Chapter 46

883 33 8
                                    

Chapter 46

KUMAGAT ang gabi at nag-umpisa ang mumunting kasiyahan sa tribo nila Minerva sa pyestang 'yon. Hindi magkamayaw ang mga naroroon para sa pagluluto ng mga pagkain sa malalaking kawa ang ilang mga kababaihan at nag-iihaw ng ilang karne ang kalalakihan. Masayang naglalaro ang mga bata, ilang nag-uumpisa nang kumain, sinasabayan pa ng kantahan, sayawan at inuman na hindi mawawala sa kasiyahan na 'yon.

Nakaupo sa harap ng mahabang lamesa sila Amber habang katabi niya si Minerva at nasa kabilang banda naman sila Kairos, Sebastian at Aero na hindi nagpapansinan kahit na magkakatabi man lang.

Sa gitna ng kasiyahan ang lamesa lang nila ang tahimik lalo na't kakaibang aura sa dalawang binata na sila Kairos at Aero.

"Hindi naman siguro tayo namatayan ano," sarkastikong wika ni Minerva sa tabi niya sabay siko sa kanya at nguso sa dalawang binata.

Napakamot na lang siya sa kanyang ulo, "ewan ko ba," sagot niya.

May naglatag ng inuming alak sa lamesa nila at agad na kinuha ni Kairos ang isang bote para lagukin ito. Lahat sila'y napasulyap sa binata at padabog na binagsak ang bote buti na lang hindi ito nabasag. Tahimik lang itong dumampot ng pulutan niyang inihaw na karne.

Kinuha naman ni Aero isang bote ng alak.

"Teka---" sasawayin sana ni Amber si Aero nang tuluyan din nitong nilaguk ang isang bote ng alak. Hindi pa niya nakikitang umiinom ng alak ang binata o malasing man lang ito. Kahit din si Sebastian na heneral nito'y hindi rin nagawang pigilan si Aero. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa dalawang binata.

"Ayos pa naman siguro sila?" Tanong ni Amber sa kanyang sarili.

"Para kamo silang baliw," biglang sagot ni Minerva, nabigla naman siya nang hawakan siya sa kamay ng dalawa.

"Bakit?" Tanong ni Amber kay Minerva.

"Halika, iwan na muna natin sila, hayaan mo sila magpakalasing hindi naman sila mamamatay dyan," sabi ni Minerva ng tuluyan na siyang hinila nito.

Nakipagsiksikan sila sa mga mananayaw na babae at nagkakantahan bago siya bitawan. Nag-umpisang gumaya si Minerva sa sayaw at pati na rin si Amber ay sumabay. Habang sumasayaw si Amber napagtanto nilang mas masaya yung ganito, walang gulo, walang away at tahimik na masayang namumuhay ang bawat isa.

Pinagdadasal niyang hindi na matapos pa ang tahimik na buhay nila. Isa-isa niyang tinitignan ang kasiyahan sa mga mukha ng bawat isa at lalo na ang mga batang wala pang gaanong alam sa nangyayari.

Halos magkakalahating oras silang nakikipagsayahan sa mga ka-tribo ni Minerva nang makapagpaalam siya na magpapahinga na muna. Pabalik na sana siya sa dati nilang lamesa nang matanaw niya sila Aero at Kairos na para bang nag-aaway.

Halos nakaupo na sa Kairos sa lamesa at nakakwelyo si Aero sa binata. Nagkalat ang mga gamit sa puwesto nila. Walang umaawat at pinagtatawanan pa ang dalawa habang si Sebastian lang ang humihila kay Aero palayo sa binatang si Kairos.

Napakaripas siya ng takbo papalapit sa dalawang binata, "anong nangyayari?" Tanong niya kay Sebastian.

Namumula ang pisngi ng dalawang binata at halatang nasa ilalim na ito ng alak. Hindi makapagsalita.

"Ohhhh!" Sigaw ng lahat na andoon nong biglang humiga si Kairos sa lamesa at napasunod si Aero dahil nanatiling nakahawak pa rin 'yon sa binata.

Akala nila mahuhulog ito ngunit nagulat si Amber nang pumaibabaw si Aero kay Kairos. Akala nila may mangyayari pang kakaiba nang parehas na itong humihilik at nakatulog na sa kalasingan.

"Kung pwede tulungan muna si Aero sa kanyang silid," utos niya kay Sebastian.

"Opo."

"Pati si Kairos," dagdag pa ni Amber.

Napasulyap si Sebastian sa kanya na may gulat sa mukha ng binata, "po?"

Napasulyap din siya sa binata na may pagtataka, "bakit?"

"Oo nga po, gagawin ko na po," walang nagawa si Sebastian kundi sumunod.

"Salamat."

HALOS madaling araw na natapos ang kasiyahan nang maisipang makapagpahinga na ang tribo. Tahimik na ang buong kakahuyan at lahat ay nasa ilalim ng mahimbing na tulog. Unti-unting kumakapal ang hamog sa kapaligiran, halos wala ring bantay sa lugar na 'yon dahil sa pagod at antok. Bigla na lang isa-isa lumitaw ang mga kaluluwang nakawala noon sa Erebus na ngayo'y nasa pamumuno ni Helena. Nakatayo ang dalaga sa labas ng harang habang nasa likod niya ang mga tagasunod niya. Hinawakan lamang niya ito nang unti-unting animoy nabura sa hangin ang harang.

Dahil do'n nagdiwang ang mga kaluluwa at isa-isang nagsipasukan sa kakahuyan. Kanya-kanya sila ng panggugulo at nag-umpisa na rin umapoy ang ilang kubo. Napangisi siya at pinakiramdaman ang paligid. Habang nakapikit siya hinahanap niya kung na saan si Amber. Ang dalaga ang una nitong pupuntiryahin bago lahat. Gusto niyang makapaghigante dahil para sa kanya ang dalaga ang may kasalanan kung bakit hindi siya pinili ni Aero.

Napadilat siya at patuloy sa paglalakad nang malaman niya kung na saan ito at napangiti ng malamang nahihimbing itong mag-isa sa isang kubo sa dulo ng kakahuyan. Nag-umpisa nang magising ang tribo at magsigawan dahil sa mga sunog na nagaganap.

Mas lalo silang nagulat dahil muli na naman silang ginugulo ng mga kaluluwang naghihigante galing sa Erebus. Nawala ang antok sa bawat isa at pagkalasing nila. Isa-isang lumaban ang mga tagapagbantay sana ng tribo ngunit parami nang parami ang mga kalaban.

Tulog ang katawan ni Amber ngunit gising na gising ang diwa niya. Malilikot ang mata niya sa ilalim ng pilik-mata. Pinagpapawisan at naririnig niya ang sigawan ng mga humihingi ng tulong. Sa isang iglap napabalikwas siya ng gising at napaupo sa kama. Hingal na hingal at malakas na kumakalabog ang puso niya sa loob ng dibdib.

Mula sa mga butas ng kubo nakikita niya ang liwanag sa labas at nakakarinig siya ng mas malinaw na ingay mula ro'n. Dahan-dahan siyang umalis sa kama at naglakad papalapit sa pinto na nakapaa.

Bubuksan sana niya ang pintuan nang biglang isang malakas na pwersa ng hangin ang humampas sa kanya galing sa labas, humampas din sa kanya ang pinto ng kubo, tumalapon siya sa dulo ng kubo at sa pagtama niya ro'n nagiba ang pader na kawa sa anahaw. Tuluyan siyang tumilapon sa labas at nagpagulong-gulong sa lupa bago siya bumagsak sa paanan ng isang puno na nakadapa.

Hindi agad siyang nakabangon at nalalasahan niya ang dugo niya mismo sa gilid ng labi niya. Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya, madilim man ang lugar ngunit dahil sa sunog sa ilang kubo nagkakaroon ng liwanag sa kakahuyan, nakita niyang papalapit ang isang dalaga sa kanya galing sa makapal na usok at tuluyan niyang nakita ang mukha nito na nakangisi sa kanya.

Tatayo na sana siya nang isang iglap nakalapit sa kanya si Helena. Hinawakan siya nito sa leeg at dahan-dahan siyang inangat ang katawan niya mula sa lupa gamit ang isang kamay nito. Hindi siya makahinga at pilit niyang pumipiglas sa pagkakahawak ng dalaga dahil hindi na niya matapak ang mga paa sa lupa.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa braso ng dalaga at pinikit ang mga mata.

Masyadong mabilis ang pangyayari sa pagdilat niya wala na siya sa kakahuyan, hindi na siya hawak ng dalaga, hingal na hingal siyang nakaupo sa sahig sa loob ng bulwagan ng Holon at malayo kay Helena. Hindi niya akalaing madadala niya sa si Helena sa Erebus. Takang-taka sila parehas kung paano sila nakarating do'n.  

---
Hello mga bebe, baka gusto ninyo mag-order ng book kong Hunting Murder, 290 plus shipping fee with freebies na po siya, pwede po kayo magbayad ng full or half payment lang po, lalo na yung mga mahilig sa Paranormal-Horror, pa support naman sa book na 'to at baka po makasama kayo sa raffle, salamat, you can messages for some info regarding this.

Pre-Order Form: https://forms.gle/3DhQGYMJ3oZo2U6L8

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon