Chapter 8: Pansinin

13.9K 431 20
                                    

A/N: As in wala talagang pumapasok sa isip ko na good idea for this scene kaya ganito ang kinalabasan.😪😭 Pasensya na po. Sa maniwala man po kayo o sa hindi, ginawa ko ang best ko sa chapter na to. HAHAHA!

_
Chapter 8: Pansinin

TIMMY ALLISON POV.

Monday na naman. At sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong pumasok.

Hanggang ngayon usap-usapan pa rin yung nangyari sa party ni Patricia. Di nga ako nag open ng facebook ko buong mag hapon kahapon. Baka kasi puro bash na naman matanggap ko.

So ayun nga, ng makita ako ni Reid gusto niya ng sugorin daw sina Patricia dahil mali ang ginawa nila sakin. Itulak ba naman ako sa pool. Haha!

Si Reid na rin nag hatid samin ni Lucas pauwi sa bahay. Si Troye? Di ko na siya nakita simula ng iwan niya ko sa may pool area. About naman dun sa coat? Hmm? Andun lang muna siya sa closet ko. Hindi ko naman alam kung saan ko makikita yung Harvey na yun no. Kaya dun muna yun. Nagtaka nga si Reid kung kanino galing yun. Sinabi ko lang na may nagpahiram sakin. Di naman na siya nag tanong pa kung kanino galing.

At dahil nasa San Francisco si Tito at si Papa, wala kaming magagawa kundi mag commute ni Lucas. Isa lang kasi kotse namin. Dinala naman ni Papa ang susi kaya wala kaming gagamitin ni Lucas. Si Tito naman mahigpit na binilin na wag papagamitin ng kotse si Lucas. Kaya ito kami ngayon, palabas na ng subdivision.

"Ka irita! Mababawasan pagka pogi ko nito." Reklamo agad ni Lucas kahit di pa man kami nakakalayo sa bahay namin.

Ang arte talaga nito. Di naman mainit. Maaga pa naman kaya okey lang din minsan na maglakad pag ganitong oras.

"Tim! Tawagan mo nga si Troye. Sabihin mo sunduin niya tayo. Tingnan mo oh! Nagka pawis na agad ako. Tsk!"naiiling niyang sabi.

"Hayaan mo na. Parang exercise na rin natin to. Maaga pa naman." Walang gana kong sagot.

"Hindi ko na kailangan ng exercise Tim. Macho na tong katawan ko oh." Sabi niya saka pinakita niya pa sakin yung braso niya. Tss! Payat-payat nga nito eh.

"Ah basta! Maglalakad tayo------------"

.

               ******Beeeeeeeeppppp*******

.
Halos mapatili na ko sa sobrang gulat.

Agad akong lumingon para tingnan ko sino man yung walang modo na bigla na lang magbubusina kahit nakikita niya naman na nasa gilid kami dumadaan.

Paglingon ko,

O_________O

Yung inis na nararamdaman ko biglang napalitan ng kilig.

Ang ganda naman pala ng umaga ko. Ang gwapo kasi nitong nilalang na nasa harap ko na ngayon.

"Commute?" Kunot noo niyang tanong.

"Hindi ba halata bro?" Sarcastic na sagot ni Lucas.

"Eh kung batokan kaya kita jan." Agad namang tinapik ni Lucas si Troye sa balikat saka sinabing joke lang daw. Tss! Palusot rin nitong pinsan ko oh.

"So paano? Sabay na kami sayo ha." Hindi na hinintay ni Lucas ang sagot ni Troye at dali-dali itong pumasok sa kotse ni Troye.

Tumingin naman sakin si Troye ng matawa ako kaya kumunot na naman ang noo niya.

"Anong tinatawa mo jan?"

"Wala naman. Ano pala ginagawa mo dito sa subdivision namin? Balak mo ba talagang sunduin kami?" Nakangiti kong sabi.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon