Chapter 51
Napasinghap si Amber ng magising s'ya at maidilat ang mga mata. Wala na s'yang nararamdaman na kahit na ano ngunit mabilis pa rin ang tibok ng puso n'ya. Muli na naman s'yang nanaginip na nasa ospital s'ya at iniiyakan ng kaibigan. 'Anong ibig sabihin nu'n?' Tanong n'ya sa kanyang sarili. Hindi na n'ya naiintindihan ang nangyayari sa kanya. Dahn-dahan s'yang naupo at nasilayan ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana ng pamilyar na kubo kong na saan s'ya ngayon. Nilibot ang tingin hanggang sa makita n'ya ang matandang babae na nakatitig sa kanya.
Nakaupo ito sa upuang malapit sa pintuang nakasara. Tumayo ito at nanatiling hawak ang tungkod na kahoy. Naalala n'yang ito rin na 'yon ang matandang babae nong unang dating nila sa tribo. Kakaiba ito makatitig para bang pati ang kaluluwa n'ya ay nakikita ng matanda.
Napalunok s'ya sa kaba hindi n'ya alam kong magsasalita ba para kausapin ang matanda o mananatiling tahimik. Naglakad ang matanda papalapit sa kanya na hindi pa rin naalis ang mga titig nito sa kanya.
"Espesyal ka binibini."
Napakunot-noo ang dalaga sa sinabi ng matanda.
"A-anong ibig ninyong sabihin?"
"Alam ko ang sikreto mo," wika ng garalgal na boses ng matanda dahil sa katandaan nito.
Hindi nakaimik si Amber at napaawang ang labi n'ya.
"Hindi ka tagarito, hindi ka tagarito sa mundo namin binibini. Ang katawan mo sa mundo mo'y nag-aagaw buhay 'pag pinilit mo pang manatili rito. 'Yan ang nararamdaman ng diwa mo habang nandito ka. Sa tuwing nasasaktan ka rito ang katawan mo sa mundo ninyo ay nanghihina. Darating ang panahon na mamimili ka sa dalawa."
Naningkit ang mga mata ni Amber habang nakikinig sa matandang babae.
"Ngunit katulad ng sinabi ko espesyal ka," yumuko ang matanda at lumapit sa lamesa bago kinuha ang isang tasa para iabot kay Amber.
Hindi na nagtanong pa ang dalaga at agad na kinuha ang ibinigay sa kanya. Pinagmasdan n'ya ang loob ng maliit na tasa na naglalaman ng kulay violet na likido.
"Hindi ko po kayo maintindihan sa sinasabi ninyo."
Saka s'ya lumingon sa matanda na nakatayo pa rin sa tabi ng kama kong na saan s'ya.
Tatlong beses pinatunog ng matandang babae ang tungkod nito sa sahig sa pamamagitan ng paghampas. Nabigla si Amber ng maglabas ito ng mga kumikinang bagay at maghugis bilog ang mga 'to. Namangha s'ya sa mahika ng matanda at pinagmamasdan ang ilang hugis taong naglalakad sa eri.
"Maraming nilalang sa buong daigdig na hindi pa nila nasasaksihan ang mga mundo ng kada isa."
Hinampas ng matandang babae ang kamay n'ya sa hugis bilog na animoy globo at dumami ito ng kosa. Tinapat n'ya ang dalawang globo kay Amber ng malapitan. May isang hugis tao na nakatayo sa may kanan.
"Ikaw," sabay turo sa hugis tao sa kanan, "isang malakas na enerhiya o kapangyarihan ang nagbukas ang isa pang mundo na pwedeng matuklasan ng ilang nilalang na nasa ibang mundo. Ngayon..." May hinila s'ya sa hugis tao, bigla itong bumagsak sa ibabaw ng hugis mundo, nakagawa pa s'ya ng isa pang katulad ng hugis tao na 'yon at pinatayo sa isa pang mundo na katapat ng isa, "hindi 'to ang normal mong katawan, nakapasok ang diwa mo at nagkaroon ka ng isang katawan para sa representasyon sa mundong ginagalawan mo ngayon."
"Habang tumatagal ang diwa mo rito sa mundong 'to nanghihina naman ang naiwan mong katawan sa ginagisnan mong mundo, darating sa punto na mamamatay ang katawan mo ro'n at habang buhay ng masasara ang diwa mo rito binibini."
Hindi man lubos maintindihan ni Amber ang lahat, hindi pa rin s'ya makapaniwala na gano'n na pala ang nangyayari kong bakit s'ya nagkakagano'n. Napatitig s'ya sa bumagsak na hugis tao sa kabila at unti-unti itong nawala na parang bula. Kinumpas ng matandang babae ang kamay n'ya at nawala ang lahat.
BINABASA MO ANG
Kidnapped by Mistake
Fantasy(Book 1 and 2) (Completed) Dinukot s'ya ng dalawang estranghero para dalhin sa kanya at gawing asawa, ngunit hindi pala s'ya ang kailangan. Isang pagkakamali pala ang pagdukot sa kanya ngunit anong mangyayari kong ang pagkakamali na 'yon ay s'ya rin...