Chapter 10

6.7K 237 20
                                    

Chapter 10

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 10

"Anong kailangan ninyo sa'kin?" Tanong ni Aero nang makapasok s'ya sa silid kong saan na roon ang amang hari.

Sinalubong s'ya ng ama na may seryosong mukha habang nakaupo ito sa trono n'ya.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa ngunit tinatanggalan na kita ng bisa sa paghahanap mo ng mapapangasawa."

Nabigla si Aero sa kanyang narinig, "anong ibig sabihin nito? May usapan tayo, bilang isang hari, wala ka dapat binabaling usapan o pangako sa pagitan ng mga nasasakupan mo!" Hindi mapigilan ni Aero na taasan ng boses ang ama kahit pa s'ya ang hari.

"Tama ka hari ako, may karapatan pa rin akong mag desisyon, sa kaharian ko, sa pamilya ko lalo na sa anak ko, kay tagal na ng panahon nang paghihintay namin, nagkausap kami ni ginoong Thomas tungkol sa paglalakbay n'ya, hinihintay ng mga kaharian at namumuno sa Atohollo ang pagpapakasal at pagtakda sayo bilang hari. Nagkakaroon ng sigalut sa kaharian ng Panthalion dahil na sakop ng ilang bandedo ang maliliit na bayan ro'n, kailangan natin silang tulungan sa tulong ng bagong hari."

Hindi makapagsalita si Aero at nakakuyom lang ang mga kamao n'ya sa magkabilang gilid habang nakatingala sa amang hari.

Huminga s'ya ng malalim, "sino naman ang magiging asawa kong mamadaliin natin 'to?"

"Napag-usapan na natin sa una pa lang, kong wala kang mahanap na babae para sayo si binibining Claire ang magiging asawa mo, kong hindi ka papayag maari pa nga ibigay at ipasa kay prinsipe Edward ang korona, tapos ang usapan."

Hindi makapag-isip ng matino si Aero, gulong-gulo ang isipan n'ya, hindi n'ya gustong mapakasal kay Claire o mapunta ang korona kay Edward, wala s'yang pagpipilian.

***

May magandang balitang umiikot sa palasyo na may dumating na bagong bisita, ang masamang balita para kay Amber isa s'ya sa mga tagasilbi na magsisilbi sa hapunan kasama ang bisita, akala n'ya ligtas na s'ya sa panonood at pagbabantay sa pamilya habang kumain, ngunit mauulit na naman s'ya katulad ng dati.

Ngunit kakaibang hapunan ang nagaganap, bilog silang lamesa, tama lang para sa anim na katao, hardin din nila na isipang magsalo-salo ng hapunan, lilima silang tagasilbi at iilang kawal na nagbabantay sa pamilya.

Naroon ang pamilya at ang bagong mukha kay Amber, masaya s'ya nakikipagkwentuhan at nakikipagtawanan sa amang hari, nakasuot ito ng fitted na kasuotan na may mahabang sleeve, kulay maroon, pantalong itim, boots na brown at nakasuot ng kapang itim.

Bahagyang lubog ang mga mata dahil na rin sa katandaan at sa mga mahahabang biyahe, bahagyang pumuputi na rin ang ibang parte ng buhok nitong itim, napansin n'yang kahawig ito ni Claire sa mata at kong pa'no ito tumawa.

Napasulyap s'ya kay Aero na tahimik at seryosong nakatitig sa mga pagkain, 'ano naman problema ng isang 'to?' Tanong n'ya sa kanyang isipan.

Napasulyap ang lahat sa amang hari nang magsalita ito, kahit din si Amber ay simpleng sumulyap.

"Gusto ko sanang ianunsyo na ikakasal at kokoronahan nang bagong hari si prinsipe Aero sa susunod na buwan," masaya n'yang wika.

Lahat ng nasa lamesa ay nagsipalakpakan ngunit si Aero lang ang hindi natutuwa sa balitang 'yon.

"Nakahanap na ba ng mapapangasawa ang prinsipe?" Tanong ng inang reyna.

"Meron na," masayang sagot ng amang hari.

"Sino naman po amang hari, kilala ba natin s'ya?" Pagtataka ni Edward.

Magsasalita pa sana ang amang hari para sagutin ngunit tumayo si Aero at nakuha n'ya ang atensyon ng lahat.

Napasulyap din si Amber sa kanya, nagtama ang mga titig nila.

"Ook ilala natin s'ya, hindi na kailangan pa ng hari na s'ya ang magsabi ng magandang balita," wika ng binata habang nakatitig pa rin kay Amber. "Ako na mismo ang magsasabi, ako si prinsipe Aero ng Erosso, ang aking napili at ang babaeng papakasalan ko ay," bahagya itong tumigil at muling nagpatuloy, "ang ating tagasilbi na si Amber."

"Ano?!" Hindi napigilan ni Amber ang gulat, nanlalaki ang mga mata n'yang nakatitig sa binata.

Lahat din nang naroon ay nagulat sa tinuran ng prinsipe, nabigla sa balita, lahat sila ay nakatingin na rin ngayon kay Amber.

"Anong kalokohan 'to?" Si Edward ang bumasag ng katahimikan na s'yang gulat na gulat din sa nangyayari.

Umalis si Aero sa puwesto n'ya at naglakad s'ya papalapit kay Amber, kinuha n'ya ang kamay ng dalaga.

Hinihila ni Amber pabalik ang kamay n'ya ngunit ayaw bitawan at lalong hinigpitan ni Aero ang pagkakahawak sa kanya.

Tumayo ang amang hari na nakatingin pa rin sa kanila, "itigil mo ang kalokohang 'to."

"Hindi 'to kalokohan, kong kalokohan ang pakasalan ang isang tagasilbi, kalokohan din bang pinakasalan mo ang inang reyna na isa ring dating tagasilbi? S'ya ang babaeng papakasalan ko, inuulit ko s'ya ang napili ko." Seryosong giit ni Aero, saka n'ya hinatak paalis do'n ang dalaga.

Natahimik ang lahat lalo na ang reyna pakiramdam nitong napahiya s'ya sa mga taong naroon.

Walang nagawa si Amber dahil sa gulat, natanggay din s'ya sa lakas ni Aero.

HILA-HILA PA rin s'ya ni Aero, nakasunod rin sa kanila ang dalawang kambal na kawal na tagasilbi ni Aero, huminto sila sa isang silid at pumasok do'n, saka naman s'ya binitawan ng binata, naiwan ang dalawang kawal sa labas at sinara ang pintuan.

"Nababaliw ka na ba? Ano 'yong sinabi mo sa labas kanina?" Takang-taka pa rin si Amber, nakita n'yang pabalik balik sa paglalakad si Aero sa iisang direksyon, sinundan n'ya 'to ng tingin.

Napansin n'yang nasa pamilyar s'yang silid, ang mga painting sa mga pader at ang piano sa tabi ng bintana.

Humarap ang binata sa kanya, may pag-aalinlangan sa mga mata nito.

"Hoy tinatanong kita!?"

"Tumigil ka nga ang ingay mo, oo na sasabihin ko sayo, makinig kang mabuti!"

Nagsisigawan na sila kahit na malapit lang sila sa isa't isa.

"Una ikaw ang may kasalanan kong bakit nandito tapos gagawa ka ng eksena na papakasalan mo ko, hindi mo ba ako tinanong kong gusto ko?"

"Bakit ginusto ko ba 'to? Iniipit ako sa sitwasyon."

"Kaya pala idadamay mo sa sitwasyong ikaw lang dapat ang may problema, itigil muna 'to at tigilan mo ko, bawiin mo 'yong sinasabi mo sa kanila, hindi ko alam kong nagbibiro ka pero bawiin mo 'yon."

"Sino ka para utusan ako, prinsipe ako, kailangan mo kong igalang, bago ka magsisigaw at magtapon ng mga salita, pakinggan mo kong mabuti," humarap ang binata kay Amber, "kailangan kong gawin 'to, kailangan mong gawin 'to, kailangan nating gawin 'to."

Nalilito pa rin si Amber, "ano bang gusto mong sabihin?" Tanong n'ya habang nakakunot ang noo n'ya dahil sa binata.

"Tutulungan kitang makaalis sa Eribus at makabalik sa mundo mo kong tutulungan mo ko at pagbibigyan mo ang kagustuhan ko. 

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon