Chapter 1: The Story Begins

25.5K 632 63
                                    

TIMMY ALLISON BECKHAM.

"Timmy Allison Beckham! Bilisan mo ang paglalakad. Maaabotan na nila tayo." Inis nyang bulyaw sakin.

Tss! Binibilisan ko na nga eh. Sadyang mahaba lang talaga ang mga binti niya kaya mas mabilis siyang maglakad.

"Nakaka irita na yang mga babaeng yan ha."

Tahimik lang ako habang hatak-hatak niya pa rin ako.

Sanay na ko sa ganitong routine namin. Tuwing papasok kami kailangan naming magdali para di kami maabotan ng mga fangirl niya.

Napaka manhid talaga ng taong to. Di niya man lang na iisip na sobrang aga pumasok ng mga yun para makita lang siya tapos tataguan niya pa. Dapat harapin niya man lang kahit minsan. Hays! Kung sa bagay, nakaka bwisit rin kasi yung ibang mga fangirl niya. Lalandi eh.

"Finally. Wala na rin sila." Hingal nyang sabi sabay bitiw sa kamay ko.

Napa ngiti na lang ako ng mapait. Kahit sanay na ko sa ganitong routine namin, nasasaktan pa rin ako. Tuwing tatakbo lang kami dun niya lang hahawakan ang kamay ko. Kahit tuwing bibitiw na siya hinihigpitan ko pa rin minsan ang hawak sa kamay niya. Gusto kong hawakan niya lang ang kamay ko habang papunta kami sa classroom. Pero sobrang manhid niya. Di niya man lang maramdaman yun.

"Troye punta muna akong rest room." Tumango naman siya saka na una ng umalis.

Ito na naman yung feeling na parang hinahati yung puso ko.

Kailan niya kaya ako ihahatid papuntang rest room. Hays!

Imbis na mag drama na lang ako, nag punta na kong rest room.

Napa ngiti na lang ako ng madatnan kong walang tao sa loob.

Gusto ko talaga pag nagpupunta ako ng rest room ako lang ang tao. Ayoko kasi ng maingay. Puro chismisan lang naman ginawa ng nga ibang babae eh.

Palabas na sana ako sa cubicle ng biglang may magsi-datingan.

"Asan na kaya si Troye?"

"Malamang nasa classroom na yun."

Patay! Yung mga fangirls ni Troye. Kasi naman eh! Di naman siya artista pero ang daming taga hanga.

Nagulat ako ng may biglang tumulak sa pinto ng cubicle na pinasukan ko.

"May tao ba?"

Hindi ako sumagot. Malamang kung sumagot ako baka pag labas ko gutay gutay na tong uniform ko at magugulo na naman ang buhok ko.

"HOY! PWEDE BA! KUNG SINO KA MAN JAN! LUMABAS KA NA NGA. GAGAMIT AKO NG BANYO!"

Halos mapa pikit na lang ako sa gulat.

Kainis siya. Bakit ba siya naninigaw?

"HOY! ALAM MO BA KUNG SINO AKO HA?"

Patay! Paano ba ako makakalabas dito ng buhay?
Itext ko man si Troye alam ko namang di rin siya pupunta rito. Iniiwasan niya nga yung mga yan eh.

Hindi rin pwede yung bestfriend kong si Kathlyn baka pareho lang kaming makalbo.

"GRABE! ANO BANG GINAGAWA MO JAN? TUMATAE?"

Kanya-kanya naman sila ng tawanan sabay 'yuck! Eww! Kadire' Tss! Ang aarte ng mga to. Kala mo di rin sila tumatae ah?

Basi sa naririnig kong mga tawanan at boses, mga pito lang sila na nandito. Yung kanina kasing mga nag fafangirling kay Troye ay mga nasa 50 katao ata. Siguro nagsi pasok na rin yung iba. Dont get me wrong. Hindi lang 50 katao ang mga fans ni Troye. Siguro lahat ata ng mga babaeng estudyante ay crush siya. Kalahati lang naman siguro yung mga die hard talaga. At yung 50 katao kanina? 5% pa lang sila sa mga 100% na mga die hard kay Troye.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon