Chapter 18: Basketball Game (Stypayhorlikson VS. Xevier)

13.4K 403 106
                                    

TIMMY ALLISON POV.

"Hay naku Tim! Pwede ba? Kumain ka na nga jan at baka mag start na yung game nina Lucas. Sige ka, di mo makikitang mag start ng laro si Troye."

Napa buntong hininga na lang ako.

"Parang nawalan ako ng gana." Malumanay kong sagot.

"Sige. Bahala ka jan. Sige ka, wala kang energy mamaya para i'cheer yung BOYFRIEND MONG MANHID." Na'iiling na sabi ni Kath sabay nag patuloy sa pagkain.

Hayyss! Ang dami talagang panakot sakin ng babaeng to.

Andito kami ngayon sa Jollibee na malapit dun sa Xevier Highschool kung saan gaganapin yung game nina Troye. Isang oras na lang din at mag start na yung game.

"Ano ba kasing ina'arte mo jan Tim? Wag mong sabihing malungkot ka rin dahil hindi na si Angel Locsin yung gaganap na darna. Naku! Natutunaw na yang sundae mo oh."

Napa tingin ako dun sa sundae. Bruhang to. Ano naman kinalaman ni Angel Locsin sa buhay ko. Tsk!

Hayys! Nag simula na kong kumain. Ayoko rin namang magutom no.

"Kung iniisip mo pa rin yung nangyari sa camping, naku Tim. Itigil mo na. Mag move on ka na dun. Hello? Sabado na ngayon oh."

Na'iling na lang ako. Eh! Kasi naman eh. Sobrang nakakahiya yung nangyari nung nakaraang camping.

Akala ko magiging okey dahil nakita ako ni Troye. Kaso pag dating namin sa campsite, sari-saring sermon ang na tanggap ko. Lalo na kina Sir Jes at Kath. Idagdag mo pa yung pinsan ko na sobrang OA kung mag react.

Pati rin si Patricia umani ng sari-saring sermon. Pero yung sermon talaga sa kanya ni Kath yung pinaka the best. Hahaha! Kala mo Nanay ko si Kath nung time na senesermonan niya si Patricia. Haha!

At dahil nga sa nangyari, pina-una na nila kaming umuwi. Kami lang sana ni Patricia yung uuwi muna kaso sumama naman sina Kath. Sabi ni Kath masakit daw ulo niya kaya gusto niya na lang umuwi na lang. Sus! Palusot rin ng bruha. Samantalang sina Troye naman, sadyang pina-uwi talaga sila para makapag practice daw sila para sa game ngayon.

"Hoy Tim! Tara na. Baka mamaya wala na tayong ma'upoan."

"Meron yan. Wag ka lang praning."

Sumimangot lang siya.

Pumasok na kami sa campus ng Xevier Highschool. At napa WOW ako dahil ang ganda rin ng skwelahang ito. Napa ngiti rin ako ng makita ko yung uniform nila. Ang cute lang.

Pag karating namin sa may hallway, agad mong makikita yung mga estudyante na may mga kanya-kanyang banner rin. Yung iba mga tarpaulin pa nga.

Hmp! Akala nila sila lang may banner ha. Hello? Meron din ako no. Pinag puyatan ko kaya tong gawin kagabi.

"Gosh! Ganyan ba yung uniform ng Stypay? Ang baduy!"

"Pati mga studyante ang babaduy rin."

"Gosh! Parang may virus atang kakalat ngayon sa buong campus. I kennat! Im gonna die."

"Iiihhhhh! NOOOOOO!"

Halos ma punta lahat ang atensyon naming mga taga Stypay na kararating lang din ng iba dun sa mga babaeng taga Xevier na bigla na lang nag tilian.

"Aarte ng mga to ha!." Halos mapako ang mga mata namin kay Patricia na papalapit na ngayon dun sa mga babaeng nagkukumpolan.

"HEY BITCHES! KUNG MAKAPANG INSULTO KAYO SAMING MGA TAGA STYPAY AH? ANO KAYO PERFECT! FYI LANG! MAS SIKAT ANG SCHOOL NAMIN SA SCHOOL NIYO. MAS MAYAYAMAN KAMI COMPARE SA YAMAN NIYO! AT HIGIT SA LAHAT, MAS GWAPO AT MAS MAGANDA KAMING MGA TAGA STYPAY KEYSA SA INYONG MGA TAGA XEVIER! HINDI NA KASI NAMIN KAILANGAN MAGING KAMUKHA SI MCDO PARA LANG MAGPAPANSIN!"

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon