[TROYE POV]
"Tig-iisa lang tayo? Grabe naman. Gawin mo namang apat yung akin." Reklamo ni Lucas.
"Tig-iisa lang pina'alam ko kay' Timmy. Bawal tayong malasing." Sagot ko naman sa kanya na ikina kamot niya sa ulo niya.
"Sayo lang naman may pake'alam ang isang yun. Kaya sige na. Apat yung kukunin ko ah?" Hindi ko alam kung nag dra'drama ba to o ano.
"Tch. Bahala ka nga." Agad kong binayaran yung binili kong isang beer in can. At syempre, bumili na rin ako ng C2 para sa mahal ko.
Sabay-sabay kaming apat na lumabas ng store.
Naputol lang ang asaran naminng apat ng biglang may anim na kababaehan na humarang samin.
Tss. Gabing-gabi naka swim suit parin. Diba sila nalalamigan nyan?
"Hi boys." Aniya nung babaeng mukhang amerikana dahil sa kulay ng buhok. Maputi't sexy naman siya. Pero para sakin, si Timmy lang ang pinaka sa lahat ng pinaka. Haha
"Hey girls." Halos mapa irap na lang ako dito kay Lucas. Nakalimotan ko nga pala, may kasama pala kaming playboy dito.
"Ahm....pogi? Busy ka ba?" Tanong nung babaeng kulay brown ang buhok sakin saka kumapit sa braso ko na sobrang ikina init ng ulo ko.
"Let go of my arm." Madiin kong sabi saka ko siya tinapunan ng masamang tingin.
Akala ko matitinag siya pero hindi. Bumitaw nga siya sa pagkakahawak sa braso ko pero ganun na lang ang gulat ko ng bigla niya kong yakapin at susugurin na niya sana ako ng halik kaya mabilis ko siyang naitulak sa buhangin na ikina-gulat niya at nang mga kasama niya. Habang yung tatlo kong kasama humagalpak na sa tawa.
"What the hell? Bakit mo ko tinulak?" Di makapaniwalang aniya nung babaeng yumakap sakin habang nagpapagpag sa kanyang sarili.
"Bakit hindi?" Walang emosyon kong sabi.
"Argh! Pa'hard to get ka pa. If I know, gusto mo rin naman akong mahalikan eh----"
"Look' Miss, hindi ko ugaling mang bastos nang babae. Ngayon lang siguro. Im sorry kung naitulak kita. Mali naman kasi ang ginawa mo." Seryoso kong sabi at handa na sana akong umalis ng muli siyang humarang sa dadaanan ko kaya agad akong napa kunot noo.
"Ayaw mo ba sa akin? Di hamak namang mas maganda ako dun sa palagi mong kasama no---"
"Iniinsulto mo ba yung pinsan ko?" Biglang singit ni Lucas na seryoso na rin ngayon.
"Kung maganda ka, bakit ikaw tong lumalapit sa lalaki?" Nakangsi kong tanong. Ngising ready nang manapak pag may marinig ulit akong panlalait sa mahal ko. At dahil hindi naman siya naka sagot sa sinabi ko, tinuloy ko na lang kung ano man ang gusto ko pang sabihin sa kanila. "Ang tunay na maganda, napapansin. Hindi nagpapapansin. At alam mo' Miss? Maganda ka naman eh. Maging maingat ka lang sana sa sarili mo." Tiningnan ko sila ng seryoso na ikinayuko naman nilang anim.
"Tara na." Tipid kong sabi sa mga kasama ko.
"Wooaah! Iba ka talaga' Troye Walden. Noon pa man, sa ating apat, ikaw na talaga tong lapitin ng mga girls." Aniya Reid saka ngumisi. Ngising nang-aasar.
"Tss. Daldal mo."
"At siya na rin ata ang may pinaka maraming babae na napaiyak dahil lang sa kasungitan niya. Hahaha." Dugtong naman ni Harvey na ikinatawa nilang tatlo.
"H-hoy. Hindi totoo yan no. Pauso ka rin. Tsk." Sigaw ko kay Harvey na mas lalo naman nilang ikinatawa.
"Asus. Deny pa' Walden."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...