Chapter 9

1.7K 68 19
                                    

Chapter 9

Napapalibutan sila ng maingay na mamimili sa bayan ng Atohollo kasama ni Aero sila haring Cristobal at kapatid nitong si Helena. May mga kasama silang mga kawal para bigyang daan sila at seguridad para sa paglilibot nila. Nagkalat din ang mga kawal sa bawat sulok ng bayan para masigurong nasa maayos ang pamamalakad ng bawat mamimili at ilang negosyante.

Pakiramdam ni Aero para siyang dayuhan sa sariling bayan dahil simula nang mawala rin ang dalagang si Amber nawalan din siya ng intensyon na maglibot sa bayan. Kong sakaling may problema man, nagpapadala na lamang siya ng pwedeng mag-ayos o kaya'y nagpapadala siya ng sulat sa mga namumuno sa bawat bayan para maayos ang gulo na meron.

May mga plano siyang nagawa sa bayan ngunit ngayon lamang niya nakita ang mga 'yon. Pinagmasdan niya ang patuloy na pagdaloy ng tubig sa paunten (fountain). May ilang bata na naglalaro ro'n, may ilang mga dalaga na nagbabato ng barya, biglang pipikit at bubulong sa hangin para sa kanilang kahilingan.

Mas lalo niyang pinagtaka na may ilang bata na nagsusulat sa piraso ng papel at hinuhulog sa tubig ng paunten. Dahil sa pagtataka lumapit siya sa mga bata at nakisalo ro'n. Sinundan naman siya ng mga kasama at ang bisita niyang kasama habang nililibot pa rin sa nakakamanghang bayan ng Atohollo.

"Masayahin at mukhang matulungin ang mga tao rito," komento ng hari.

"Siyang tunay mahal na hari," pagsang-ayon ng asawa nitong nasa tabi. "Mukhang magaganda rin ang mga ginagamit nilang kasangkapan at mga tela nila rito para sa gagamiting pagtahi ng bagong bistida."

"Tama, medyo mahina ang kalakalan ng tela sa Nurlin at maaring makatulong sa ilang bagay lalo na sa produktong tela ang bayan ni haring Aero," wika ni Cristobal.

"Marami ring pagkaing na rito lang makikita," dagdag pa ng reyna.

Nanatiling tahimik naman si Helena at muling nakasuot ng sombrerong may takip na tela sa mukha dahil.

"Maraming salamat sa papuri," wika ni Aero. Hindi rin siya pinapansin ni Helena nang makalabas na sila ng bayan para sa paglilibot siguro'y dahil sa pag-uusap din nila kanina.

Muling humarap si Aero sa mga bata at ngumiti nang sulyapan din siya ng batang babae na may hawak pa ring panulat.

"Anong ginagawa ninyo?" Tanong ni Aero sa bata saka siya yumuko ng bahagya.

"Nagsusulat kami ng pangarap namin at tinatapon sa tubig. Wala kasi kaming barya para rito, gusto ninyo po ba mahal na hari?"

Iaabot sana kay Aero ang piraso ng papel at panulat ngunit may kumuha sa batang babae. Nagulat din ng bahagya si Aero nang kunin ito ng isang babae na may katandaang bahagya.

"Naku, mahal na hari pasensya na po sa anak ko," nag-aalalang wika ng babaeng matanda, "ikaw hindi ganyan ang dapat ang pakikipag-usap sa hari, gumalang ka sa kanya."

Bahagyang nalungkot at natakot ang batang babae nang humarap muli ito kay Aero.

"Paumanhin po mahal na hari, sana hindi po kami maparusahan."

Bahagyang nalungkot si Aero sa tinuran ng bata. Umiling siya at ngumiti, "hindi, wala kang kasalanan pwede ko bang mahiram yan gusto ko rin humiling."

Ngumiti ang batang babae at nawala ang takot nito.

"Ito po mahal na hari," natawa naman bahagya si Aero bago niya kinuha ang gamit nito.

Biglang napaisip si Aero kong ano nga ba ang isusulat niya ngunit pumasok na naman sa kanyang alaala si Amber. Hindi na siguro maiaalis sa kanyang sistema ang dalaga at wala sino man ang magpapaalis ang dalaga sa kanyang puso. Napapaisip siya na baka sa huling hininga si Amber pa rin ang nasa isip niya.

Nakita na lamang niya ang kanyang sarili na sinulat ang gusto niyang sabihin para sa dalagang namayapa at itinapon ang papel na nilukot. Saka niya binalik ang papel at panulat sa bata.

"Maraming salamat."

Bigla na lang nagkagulo sa bayan at may ingay na paparating sa kanila. Lahat sila'y napasulyap sa kanang kalye kong saan nang gagaling ang gulo. Masyadong mabilis ang pangyayari sa biglang pagdating ng kayumangging kabayo. Nagwawala at walang pakialam sa mga natatamaan sa dinadaanan nito.

"Tumabi kayo!" May isa ring humahabol na lalaki at mukhang nagmamay-ari na nagwawalang kabayo. Nagtatakbuhan ang ilan at tumabi para hindi matamaan ng galit na kabayo.

Mas lalong kinagulat ni Aero nang papalapit na ito sa direksyon ng dalagang si Helena at hindi naman makagalaw ang dalaga sa puwesto nito dahil sa gulat din.

Agad na kumilos si Aero at hinila papalapit sa kanya si Helena. Ngunit nawalan siya ng balanse, tuluyang nahila si Helena papalapit sa kanya ata bumagsak sila parehas sa lupa. Parehas silang napapikit at natatakot na baka magtama ang mga ulo nila ngunit hindi naman nangyari.

Mahigpit ang pagkakahawak ni Aero sa dalaga at si Helena sa magkabilang balikat ng binata. Parehas na malakas ang pintig ng puso dahil sa kaba. Nasa ibabaw ni Aero si Helena at ilang segundo nang idilat ni Aero ang kanyang mga mata.

Parehas nang nakatakip sa kanilang mukha ang telang pang takip sa mukha ni Helena at animoy tinatago ang mga ulo nila. Nang idilat ni Helena ang mga mata nito ay saktong tumama rin sa mga mata niya at nakipagtitigan.

May brasong humawak at tumulong kay Helena para mapatayo at may lumapit din kay Aero para tulungan siyang makatayo. Nakita niya agad ang gulo at kalat na napinsala ng kabayong nagwawala kanila. May ilang mga prutas, gulay at ilang produkto na nasa sahig. May ilang nagrereklamo sa inis at may ilang nagliligpit na lang ng kalat nila.

"Ayos ka lang ba?" Narinig niya ang nag-aalalang boses ng reyna at napasulyap siya kay Helena na kakahubad lang ng suot na sombrero habang hinihimas ang bukong-bukong sa kanan. Nabigla siya nang mapansing namumula ito na para bang namamaga.

Agad siyang lumapit, "paumanhin, ayos ka lang ba?"

Hindi sumagot ang dalaga at nababakas sa mukha nito ang kirot na nararamdaman sa parting 'yon.

Huminga ng malalim si Aero at sinulyapan ang ilang mga kawal.

"Bumalik na tayo sa palasyo."

Tumango naman ang mga ito at humarap naman siya sa hari na nag-aalala sa kanyang kapatid.

"Hindi ko inaasahan ito kaya ako na mismo ang humihingi ng paumanhin sa nangyari."

Umiling ito, "naiintindihan namin kamahalan kaya kailangan na nating bumalik para mabigyan natin siya ng paunang lunas."

"Sige, mauna na kayo at ako na ang bahala sa kanya."

Lumapit naman si Aero kay Helena at kinarga ito na para bang bagong kasal. Nabigla ang dalaga sa kanyang ginawa.

"Te-teka anong ginagawa mo?"

"Huwag ka nang magreklamo prinsesa para makabalik tayo agad," wika ng binata at naglakad ito palapit sa karwahe.

Nakaramdam ng hiya, nag-init ang pisngi ng dalaga dahil sa sobrang lapit niya sa binata at hindi inaasahang gagawin ito ni Aero sa kanya. Tinikom na lamang niya ang bibig habang karga ng binata.  

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon