Chapter 48

1K 39 29
                                    

Chapter 48

BUMAGSAK si Helena nang makabalik siya sa loob ng silid niya sa kaharian, nanginginig ang kamay niya, nanghihina at puno nang sugat ang buong katawan niya lalo na ang kanyang ulo. "Magsisisi sila sa ginawa nila sa 'kin," bulong niya sa kanyang sarili. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa salamin. Nandidiri siya sa kanyang sarili at hindi makapaniwala sa kanyang itsura na natamo sa laban niya.

Unti-unti niyang hinawakan ang mukha na puno ng sugat at dahan-dahan nanumbalik ang kanyang ganda na animoy parang walang nangyaring labanan kanina. Huminga siya ng malalim nang tuluyang siyang gumaling lalo ang mga sugat niya. Nakita niya si Viktoria sa salamin imbes na repleksyon niya.

"Kailangan nating bumalik, hindi ako makakapayag na ginawa nila 'to sa 'kin lalo na ni Amber," nanggigigil na wika nito.

"Maghinay-hinay ka, ihanda mo ang mga kawal mo, ang sarili mo para sa susunod na pagsalakay, sa ngayon magpahinga ka na muna at sa panghuling laban na 'to tayo ang magwawagi," sabay ngisi ni Viktoria.

Nawala na si Viktoria sa salamin at naiwan si Helena na mag-isa ro'n. Habang nakatitig sa salamin, maraming alaalang pumasok sa kanyang isipan at hindi niya akalain na makakarating siya sa kinatatayuan niya noon na dati'y pinapangarap lamang niya. Hindi na rin siya ang dating Helena at alam niyang malaki ang pagbabago niya. Nararamdaman niya ang kakaibang kapangyarihang nanalaytay sa buong katawan niya. Tuwang-tuwa siya na nakuha niya ito sa isang iglap at walang kahirap-hirap.

"Lahat ay yuyuko at magbibigay galang sa 'kin. Hindi na ako ang katulad ng dating si Helena'ng nakilala nila," wika niya sa kanyang sarili.

~*~

Bilang pangalawang anak nila haring Cristobal at reyna Liticia si prinsesa Helena sa kaharian ng Nurlin, hindi gaanong napapansin sa lima at puros mga babaeng magkakapatid. Mas madalas na panganay at ang bunsong kapatid ni Helena ang napapansin sa pamilya. Isang kasiyahan ang magaganap sa bulwagan at ito'y kaarawan ng bunso. Halos kasunod sila ng kaarawan ng kapatid ngunit kinagulat niya na mas ginugol at meron pang magaganap na kasiyahan na hindi nangyari kahapon.

Para bang naging simpleng araw lang kahapon at halos makalimutan ito ng kanyang mga magulan, "anong meron?" Tanong niya sa kanyang ina na tumutulong sa pag-aayos ng dekorasyon sa bulwagan.

"Hindi mo ba nakikita? Abala ang lahat para sa kaarawan ng kapatid mo, gusto mo bang tumulong?" Tanong ng kanyang ina.

Umiling siya, hindi niya akalain na harap-harapan siyang ginaganito ng kanyang pamilya, ang panganay na ipapakasal sa isang mayamang kaharian at magiging reyna. Mas madalas na sinasama ang bunsong kapatid sa mga pakikipag-usap sa deligado. Mas madalas pang bigyan ng pagkakataon ang iba pa niyang kapatid at mas madalas siyang nakakalimutan lalo na sa mga simpleng bagay. Na siyang kinasasama niya ng loob.

"Oo nga pala, gusto kang makausap ng ama mo, kanina ka niya pa hinahanap."

Muli siyang napaharap sa kanyang ina, "tungkol saan?"

"Kailangan ninyong mag-usap tungkol sa pagpapakasal mo sa isang binatang hari sa kabilang kaharian at nasa tamang edad ka na para gampanan ang tungkulin mo bilang babae," paliwanag ng kanyang ina.

"Ayoko," mabilis niyang sagot nito. Isa pa 'to sa kinagagalit niya at kinaiinis sa kanyang pamilya, "ilang beses ko nang sinabi sa inyo na ayoko, hindi ako papayag, mabubuhay ako na walang kaharian at walang asawang hari. Gusto kong---"

Hindi na siya pinatapos ng kanyang ina at ito na ang nagpatuloy sa sasabihin nito, "maging reyna at pamunuan ang kaharian ng iyong ama!"

Natigilan ang mga tagapagsilbing naroroon sa pagtaas ng boses ng kanyang ina.

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon