Chapter 9: Moody

14.3K 425 44
                                    

A/N: At dahil March na, uumpisahan ko na ang kaartehan sa story na to.😌😂 Btw, enjoy😘

-
Chapter 9: Moody
TIMMY ALLISON POV.

"Hindi namin pipilitin ang mga ayaw sumama. Pero kailangan niyo paring kumuha nitong waver."

So ito na nga, bumalik na naman yung kaba ko dahil sa camping na yan.

Pinamigay na samin ni Maam isa-isa yung mga waver..

Napatingin naman ako dito sa dalawa kong katabi.

Aba? Sasama talaga sila ah.

Kumunot naman ang noo ko ng makita kong karamihan sa mga kaklase ko nakatingin sa direksyon namin.

Tss! Kanina pa ang mga yan ha. Simula ng dumating kami ni Troye usap-usapan pa rin nila yung nangyari sa party ni Patricia.

Ito namang si Patricia paawa effect pa. Tahimik lang siya at mukhang nag papa-awa pero pag sakin tumingin agad ngingisi. Tss! Para-paraan din ng babaeng to eh.

"Bukas niyo rin ipapass yan kaya make sure na mapipirmahan yan ng mga parents niyo.  Understood?"

"Yes Maam." Halata namang tuwang-tuwa at mga excited tong mga kaklase ko. Lalo na tong si Kathlyn oh. Sarap tuloy sabunotan nitong babaeng to. Haha! Hindi man lang inisip na pwede akong mainggit sa kanila. Siguro sinasadya niya talagang painggitin ako para sumama talaga ako.

"Huhuhu. Kawawa naman ako." Agad akong nagpapadyak saka dumapa sa desk ko.

"Sumama ka na kasi." Napa tingin ako kay Troye na natatawang tumingin sakin.

Akala ko talaga hindi niya na ako papansinin dahil sa nangyari kanina.

"Sige ka. Pag di ka sumama mag de'date kami dun ni Patri----------"

"SASAMA NA NGA KASI AKO. WAG KANG ATAT!"

O______O

Ako ba yung sumigaw?

"May problema ba Ms. Beckham?" Napa iling ako saka yumuko.

Lagot! Mukhang na beastmood ata si Maam sa pag sigaw ko.

"Bakit ka ba kasi sumigaw? Pwede mo namang ibulong sakin." Sabi na eh. Nang aasar na naman tong si Troye.

Hmm! Okey na yung ganito keysa naman sa silent treatment. Haha!

Hindi ko na siya sinagot. Napa dapa na lang ulit ako sa desk ko. Huhuhu! Bakit parang gusto kong sumama pero ayoko ko. Eh! Ano ba talaga?

Napa angat agad ako ng biglang bell. Nag sigawan ang buong klase dahil meeting bell yun.

Nagsi tahimik naman ng biglang tumunog yung speaker na nasa loob ng classroom namin.

"2 HOURS BREAK. ENJOY EVERYONE."

Mas lalong nag hiyawan ng malaman ng lahat na 2 hours ang breaktime. Mukhang may meeting nga.

"2 hours lang? Why so bitin naman Maam?" Reklamo agad ni Patricia.

"Pwede ka namang kasi hindi na lang bumalik dito pagka tapos ng dalawang oras Ms. Ramirez. It's your choice." Sarcastic na sabi ni Maam. "Goodbye class. Enjoy your break." Lumabas na si Maam.

Nag kabit balikat naman si Patricia.

"Mall tayo guys. 2 hours break." Masayang sabi ni Lucas.

"Kayo na lang. Matutulog muna ako sa library." Walang ganang sabi ni Troye.

Oh! Ang bilis talaga mag palit ng mood ng lalakeng to. Haha!

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon