Chapter 7: Party (Meet Harvey)

13.2K 428 21
                                    

TIMMY ALLISON POV.

Halos mapa pikit na lang ako habang inaayos ang buhok ko nitong hairstylist na to. Nakaka antok na kasi.

Ito kasing si Kath. Sabi niya uunahin daw namin yung pagpapa salon pero mas kailangan daw palang bumuli muna ng isusuot ko. So ayun, sobrang na pagod ako. Ang dami kasing pinatry sakin ni Kath. Tinawagan ko na lang din si Mama na baka late akong umuwi kasi nga may pupuntahan akong party. Okey lang naman daw basta mag pahatid lang ako kay Troye pauwi at wag masyadong mag pagabi. Sinabi ko kasing kasama ko sina Troye sa party kaya nila ako pinayagan.

"Perfect!" Halos magising ang buo kong diwa sa sigaw ni Kath.

Agad akong humarap sa salamin. Hmm! Okey naman siya. Buhok lang naman nag bago sakin. Kinulot lang yung dulo ng buhok ko. Hmm? Okey naman yung make up. Simple lang at mukhang babagay dun sa binili naming dress ni Kath kanina.

"Omg! Your so pretty Tim. Sure akong mas lalong ma iinsecure sayo yung Patricia na yun." Nakangiti niyang sabi.

"Inaantok na nga ako eh." Sabi ko sabay hikab.

Kinurot niya naman ako kaya napa sigaw ako at mas lalong nagka energy.

"Oh ano? Inaantok ka pa ba?" Umiling ako saka tumayo na.

"Here." Inabot niya sakin yung paper bag. If Im not mastaken, yun yung dress na binili namin kanina. "Dali na. Suot mo na." Halata namang mas excited pa siya keysa sakin.

Tumango ako saka natawa at tumuloy na sa comfort room ng salon na to.

Hindi naman ako nahirapang isuot dahil hindi siya malaki at hindi rin siya masikip. Fit lang talaga siya sakin.

Agad na kong lumabas ng matapos ko nang isukat.

_

O________O - hitsyura ng mga bakla.

^_________^ - yan naman hitsyura ni Kath.

"Sabi na eh. Bagay na bagay talaga sayo." Tuwang-tuwa na sabi ni Kath sabay abot sakin ng isa na namang paper bag.

Hindi na ko nag aksaya pang tanongin siya kung ano to. Binuksan ko na.

"Sandals?" Tumango siya saka ngumiti ng malapad.

"Hindi kasi bagay yang dress mo sa flat shoes. Hehe!"

Napa tango na lang ako saka tinanggap ko na rin at sinuot.

Masasabi kong bumagay nga ang itim na sandals sa black dress ko.

"So? Let's go?" Tumango ako saka ngumiti.

.

_
Andito na kami ngayon sa labas ng mansyon daw nina Patricia.

"Kath? Sure ka bang di to talaga yung mansyon nina Patricia?" Tanong ko ulit kay Kath.

"Im pretty sure na dito talaga yun. Ito yung binigay nyang address sa shop."

Napa tango na lang ako. Family business kasi ng parents ni Kath yung nag organize daw ng party kaya dun niya rin daw nalaman ang address nitong mansyon kuno ni Patricia. Nakalimotan ko din kasing itanong kina Lucas.

Napatingin ako sa mansyon nina Patricia. Iba kasi ini'expect kong mansyon. I mean, kala ko as in mansyon talaga siya na sobrang laki katulad sa mga movies at teleserye. Sa nakikita ko kasing mansyon na tinutukoy ni Patricia ay kasing laki lang ng bahay nina Lucas. Wala lang. Kung konting dagdag na lang pala sa bahay namin pwede na siyang maging mansyon. Hahaha! Ano ha? Mapang lait ako ganun? Hindi ah! Nagpapakatotoo lang ako.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon