Chapter 15: Camping (Part 2)

12K 401 60
                                    

A/N: At dahil I can't still get over sa finale ng The Vampire Diares Season 8 'Forever Your's', so ito. Dinaan ko na lang sa pag update. 😉😌 Honestly! Disappionted ako sa ending ng TVDS8.😭💔

Well. Here's the update.😘 Comment. Share. Vote.

_
Chapter 15: Camping (Part 2)
TIMMY ALLISON POV.

Halos di ako makapag salita sa ganda ng aking na tatanaw ngayon. Totoo ba to? Ganito pa la kaganda ang lugar na to?

Well, andito kami ngayon sa taas ng bundok. Hmm? Hindi ako sure kung nasa pinaka mataas na area kami ng bundok kung saan na rito ang campsite namin. Basta mula sa kinatatayuan ko, makikita mo ang isang malawak na karagatan. Sobrang ganda ng paraiso na to.

"Ang ganda." Napalingon ako kay Kath na sobrang na amaze rin.

"Anong lugar to?" Di ko maiwasang mag tanong. Baka ma'isipan ko kasing bumalik dito. Haha!

"Sa pagkaka-alam ko na sa Pilipinas pa rin tayo ngayon." Hindi ko alam kung sarcastic ba yun o sadyang pinipilosopo niya lang ako.

Na'iling na lang ako saka lumapit na kina Sir.

"Tim! Sandali." Hindi ko nilingon si Kath pero agad din naman siyang tumabi sakin.

"Okey students, obvious naman na pag camping ang usapan, malamang sa tent kayo matutulog. Sa loob ng dalawang araw, sa tent lang kayo matutulog. Nasa kanan ang girls rest room. Nasa kaliwa naman ang sa boys. 1 tent  for 2-3 people. Paalala ni Sir Jes.

"Bawal kayong umalis ng campsite ng walang pahintulot namin. 7 am bukas dapat gising na kayo. 10 pm ng gabi dapat ang lahat ay nasa kanya-kanya na nilang mga tent. Pag oras na ng kainan, dapat ang lahat ay naroon na sa lugar na yun." Agad kaming napalingon sa tinurong direksyon ni Maam Ange. Isa itong area na may malalaking mesa at mahahabang mga upoan. Siguro mga 10 to 12 katao ang kakasya sa isang mesa.

"Understood?"

"Yes Maam." Sabay-sabay naming sagot.

"Another reminder." Nilibot ni Maam ang tingin samin saka nginitian kami ng nakakaloko. "Kung may balak man kayong makipag harotan sa mga boyfriend/girlfriend niyo or sa mga crush niyo habang nandito tayo sa camping, wag niyo na lang ituloy o gawin. Subokan niyo lang mag pahuli samin ni Jes at may mau'unang umuwi sa mga bahay niyo." Nginitian niya kami ng pagka lapad.

Agad namang nag react ang mga boys at ang ibang girls. At syempre, hindi nag pahuli si Lucas.

"Buti na lang at wala akong girlfriend." Nakangising sabi ni Lucas.

Hindi naman gaano kalakas yung pagkakasabi niya nun pero agad na punta sa kanya ang atensyon ng lahat.

Nagsi'tilaan naman ang ibang girls.

"Omg Lucas! Be my boyfriend please. Kahit this day lang."

"Shut up! Wag kang mangarap! Hindi ka maganda!"

"Compare naman sayo, mas maganda naman ako."

"Parehas kayong feeler! At parehas rin kayong panget."

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon