Chapter 66: See each other

9K 316 35
                                    

[TROYE POV]


"Troye!" Tss. Ang kulit ng babaeng to. Bwisit.

"What?" Irita ko siyang nilingon.

Sumimangot naman siya saka napakamot sa ulo niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya dahilan para sarcastic akong matawa.

Seriously? Ano bang pake'alam nito kung saan man ako pupunta?

"Hey. Im asking you. Where are---"

"None of your business. So please? Aalis na---"

"Baka nakakalimutan mong mag partner tayo sa project natin sa minor class natin." Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

Shit! Oo nga pala. Panirang project yan oh. Kakatapos ko pa nga lang dun sa isang project meron na naman. Tsk.

"Im sorry. Nakalimutan ko nga." Napa-irap naman siya pero ngumiti rin naman.

"It's okay. Anyway, pwede bang gawin na natin yun today? Hindi kasi ako pwede bukas at sa weekends." Kita ko namang sincere siya sa sinabi niya kaya pumayag na ko.

Dumaan muna kami sa National Bookstore para bumili ng mga requirements para sa gagawin naming project.

"Pink or blue?" Aniya Chloe pero nagkibit-balikat lang ako.

Naiirita na talaga ako sa kanya sa totoo lang. Masyado siyang maarte sa mga bagay-bagay.

"Anything that suit for our project. And please, make it faster." Irita kong sabi sa kanya na ikina-tawa naman niya.

"Chill. Kanina ka pa naka simangot jan ah. Ano bang meron at nagmamadali ka ata? May date ka ba?" Awtomatic napataas ang kilay ko sa sinabi niyang yun.

"Tch. Bahala ka nga jan." Patalikod na sana ako ng higitin niya naman ang braso ko kaya agad kumunot ang noo ko.

"Saan ka na naman pupunta? Dumito ka na. Sandali na lang to promise." Aniya saka ngumiti. Tumango na lang ako para matapos na rin to.

Agad kaming nagtungo sa counter para bayaran lahat ng pinamili namin.

"This is too much." Komento ko sa mga pinamili namin at nang makalabas na kami sa National Bookstore.

"Late reaction ka. Dapat kanina mo pa sinabi yan nung nasa loob pa tayo." Aniya saka napalinga-linga sa piligid. "Aish. I want ice cream right now. Tara 'dun. Samahan mo kong bumili."

Nagtungo kami sa isang ice cream store at agad naman siyang namili ng flavor na gusto niya.

"Tss. We need to hurry. It's already dusk." Irita ko na namang sabi sa kanya na ikinatawa naman agad niya.

"Oo na. Wait lang." Natatawang aniya saka nag bayad na sa counter. "Tara na Mr. Nagmamadali. Haha!"

Naiiling akong sumunod sa kanya palabas.

"So? Saan pala natin gagawin ang project natin?" Biglaan niyang tanong habang kain pa rin ng kain ng ice cream.


Tss. Saan nga ba?


"You know, we can make it naman sa condo ko. What do you think?" Aniya na busy pa rin sa ice cream niya.

Aish. Bakit ba ko kinabahan bigla? Ano naman kung sa condo niya? Gagawa lang naman kami ng project. Yun lang naman pero bakit kinakabahan pa rin ako? Tsk!

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon