Chapter 32
Nang magising si Amber sa kanyang silid namumugto pa ang mata n'ya, hindi rin n'ya nakausap ng matino ang binata at pinilit na lamang s'yang magpahinga. Umalis s'ya ng kama at agad na lumabas ng silid kahit na hindi pa rin s'ya nakakapag-ayos. Agad s'yang dumiretso sa tapat ng silid ni Aero at kumatok doon. Naghihintay kong naroon pa rin ang binata. Bawat sandal lalong bumibigat ang pakiramdam n'ya sa hindi malamang dahilan pero isa lang ang sagot doon nasasaktan s'ya. Hindi n'ya pa ring matanggap na aalis s'ya na hindi man lang nakikita ang binata sa huling pagkakataon.
Ilang beses s'yang kumatok ngunit walang sumasagot sa loob, kahit na alam n'yang maagang umalis ang binata, gusto pa rin n'yang paniwalain na andoon lang s'ya at naghihintay para sa kanya.
"Mahal na reyna," hindi n'ya namalayan na may paparating na tao at tinawag s'ya.
Dahan-dahan na bumaba ang kamay n'ya sa gilid at lalong bumigat ang pakiramdam n'ya. Gusto na namang tumulo ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.
"Umalis na po ang mahal na hari kanina pa pong bukang liwayway," wika ni prinsipe Edward sa kanyang gilid, "mag-almusal ka na po kayo sa baba at mukhang nahuli kayo ng gising para sa agahan."
Ngayon lang napagtanto ni Amber na tinanghali na pala s'ya ng gising. Hindi s'ya umimik at bumalik sa silid n'ya na hindi sumasagot sa prinsipe.
Nanatiling nasa silid lang si Amber at si Santino ang naghahatid ng pagkain n'ya ngunit hindi naman n'ya nagagalaw. Muling naghatid si Santino ng hapon na 'yon ng pagkain para sa kanya ngunit nalungkot ang mukha ng binata nang makitang hindi pa rin nagagalaw ang ibinigay n'yang pagkain kanina.
Lumapit ang binata kay Amber na nakaupo sa tapat ng terrace, nilapag muna ni Santino ang pagkain sa tabi ng mga hindi pa nagagalaw na pagkain sa lamesa at lumapit ng bahagya kay Amber.
"Hindi magugustuhan ng mahal na hari ang ginagawa mo."
Hindi sumagot ang dalaga. Napabuntong hininga na lamang si Santino. "Kailangan mong maging malakas baka mahirapan ka kong sakaling tatawid ka sa lagusan mamayang hating-gabi."
Ngunit hindi pa rin sumasagot ang dalaga.
Naawa lang si Santino sa kalagayan ni Amber at muli'y nagpakawala s'ya ng buntong-hininga bago s'ya lumabas ng silid para iwan ang dalaga.
Walang nagawa si Amber kong di ang manahimik sa kanyang silid hanggang sa dumating ang hatimg-gabi. Nagalaw man n'ya ang pagkain n'ya ngunit kakaunti lamang. Muli s'yang binalikan ni Santino at kitang-kita sa labas ang dalawang buwan na sumisilay sa madilim na kalangitan.
Marami s'yang tanong sa kanyang isipan, kong handa na ba s'yang tumawid o hindi pa? Nagdadalawang isip s'ya sa mga oras na 'yon. May dalawang itim at makapal na balabal si Santino para sa kanya. Inabot ito sa kanya at s'ya namang kinuha n'ya.
"Suotin mo 'yan mahal na reyna," sabi ni Santino.
"Anong mangyayari 'pag wala na ako?" Tanong ni Amber.
"Kami na pong bahala roon mahal na reyna, ang importante makatawid ka ng ligtas sa lagusan at kanina pa naghihintay ang kapatid ko doon. May oras lamang ang pagtawid kaya kailangan nating magmadali." Pagpapaalala ni Santino.
Hating-gabi na at wala nang masyadong naglalakad sa palasyo. Kailangan nilang maingat at baka malaman kong ano ang kanilang gagawin. Nakalusot naman sila palabas ng palasyo ngunit hindi sila sa mismong gate lumabas. May iba pang daanan sa likod ng palasyo kong saan napapalibutan ng kagubatan. Nakasunod si Amber kay Santino na palinga-linga sa paligid. Hindi pa rin maalis ni Amber ang pag-aalala n'ya sa maraming bagay.
May dinaanan silang ilog at ilang mabatong lugar na mahirap lakaran. Sa kalagitaan ng paglalakad sa gitna ng kagubatan nang makarinig sila ng kaluskos at ingay papalapit sa kanila. Natigilan ang dalawa at nagpalinga-linga sa paligid. Agad na hinila ni Santino si Amber sa kanyang likod para iligtas sa ano mang kapahamakan at nilabas ang espada n'ya.
Nakaramdam naman ng takot si Amber at patuloy pa rin ang ingay papalapit sa kanila hanggang sa bigla na lang lumabas ang isang hayop sa mataas na damuhan. Parehas napabuntong-hininga sila Santino at Amber. Binitawan ni Santino si Amber.
"Kailangan na nating magmadali, akala ko pa naman kong ano na, natakot ako doon," sabay himas ni Santino sa kanyang dibdib.
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad at hanggang sa makarating sila sa tagong lugar ng lagusan. Sa magkabilang gilid ng umiilaw na bilog na lagusan may naglalakihang bato roon. Malakas ang hangin na nang gagaling doon at nakatayo si Sebastian malayo roon ngunit nagbabantay sa paligid. Natatanaw ni Amber ang lugar sa kabilang lagusan, ang mundo kong saan s'ya nababagay.
Dahan-dahan s'yang naglakad doon at pinagmasdan. Tinitignan nila Sebastian at Santino ang susunod n'yang gagawin.
Pakiramdam n'ya hindi pa ito ang oras para bumalik sa tunay n'yang mundo. Muli s'yang humarap sa kambal na kawal. Kumaway si Santino sa kanya at wala pa ring makitang emosyon sa mukha ng kapatid niton si Sebastian.
Umiling s'ya na pinagtaka ng dalawa. Dahan-dahan s'yang lumayo sa lagusan at lumapit sa kambal na kawal.
"Hindi ko kaya," sabi ni Amber.
"Anong ibig sabihin mo mahal na reyna?"
Umiling s'ya, "hindi ko kayang umalis na hindi ako nakakapagpaalam ng maayos kay Aero, nagmamakaawa ako bigyan pa ninyo ako ng kaunting panahon bago ako bumalik sa amin at gusto ko s'yang makausap. Gusto ko s'yang hintayin," unti-unti nang tumulo ang luha n'ya.
"Pero..." Hindi naituloy pa ni Santino ang kanyang sasabihin dahil nakaramdam s'ya ng awa sa dalaga.
"Anong ibig sabihin nito?"
Nagulat ang tatlo nang makarinig sila ng ingay mula sa likuran at sabay-sabay silang napasulyap sa direksyon ng boses na nagsalita. Gulat na gulat silang nakatitig kay prinsipe Edward na hindi nila namalayang nasundan pala sila.
Nagtataka ang prinsipe kong anong ginagawa nila sa lugar ng lagusan, isa-isang tinignan ang mga mukha nito, "anong ibig sabihin nito, mahal na reyna? Sinong kailangan bumalik?"
Hindi makapagsalita ang tatlo, si Amber napatingin kay Santino at humihingi ng tulong kong anong idadahilan nila ngunit kahit din ang binatang kawal ay walang magawa sa biglaang pangyayari.
Napaisip ang binata at may nabubuong ideya sa kanyang isipan kahit na hindi s'ya sigurado, "hindi ka taga-rito, mahal na reyna? Labag ito sa batas namin." Sabay iling-iling s'ya.
"Kailangan na n'yang tumawid," biglang sabi ni Santino ngunit sabay-sabay silang napasulyap sa lagusan nang dahan-dahan itong nagsara. Naging madilim ang paligid at isang katahimikan ang namayani sa kanila. Hindi makapaniwala sa nangyari. Nawala na ang pagkakataon ni Amber para makabalik.
Dahan-dahan umatras si Edward at naglakad palayo. Agad na kumilos si Amber at humabol sa binata habang pinupunasan ang luha n'ya. Sa pagharap n'ya isang matatalim na titig ang natanggap n'ya sa binata.
Umiling s'ya, "nagmamakaawa ako mahal na prinsipe, wag mong sasabihin sa kanya."
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasia(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...