[TIMMY ALLISON POV]
"Nak! Nag hihintay na sayo si Lucas sa baba."
Ilang beses na bang kumatok si Mama sa kwarto ko para lang pababain ako? Hmmm? Mga dalawa? Pangatlo na siguro to.
Eh! Kasi naman. Ayoko naman talagang sumama sa camping na yun eh. Kaso napa subo ako. Ito kasing si Troye eh. Napaka manhid. Aware naman siyang ayaw ko talagang sumama. Kaso bigla nalang gagawa ng mga kaartehan. May nalalaman pang date chuchu. Dahil aware naman siyang ayoko talagang sumama, dapat maramdaman niya ring masasaktan ako pag tinotoo niya yung date kay Patricia na sinasabi niya.
At dahil ayoko namang pagurin pa yung mama ko kaka'katok sa pinto ng kwarto ko para lang bumaba nako, eh dali-dali na rin akong bumaba.
Sumalubong agad sakin ang nakakalokong ngiti ni Lucas.
Kainis to! Mang-aasar pa ata.
"Good Morning Tim. Mukhang naka pag ready ka ng maayos ah?" Natatawa niyang sabi.
Ano bang ikinatatawa niya?
"Naku Luc! Talagang nag ready ako no." Bored kong sabi saka tumabi sa kanya sa couch.
"Tara na?"
Napa balikwas naman ako sa sinabi niya.
"Huhuhu! Ma! Parang nag bago ata ang isip ko. Parang mas gusto ko na lang dito." Pag mamaktol ko na ikinatawa ni Lucas kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nak naman! Ngayon ka pa aatras? Tsaka kasama mo naman sina Troye. Sayang yun nak. Libre pa naman yun." Natatawang sabi ni Mama.
Oo na. Libre na yun. Siguro na sobrahan na yung school namin sa yaman dahil pati camping naging libre. Haha! Kung sa bagay, libre naman talaga dapat yun no.
"Ang OA mo Tim ha."
"Oo na lang Lucas." Inis kong sabi sabay tingin sa relo ko.
"Teka nga pala Luc? Paano ka nakarating dito? Hinatid ka ba ni Tito o yung driver niyo?" Umiling lang siya saka tinuloy yung na udjok na pag seselfie niya sana.
Wow! Ganda kausap ng mokong na to ah. "So? Paano tayo makakarating sa Stypay? Ayokong mag commute." Worried kong sabi. Masyadong di ako prepared para mag commute.
Agad naman siyang tumayo saka na'iling at sumilip sa bintana.
"Alam mo bang may nag hihintay satin sa labas na special service papuntang Sty? Plus nasa loob na rin yung dalawa at kanina pa nag hihintay na lumabas tayo?"
Kunot noo naman akong tumingin sa kanya.
"Huh? Special service? Sinong dal--------------"
Nanlaki agad ang mata ko ng bigla na lang sumulpot si Reid at Troye sa bahay namin.
"Good Morning po Tita." Bati nilang dalawa kay Mama.
"Oh. Ba't di agad kayo pumasok? Mag breakfast muna kaya kayo?"
Agad namang na'iling sina Troye saka tumingin sakin.
"Kailan na po naming umalis Tita. Baka kasi ma'late kami." Nakangiti niyang sabi habang nakatuon pa rin sakin ang tingin.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...