amang hari ng Dathelyn, hindi ito mapakali at kinakausap na animoy pinapagalitan ang mga kawal nito, napatayo s'ya at napakunot-noo, sa kaarawan ng anak ay nagkakaganito ito.

Bigla na lamang s'ya nakaramdam ng kaba at una n'yang na isip si Amber, hindi n'ya alam kong bakit at saan.

Napasulyap din ang amang hari sa kanya at bahagyang ngumiti, ga'nun din ang ginagawa n'ya, naglakad ito papalapit sa kanya.

"Magandang gabi sayo prinsipe Aero," bati nito sa kanya.

"Magandang gabi rin po amang hari, mukhang hindi maganda ang gabi ninyo," wika n'ya.

"Hinahanap ko si Thalia ang anak ko."

Nagtaka si Aero sa narinig n'ya, "ang anak ninyo? Ang prinsesa Thalia po ba?"

"Oo s'ya nga, bigla na lang s'yang nawala, nilibot na nila ang buong palasyo ng mga kawal, hindi ga'nun ang anak ko lalo na't kaarawan n'ya, pinaghandaan naman 'to," pag-aalalang wika ng hari.

Nabigla si Aero, kanina ang tagasilbing lumapit sa kanila ay pinagpaalam si Amber dahil hinahanap ito ng prinsesa ngunit bakit ang prinsesa ay nawawala, lalo s'yang kinabahan.

May lumapit na dalawang kawal sa kanila, yumuko ito sa kanila pareho.

"Paumanhin mahal na hari ngunit nasira ang harang natin sa likod na parte ng palasyo, nakapasok po ang ilang bandedo sa loob ng palasyo at may mga iilang natalang nawawalang prinsesa sa gabing 'to."

Nanlaki ang mga mat ani Aero sa kanyang narinig, "si Amber," bulong n'ya.

Hindi na s'ya nagpaalam at iniwan ang hari, sinalubong naman s'ya ng kambal n'yang kawal.

"Prinsipe kailangan na po nating umalis, nagkakagulo po ang ilan, may mga bandedo raw pong nakapasok sa palasyo, hinihintay na po kayo ng kapatid ninyo at ni binibining Claire," wika ni Sebastian.

"Mauna na kayo."

Nagulat ang dalawa sa inutos n'ya.

"Hindi po maari, kailangan na po nating umalis." Pag-uulit ni Santino.

"Hindi nga pwede hangga't nawawala si Amber hindi ako aalis," tinalikuran na n'ya ang dalawa at patakbong lumabas sa likod bahagi ng palasyo.

"Amber!"

"Aero!"

Natigilan s'ya nang marinig n'ya ang sigaw ng dalaga mula sa dulo ng pasilyo, patakbo s'yang nagtungo ro'n hanggang sa makarating sa dulo ngunit wala s'yang nakitang dalaga.

Hindi napansin ni Aero na nakasunod pala sa kanya ang dalawang kawal.

"Wag po ninyong sabihin na kinuha rin ng mga bandedo si binibining Amber, halos mga prinsesa o maharlikang dalaga ang kinuha ng mga bandedo," wika ni Santino.

"Anong sabihin?"

"Napasok ng mga bandedo ang Panthalion na may ganito ring pangyayari, hindi po nila alam pero hanggang ngayon ang mga maharlikang mga babae ay hindi pa rin nakakabalik," dagdag pa ni Santino.

Takang-taka si Aero kong bakit nadamay ang dalagang si Amber dito.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon