TROYE POV.
"What the hell? Paano niya naman nalaman?" Sigaw ko dito kay Mr. Jung.
Nalaman kong mga gangster nga talaga yung mga gagong lalaki na naka bugbugan ko kagabi.
"Master. Sabi ko naman po sa inyo. Hindi niya hahayaang gumawa kayo ng sarili niyong hakbang. Pasensya na po." Nakayuko niyang sabi.
Magaling na secret agent slash detective tong si Mr. Jung kaya alam kong kayang-kaya niyang mahanap yung mga pinapahanap ko.
"Paano niya nga po nalaman?" Pigil ang inis ko nung tinanong ko ulit siya.
"Hindi ko rin alam master. Basta nang kukunin ko na sana ang result kung sino may-ari nung plate number, biglang dumating yung mga tauhan niya. Sinabi nila sakin na wag ka daw gagawa ng sarili mong plano. Ang masasabi niya lang daw sayo ay mga gangster nga talaga yung may-ari nung kotse na yun." Mahaba niyang paliwanag.
Napa pikit na lang ako sa sobrang inis. Tangina! Bakit ba hanggang ngayon nangingi'alam pa rin 'siya' sa mga gusto kong gawin.
"Mr. Jung!"
"Bakit po master?"
"Sabihin mo sa kanya, gawin nila ang dapat gawin sa mga gagong yun. Paki sabi rin sa kanya na sa susunod, hayaan niya na ako sa mga gusto kong gawin. Sabihin mo sa kanya, ang laban ko, ay laban ko. Labas na siya dun."
"Opo master. Sige po. Kailangan ko na pong umalis. Kanina pa ko pinapatawag sa office." Tumango lang ako sabay napahiga sa sofa!
Aish! Bwisit! Kating-kati tong mga kamao ko oh. Gustong-gusto kong sirain ang mga pag mumukha nung mga lalaking yun sa sobrang galit sa ginawa nila kay Timmy. Kaso nga lang, nangialam na naman 'siya'. Kailan ba siya titigil sa pangingialam sa buhay ko? Matagal na kong umalis sa puder niya kaya dapat matagal niya na rin akong pinapabayaan.
*Phone Vibrate*
Agad kong kinuha sa bulsa ko yung phone ko ng bigla itong mag vibrate.
From: Baby❤
Troye? Talaga bang di tayo tuloy ngayon? :(
Okay naman na ko eh. ^__^Bigla nag bago ang mood ko matapos kong mabasa ang text ni Timmy.
Matawagan nga......
1st ring...............
2nd ring................
3rd ring................
[TROYE!"] Bungad niya agad sakin sa kabilang linya.
Mukhang okay na nga siya. Masigla na naman kasi ang boses niya. Buti naman.
[Hey. How are you doing baby?] Siguro namumula na naman ngayon yung pisnge niya.
[Wala naman. Na bobored na nga ako dito eh. Hindi ka man lang ba pupunta dito to check me?] Pinigilan kong matawa.
Halatang-halata na nag lalambing siya. But argh! Ayoko muna siyang makita ngayon. Ayoko pang makita yung mga pasa niya. Baka kasi mamaya di ko na mapigilan ang sarili ko at lumapit na 'dun sa kanya' para ako na mismo ang magparusa sa mga gumawa nun kay Timmy.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...