Chapter 36: Wag lang si Troye Walden.

9.9K 346 85
                                    

A/N: So ito na po ang update today. At mag dedemand na naman po ako sa inyo. Hahaha! Comment your reaction in this chapter please wag puro 'Update na po please' 'kailan po next ud' hahaha. Karamihan kasi yun na lang nababasa kong comments niyo. Di ko tuloy knows kung na gustohan niyo ba ang mga updates ko. Hahaha! So anyway, ito na nga siya. Enjoy :--)

PAKI VOTE NA RIN PO. ^___^ Kamsa :-*

.

.

🔹🔸🔹🔸🔹
[REID POV]

First time ata to? Haha! So Hello readers. Kilala niyo naman na siguro ako no? Ilang chapters na rin oh. Haha! So anyway, magiging madaldal muna ako ngayon ha.

So ito na nga, andito kaming tatlo nina Troye at Lucas sa likod nitong malaking puno na malapit lang sa Science Park. Madalas kaming tumambay noon dito tuwing may pag-uusapan kaming importante at dapat kaming tatlo lang ang nakaka alam.

"Ipaliwanag mo nga ulit ng maayos Troye. Hindi ko pa rin na gets yang pinagsasabi mo eh." Reklamo na naman nitong si Lucas. Tch. Kanina pa to reklamo ng reklamo. Ang slow kasi.

"Tangna kasi! Ba't ba ang slow mo?" Iritang bulyaw na naman nitong si Troye.

Na iling na lang ako sa kanilang dalawa.

"Ayusin mo kasi. Dali na bro."

"Tss. Gangsters nga daw kasi yung mga nambastos kay Timmy at ipinahanap na nga ni Troye kung sino ang mga yun kaso nangi'alam naman si 'alam mo na' kaya ayan, tingnan mo yang isang yan, badtrip na badtrip dahil kating-kating gumanti sa mga gangsters na yun." For the 3rd time, ako na ang nagpa liwanag dito kay Lucas sa sinasabi ni Troye kanina pa.

"Oh Reid. Anjan ka pala bro?" Natatawa pero sarcastic na tanong nitong si Lucas. Binigyan ko lang siya ng death glare kaya ayun, natawa na naman ang loko.

"Okay, okay. Gets ko na. So? Paano yun? Hahayaan mo na lang si 'alam mo na' na siya na lang ang kumilos?" Gusto ko rin sana itanong yan kay Troye kaso na unahan naman ako nitong si Lucas.

"Hahayaan ko siya sa ngayon. Pero sa oras na magkita ulit kami ng mga gagong yun, well, it's my turn." Napa ngisi naman siya na parang may binabalak na hindi maganda.

Napa iling na naman ako saka natawa.



Kilalang-kila namin si Troye. Ayaw niyang pinapakialaman ang mga disesyon niya. Pero pag si 'alam mo na', wala siyang nagagawa. Hindi naman sa mas malakas si 'alam mo na' keysa kay Troye, sadyang nag bibigay galang lang talaga si Troye dun. Parang magulang na rin namin yun. Pero mula nung na buwag yung grupo namin, hindi na ulit kami nakipagkita o nakipag usap kay 'alam mo na'. Bakit? Secret muna daw sabi ni otor. Haha!

Ngayon ko pa lang ulit nakitang ganito si Troye. Yung kating-kating makipag sapakan. Ilang taon na rin ang nakalipas matapos kong huling makita ang ganitong Troye Walden. Ang Troye Walden na hindi takot makipag bakbakan. Ang Troye Walden na walang kasing bangis at tapang. Ang Troye Walden na walang kinakatakotan. Masasabi kong ang laki ng pinag bago niya last few months ago. Parang walang kabuhay-buhay. Pero mula ng makasama niya si Timmy, unti-unting bumabalik yung dating Troye na nakilala ko.

"Nga pala Troye. Usapang seryoso ha, nag bago na ba yang feelings mo kay Timmy? I mean, nagkaka gusto ka na ba sa kanya?" Biglang tanong ni Lucas pero halata sa boses niya na seryoso siya sa tanong niya.


Napatitig lang kami kay Troye nang manahimik siya ng ilang sandali.

Bumuntong hininga siya saka ngumiti. Yung ngiting makikita mo tuwing magkasama silang dalawa ni Timmy.


Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon