Chapter 54: Batangas Escapade [Part 1]

8.9K 279 65
                                    

[TIMMY ALLISON POV]


"Tim, gising na uy."

Napamulat naman agad ako ng mata ng maranig ko ang kalmadong boses ni Reid.

Nilibot ko ng tingin ang buong van at ganun na lang ang pagtataka ko nang makita kong wala na ang iba.

"Asan na sila?" Tanong ko habang kinukusot ang dalawa kong mata.

"Nauna na sa hotel." Aniya at binuksan ang pinto nitong van. "Tara na? Para makakain ka na rin."

Tumango ako at agad na bumaba.

Halos mapahampas ako sa braso ni Reid sa sobrang excitement na nararamdaman ng makita ko ang resort.

"Hala Reid. Meron pala kayong ganitong resort? Grabe. Ang ganda." Manghang-mangha kong sabi habang pinapasadahan ng tingin ang buong paligid.

Napalingon naman ako kay Reid ng tumawa siya at bahagya akong inakbayan.

Eh? Anong eksena to?

"Mas gaganda pa to mamaya." Bigla siyang ngumisi na parang ewan kaya napa kunot noo ako. Hmm. May something atang magaganap.

"Hoy Reid. Sabihin mo, anong pinaplano niyo' huh? Share niyo naman sakin." Nakasimangot kong sabi habang tumawa at na iling naman si Reid.

"Pag sinabi ko sayo ngayon, wala nang excitement na mangyayari. Hahaha. Kaya Tim, kumain ka na ng marami-rami ngayon ha." Aniya na naka ngisi at kumindat pa.

Ang weird naman nito.

"TIM! DITO DALI." Automatic akong napalingon sa pinanggalingan ng nakabibinging sigaw na yun at ganun na lang ang tuwa ko ng makita ko sina Kathlyn na nasa harap ng isang malaking mesa at grabe. Ang daming foods.

"Waaahhh. Ang daming pagkain." Masaya kong sabi ng makalapit na kami ni Reid sa kanila.

"Muntik ka na nga naming hindi muna ipa'gising kay Reid para ma'solo namin tong mga pagkain. Hahaha." Aniya Kathlyn at agad akong hinatak sa tabi niya.

"Ay grabe ha. Iniwan niyo na nga ako dun sa loob ng van tapos gusto niyo pa akong ubusan ng pagkain?"

"Wow ha. Mga dalawang minuto ka lang namang nag stay dun no. Buti nga't hindi ka muna namin ginising. Kung nagkataon, ikaw pinag-bitbit ko ng mga gamit natin." Mapang-asar na sabi ni Kathlyn.

Magsasalita na sana ako ng bigla kong mapansin na wala si Harvey at Chanelle. Ganun rin si Troye.

"It's obvious, wala ang love triangle dito." Aniya Patricia at tumabi sakin sa kabilang side. Sa wakas, nagka line na rin siya.

"Asan sila?" Tanong ko sa kanilang apat.

"Ahhmm. Ano kasi, bigla na lang sumakit ang ulo ni Troye kaya hinatid muna ni Chanelle at ni Harvey si Troye sa kwarto ng mga boys para makapag pahenga at makainom ng gamot." Paliwanag ni Kathlyn.

"Okay lang kaya siya? Kumain na ba siya? Pwede ko ba siyang puntahan?" Sunod-sunod kong tanong.

Nakaramdam agad ako ng pag-aalala at konting kirot sa puso ko.

Kung naaalala lang sana ako ni Troye edi sana ako yung kasama niya ngayon. Ako sana yung nag-aalaga sa kanya ngayon.

"Wag ka ngang praning. Maya-maya bababa na rin yung mga yun. At sigurado nagbibihis na rin ang mga yun. Tss. Alam na nga kasing sa beach ang punta, nag denim pants pa. Tsk." Aniya Patricia at nagsimula nang kumain.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon