Chapter 39

863 35 5
                                    

Chapter 39

NAKITA na lang niya ang sariling nakatayo sa silid kung saan siya dinala ni Lucian noon. Ang silid na puno ng mga alaala ng namayapa sa mundo na 'yon. Hindi niya maintindihan kung bakit niya ito pinapaginipan ito. Nabigla siya nang biglang lumitaw ang kahon na nakapangalan para sa kanya. Hindi niya ito binubuksan o hinahawakan nang kosa itong magbukas sa harap niya.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat lalo na't lumabas ang liwanag galing doon. Tinakpan niya ang mga mata gamit ang mga kamay. Mabilis ding nawala ang liwanag na 'yon. Nakita na lang niyang nakatayo siya sa gitna ng mga puno.

"Anak..."

Naglalaban ang diwa ni Amber sa panaginip habang tulog pa rin siya ngunit nararamdaman niya ang paligid at alam niyang nasa panaginip niya. Nakita na lang ang sariling nakatayo sa mala-paraisong kagubatan, puno ng mga natutuyong punong-kahoy ngunit may mga maliliit na bulaklak na tumutubo at papatubo pa lang. Berde ang mga dahon na halos hanggang tuhod niya ang taas at may mga maliliit na kulay lilac na kulay.

Mahamog sa paligid at inaaninag niya kung sino ang tumawag sa kanya.

"Anak."

Muli niyang narinig ang boses ng malambing na babae, 'yon ang boses na narinig niya na para bang hinihili siya, hindi pa rin nawawala ang hamog at patuloy niya sa paglapit kung saan nang gagaling ang boses na 'yon.

Sa buong buhay niya wala siyang kinilalang mga magulang, hindi rin niya ito sinisisi kung bakit lumaki siyang walang mga magulang at nasanay sa bahay-ampunan nong nasa mundo pa siya ng mga mortal, ang dati niyang mundo. Pero, bakit bigla na lang darating ang bagay na 'to?

"Sino ka?" Nag-echo ang boses niya sa kagubatan.

"Magkikita rin tayo, anak."

Napakunot-noo si Amber nang mapansin ni Amber na unti-unting nawawala ang hamog sa paligid. Dahan-dahan niyang nakikita ang paa nito, pataas ang kanyang tingin hanggang sa umabot ang mga mata niya sa labi nito, habang patagal nang patagal lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya sa kaba.

Parang tumigil ang oras ng makita niya kung sino ito. Hindi siya makapaniwala. Ang daming tanong sa isip niya na baka pinaglalaruan lang siya ng kanyang isipan o kung anong klaseng mahika na naman ang nangyayari sa paligid niya habang tulong siya. Kilala niya kung sino ito at hindi siya maaring magkamali. Ito yung babaeng nakita niya sa Halon.

"Alisha?"

~*~

Dilat na dilat ang mga mata ni Amber nang magising siya mula sa panaginip. Hingal na hingal at pawisan habang nakahiga pa rin sa papag. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Naalala pa niya ang buong panaginip niya at kung sino 'yon. Hindi siya makapaniwala ngunit ayaw niyang maniwala. Isa lamang 'yong panaginip.

Bumangon siya at pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Ang dami ng nangyari simula ng matuklsan niyang may kakaiba sa kanya sabi ng manggagamot sa kanila at hindi na niya gusto pang madagdagan pa ang inisip niya ngayon.

Nagulat siya ng biglang kumilos ang papag na para bang inusog ito. Sa takot at pagkabigla'y bigla siyang bumaba sa kama. Mas lalo siyang nagulat ng may gumagapang na kamay papalabas sa ilalim ng papag. Sobrang haba bago lumabas ang ulo nitong panot, puno ng sugat at hihiblang buhok.

Napaatras siya at agad na kumilos palabas ng kubo na 'yon ng agad-agad ding lumabas ang kakaibang nilalang. Hindi na niya nagawa pang maisara ang pinto. Hindi niya nagawa pang makahingi ng tulong sa pagmamadali dahil mukhang tulog pa ang lahat. Nagtataka siya dahil walang bantay sa paligid at papasilip pa lang ang araw sa kalangitan kaya bahagyang madilim pa sa paligid.

Hindi niya gustong lumingon sa likuran niya ngunit alam niyang may humahabol sa kanya sa likod. Dumiretso siya sa kakahuyan sa lugar na 'yon. Hindi niya kabisado ang lugar ngunit gusto lamang niya makatakas. Hindi niya alam kung paano niya papalabasin ang kapangyarihan niya katulad kung paano niya iligtas ang sarili. Sobrang bilis ng pangyayari nang bigla na lang siya bumanga sa kung saan at bumagsak siyang paupo sa lupa.

May isang pares ng sapatos at tela ng damit ang kanyang nakita. Dahan-dahan umangat ang kanyang tingin laking-gulat at halos maduling siya ng isang dulo ng palaso ang nakahanda para sa kanya. Ilang pulgada ang layo sa kanya at nang makita niya kung sino ang may hawak mas lalong hindi siya makapaniwala.

"Helena," tawag niya sa dalaga. Hindi niya inaasahan na magkikita sila sa ganitong pagkakataon ngunit hindi niya lubos maisip na alam ng dalaga na buhay siya.

Ngumisi si Helena sa kanya, "para kang nakakita ng multo ah?" Sarkastikong tanong nito sa kanya.

Magsasalita pa sana si Amber nang dahan-dahan lumayo sa kanya ang dalaga. Inayos niya ang pagkakahawak ni Helena sa pana niya na handa nang pakawalan ang palaso pa tungo sa direksyon niya. Hindi niya alam kung anong gagawin.

"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita," bulalas ni Helena.

Alam niyang mukhang inosente ang dalaga ngunit hindi niya alam na may tinatago pala ito. Nararamdaman niya ang itim na aurang bumabalot sa pagkatao ng dalaga. Isang malakas na kapangyarihan.

"Amber!"

Napalingon siya sa likuran niya nang marinig ang boses ni Kairos sa di kalayuan at sa muling pagharap niya sa direksyon kung saan nakatayo si Helena, wala na ito. Kahit pa paano'y nakahinga siya ng maluwag.

***

MASAKIT ang ulo ni Aero nang magising siya sunod-sunod na katok sa pinto mula sa labas. Habang bumangon siya'y hawak-hawak niya ang ulo habang hinihimas ito. Buong gabi siyang uminom at nagpakalunod sa alak para lang makalimutan ang lahat ng mga kamaliang desisyon niya sa buhay.

"Teka lang!" Sigaw niya habang papalapit siya sa pinto dahil sa sunod-sunod na katok. Umagang-umaga ngunit ginigising na siya mula sa kanyang pagpapahinga. Binuksan niya ang pinto, bumungad sa kanya ang dalawang kawal at si Sebastian na napakaseryoso ng mukha. "Anong balita?" Tanong niya sa mga ito. Hindi naman siya gigisingin kung wala naman itong kailangan sa kanya.

"Paumanhin, mahal na hari, ngunit may masamang balita kaming nakuha mula sa mga kawal na nagbabantay sa bayan...ang mga tao sa bayan ay unti-unting nanghihina at namamatay sa hindi malamang dahilan." Ulat ni Sebastian sa kanya na lalong nagpasakit sa ulo ni Aero nong umaga na 'yon. "Nagkakagulo po silang lahat at may ilan din tayo rito sa palasyo ang nagkakasakit ng biglaan.

---

Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Wattpad mababasa ang kwento na ito. Kong malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat. 

Kidnapped by MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon