Chapter 63

2.3K 85 2
                                    

Chapter 63

"Hindi! Kasalanan mo 'to!" Sigaw ni Minerva habang papaatras at hindi makapaniwala sa kanyang nagawa sa anak. Napahawak ang mga kamay niya sa ulo na para bang nababaliw. Susugod sana siya kay Amber ngunit agad na dumating sil Aero at nanang.

Tinapat ni nanang ang tungkod niya sa likuran ng apo at lumabas do'n ang liwanag para matamaan ito. Bigla na lang bumagsak sa lupa padapa ang dalaga at nawalan ng malay. Nang makalapit ang dalawang bagong dating at hindi makapaniwala sa limang kawal na puro may tama na walang malay na nakasalampak sa lupa.

Lumapit si Aero sa kakilalang kawal, si Sebastian. Sinubukan niya itong gisingin ngunit hindi ito gumagalaw at tinignan ang pulso nito. Buhay pa ang binatang kawal. Ngunit pag-sulyap niya kay Amber hawak nito ang kapatid na si Edward.

Hindi na napapansin ni Amber ang paligid dahil nakatutok lang siya sa binatang naghihingalo sa kanyang harapan. Una si Santino at pangalawa naman si Edward. Nainis man siya sa binata o nagkaroon man siya ng hindi pagkakaintindihan, hindi niya gustong mamamatay ito at mapahamak.

'Bakit kailangan mangyari 'to? Ilang buhay pa ba ang mawawala?' Tanong niya sa kanyang isipan.

Hindi niya namalayan na nakalapit na pala si Aero sa kanya, lumuhod sa harapan ni Edward at hindi rin makapaniwala.

Ngumisi si Edward kahit na nanghihina ito.

"Nanang baka pwede mo kaming tulungan, hindi siya pwedeng mamamatay." Nanginginig na sabi ni Aero.

Lumapit ang matanda sa likuran nila at umiling, "hindi ko sakop ang pagbabawi ng kaluluwa ng isang mamayapa na at baka magkaroon tayo ng problema kay Kamatayan." Malungkot na wika ng matandang babae, "wala na tayong magagawa at oras na niya."

"Pa...patawad..."

Mas lalong natakot si Amber nong subukan ni Edward na magsalita bumulwak ang dugo mula sa bibig nito.

"Tama na wala kang kasalanan," sabi ni Amber at patuloy pa rin sa pagtulo ng luha nito.

"W-wag mo...mo kong iyakan."

Napapikit si Amber at hindi makayang makitang nanghihina ang binatang kahit papaano naging malapit ito sa kanya.

Dahan-dahan pinikit ni Edward ang kanyang mga mata at hindi na ito kumikilos tuluyang napahagulgol si Amber. Hindi na niya makaya ang mga nangyayari sa paligid niya.

Nanatiling nakatitig si Aero sa kapatid at wala man lang siyang nagawa para ipagtanggol o tulungan man lang niya. Bigla siya nakaramdam ng konsensya sa nangyari sa kanyang kapatid.

Napasinghap si Amber ng may maramdaman siyang kakaiba na para bang may pumasok na hangin sa kanyang katawan. Napasulyap sa kanya binatang si Aero at nagtaka sa kanyang kinilos.

Bigla na lang napahiga si Amber sa lupa at nanginig ang kanyang katawan. Bigla na lang gumaling ang lahat ng sugat niya sa kanyang katawan. Namilog ang mga mata ni Aero na dinaluhan ang dalaga at nag-aalala rin akong anong nangyayari rito.

Kinuha niya si Amber, "anong nangyayari sa kanya?"

Ngunit may takot sa mga mata ni nanang na siyang pinagtataka ni Aero.

"Lumayo ka sa kanya!" Sabay tutok ni nanang ng tungkod nito sa dalaga.

"Teka anong ginagawa mo!"

"Lumayo ka sa kanya!"

"Teka!" Muli siyang napayuko para tignan ang tumitrik na mata ni Amber at bigla itong dinilat ang mga mata. Mas lalong kinagulat ni Aero sa pagdilat ni Amber nababalutan na ng itim na kulay ang mata nito.

"Amber?"

***

Napasinghap si Amber nang magising siya at idilat ang mga mata. Nagtaka siya ng mapansing nasa kakaibang lugar siya o parang dimensyon. Dahan-dahan siyang umupo sa sahig na kulay puti at nagpalinga-linga sa paligid. Para bang nasa loob siya ng isang silid na walang hangganan at hindi sukat kong hanggang saan ang dulo nito.

"Aero!" Nag-echo ang boses niya pabalik sa kanya.

Bigla niyang naalala si Edward, wala na si Edward. Dahan-dahan siyang tumayo at nakaramdam ng takot nang mapansing walang katao-tao kong di siya lamang. Natigilan siya nang makarinig ng yapak mula sa likuran niya.

Agad siyang humarap sa direksyon na 'yon at nagtaka siyang na ro'n din si Aero. Nakahinga ng maluwag si Amber ng makita ang binata ibig sabihin hindi siya nawawala. Magsasalita na sana siya ng mapansing walang emosyon ang mata nito at huminto ng ilang metro sa kanya.

"Aero?"

Hindi sumagot ang binata sa kanya at nilabas nito ang kanyang sandata mula sa likuran.

Do'n lang niya napansin na para bang hindi si Aero ang kaharap niya kahit na kawangis ito ng binata.

"Hindi ikaw si Aero," bulong ni Amber. Napasulyap si Amber sa kanyang kanang kamay ng maramdaman niyang may hawak na siyang sandata. Namilog ang mga mata niya ngunit hind niya magawa mabitawan ang sandata. Nagulat na lamang siya na bigla na lamang papasugod ang binata sa kanya.

Agad siyang napaatras at tumakbo palayo. Luminga siya nang biglang kamuntik na siyang matamaan ngunit nakailag siya. Patuloy na pagsugod ng binata ang ginawa at patuloy pa rin sa pag-iwas hanggang sa matumba siya.

Matatamaan na naman sana siya nang gumulong siya sahig para umilag. Sinipa niya ang tagiliran ng binata at bumagsak ito. Nanlilisik ang mga mata nitong sumulyap sa kanya. Hindi niya maintindihan kong bakit siya na ro'n at kong bakit kailangan niyang makipaglaban sa binata. Bago pa man makatayo si Aero agad siyang tumakbo palayo.

***

Agad na sinakal ni Amber si Aero sa pagdilat ng mga kamay. Nabigla ang binata sa inakto nito. Mas malaki at mas matangkad siya sa dalaga ngunit napakalakas nito. Habang tumatayo si Amber nahihila niya si Aero. Hindi na makahinga si Aero at pinipilit na kumawala sa pagkakasakal ng dalaga.

"A-amber?" Singhal ni Aero.

Lumayo si nanang at hinanda ang tungkod niya, "hindi siya si Amber, si Viktoria siya!"

Bigla naman binato ni Amber ang katawan ng binata. Tumama ang likod ni Aero sa punong malapit bago bumagsak sa lupa at hinihingal na parang isda na inalisan ng tubig. Umuubo ito at hinihimas ang leeg. Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang sandata sa lupa. Agad siyang sumugod ngunit isang hangin ang nang galing sa kumpas ng kamay ni Amber para hindi siya tuluyang makalapit.

Hindi makapaniwala si Aero na makikipaglaban siya sa dalagang pinakamamahal niya na gamit ng kanyang kalaban.

"Layuan mo siya at makipaglaban ka ng patas!" Naikuyom ni Aero ang palad niya sa sandatang hawak.

"Subukan ninyong saktan ang katawan na 'to kong gusto pa ninyong makabalik ng buhay ang binibini," banta ni Ambe na ang boses ni Viktoria ang lumalabas sa bibig nito at isang ngisi ang sumilay sa labi.

Napaisip si Aero, paano siya makikipaglaban sa kalaban na gamit si Amber?

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon