Chapter 46: Aksidente

8.1K 273 37
                                    

[TIMMY ALLISON POV]




Hindi to totoo.



Hindi to totoo.




Hindi to totoo.




Hindi pwedeng na aksidente si Troye. Hindi pwede.


"Tim. Wag ka masyadong mag-alala. Magiging okay din ang lahat." Nilingon ko si Lucas sandali at muli rin akong nag-iwas ng tingin sa kanya.


Wag mag-alala? Seryoso ba siya? Si Troye yung na aksidente hindi kung sino lang para hindi ako mag-alala.


Muli na namang tumulo ang luha ko ng maalala ko yung hitsyura niya kagabi. Halatang pagod na pagod na siya pero hinayaan ko pa ring mag drive pa uwi. Sana pinilit ko na lang siya na mag stay sa bahay buong gabi. Edi sana hindi siya na aksidente.


Agad akong bumaba sa sasakyan ni Lucas at dali-daling nag tanong sa admin kung saang room ang pasyenteng nag ngangalang Troye Walden.


"Nurse. Anong room po si Troye Walden?"

"Room 406. Sa 5th floor po."

"Okay po. Salamat."


Agad kaming tumakbo ni Lucas papuntang elevator. At nang makarating kami sa 5th floor, dali-dali kaming nag tungo sa room 406.


Pero, hindi pa man kami tuloyang nakaka lapit sa harapan ng kwarto ni Troye bigla na lang lumabas sina Tito't Tita (Daddy at Mommy ni Troye) kasama ang Doctor.

Agad bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong umiyak si Tita sa sinabi ng doctor bago ito umalis.


Agad nag punas ng kanyang luha si Tita ng bigla niya kaming makita.


"T-timmy........." Agad akong naiyak ng marinig ko ang garalgal na boses ni Tita. Agad niya kong niyakap ng sobrang higpit.


"T-tita.........I-im sorry po. Sana hindi ko hinayaan na mag drive si Troye ng ganung oras. Kasalanan ko po to---"


"Ssshhh......No Timmy. This is not your fault hija. Don't blame yourself." Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Tita.


Oo. Alam kong wala akong kasalan dahil hindi naman ako ang gumagawa ng aksidente pero sana na pigilan ko yun kung pinag stay ko lang si Troye sa bahay.

Pinahid ni Tita ang luha sa aking pisnge at ngumiti siya ng pilit.


"Just promise me that you would be strong." Ngumiti ulit si Tita. Ngiting malungkot. Agad naman akong tumango.

"K-kumusta po ang kalagayan ni Troye? Sabihin niyo Tita, hindi naman malala yung nangyari sa kanya' hindi po ba?"

Nawala lahat ng pag-asa ko na hindi naman malala yung nangyari kay Troye ng biglang nag-iwas ng tingin sakin si Tita at bigla akong tinapik sa likod ni Tito kaya agad akong napalingon sa kanya.


"Hija.....a-ano kasi. Ahm. Sabi ng Doctor masyadong na puruhan ang buong katawan ni Troye. And he's on a state of coma."


Agad akong nanghina ng marinig ko ang sinabi ni Tito. Agad akong inalalayan ni Lucas para hindi ako tuluyang matumba.



"Tatagal daw ng 1 month or higit pa ang pagkaka coma niya." Dugtong pa ni Tito.


"Magiging okay din si Troye. Let's just pray. Think positive. God is kind." Aniya Tita. Tumango ako at pinilit ang sarili na kumalma.


Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon