Chapter 19: Celebrate

12.2K 404 85
                                    

[TROYE WALDEN POV]

"Hoy Troye! Hayp ah! Sikat ka pa rin dito Xevier." Natatawang komento ni Reid sabay bato sakin ng tuwalya.

"Ayun oh! Mas lalong magiging mayabang yan. Bwahaha!" Nag tawanan silang lahat sa sinabi ni Lucas kaya napa iling na lang ako.

"Gwapo kasi ako kaya sikat ako. Di katulad mong sikat ka lang sa pambababae. Tss!" Bwelta ko kay Lucas na mas lalong ikinatawa nila.

"Sabi na eh. Mas yayabang ka na naman. Hahaha!"

"Atleast gwapo." Confident kong sabi.

"Sus! Sino may sabi? Yung pinsan ko ba? Hahaha! Naku Troye! Wag kang mag papa'uto dun. Sadyang patay na patay lang talaga yun sayo kaya nagagawang mag sinungaling sayo. Bwahaha!"

Na'irita ako ng mas lalong lumakas ang tawanan nila.

"Tumigil na kayo." Nahinto kami ng bigla na lang dumating si coach. "Tayo na at mag sisimula na ang laro."

Agad nagmadali yung mga ka team mates ko na sumunod kay coach, malibang lang dito kay Lucas na mukhang sasabay na sakin palabas.

Isusuot ko na sana ang jersey ko ng biglang hablutin ni Lucas saka ngumisi.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya humagalpak ito ng tawa.

"Tangina mo Lucas! Na babakla ka na ba? Akin na nga yan!" Pilit kong kinuha sa kanya kaso tumakbo na ito palabas ng locker room dala-dala yung jersey ko.

Tss! Here we go again. No choice.

Agad akong sumunod sa kanila na nauna na sa bench.

Pagka'rating ko pa lang sa gym halos mabingi na ko sa sobrang ingay at tilian.

Tss! Sige lang. Pag nasaan niyo ko. Libre yan.

Pero bago pa man ako makarating sa bench ng team namin, na tanaw ko agad ang pwesto ni Timmy na mukhang gulat na gulat.

Hahaha!

Hindi ko alam kong na pansin niya pa yung pag tingin ko sa kanya.

Napa tingin ako dun sa mga naghihi'yawang mga babae na sinisigaw ang pangalan ko.

Napa ngiti ako hindi dahil sa kanila. Napa ngiti ako ng maalala ko yung sinabi kanina ni Lucas.

"Mamaya pre. Makikita mo yung ginawang banner ni Tim. Bwahaha! Tangna! Ang panget!"

Hindi ko alam kung bakit ako natatawa o napapangiti ng malaman ko yun. Haha! Sinabi daw kasi ni Timmy na ako lang ang gagawan niya ng banner. Di daw kasali si Lucas dahil ini'insulto niya yung gawa nito. Sabi naman nitong si Lucas na mas matutuwa pa talaga siya pag di talaga siya ginawan nun. Pinicturan daw kasi ni Timmy yung banner saka sinend daw sa kanya kaya ayun, simula ng dumating kami dito sa Xevier tawang-tawa ang loko. Di niya pinakita sakin yung picture para daw ma surprise ako. Tsk!

Inis kong binawi kay Lucas yung jersey ko saka sinuot ito at na upo sa tabi niya.

Tss! Masyado nang na expose yung katawan ko kanina.

Bigla akong tinapik ni Lucas kaya kumunot ang noo ko. "Oh?"

"Nakita mo na siya?" Seryoso niyang tanong.

Kumunot ang noo ko. "Sino? Si Timmy?"

"Si Chanelle." Sabat naman ni Reid.

"Pre. Ang ganda niya pa rin. Wala pa ring kupas." Komento naman ni Mark. Isa sa mga ka'team ko.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon