Chapter 27: Timmy's 18th Birthday (Special Gift)

12.8K 429 218
                                    

A/N: Naka move on na ba kayo sa moment ni Troye at Timmy sa last chapter? Kung hindi pa, bahala kayo jan. May kasunod pa. Wahaha! Pero seryoso talaga, sobrang natutuwa talaga ako dun sa mga nag comment sa last chapter. Kaya ito, ginanahan akong mag update.

P.S. Naka draft na po ang next chapter. Konting words na lang at ipu'publish ko na rin siya. Pag matuwa po ulit ako sa mga comments niyo in this chapter, I'll promise! Mag a'update agad ako para sa CHAPTER 28. Hehe!😚

TIMMY ALLISON POV.

"Grabe Tim ha. Napaka romantic ng moment niyo kanina ni Troye. Yiiee. Aminin mo. Sobrang kilig na kilig ka nun no?"

Natawa na lang ako sa sinabi ni Kathlyn. Paano ba naman kasi? Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa sobrang kilig. At hanggang ngayon, di pa rin ako maka get over sa nangyari kanina. Di talaga ako makapaniwala na umamin sakin si Troye.

"Hoy ano?! Kanina ka pa tahimik ah?"

Andito pala kami ngayon ni Kath sa kwarto kung saan ako nag bihis kanina. Time na raw kasi para mag palit ako ng gown. Tsaka syempre, niretouch rin nila ako dahil mukhang zombie na daw ang hitsyura ko kanina.

"Hindi ko talaga in'expect yung mga sinabi niya sakin kanina."

"Im happy for you Tim. Atleast, hindi na one sided love diba?" Tumango ako saka binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Parang panaginip lang ang lahat." Natatawa kong sabi.

Ilang minuto lang din at natapos na ang pag-aayos sakin. Naisuot ko na rin ang second gown ko. At grabe! Akala ko isa akong white lady I mean kala ko ako si Snow White. Hahaha! Hindi naman sa pag mamayabang, pero ang puti ko ata?

"Wow Tim. Bagay na bagay sayo tong black gown ah. Grabe! Sobrang puti mo kung tingnan." Halata naman sa expression ng mukha ni Kathlyn na nagsasabi siya ng totoo.

"Si Troye pumili nitong gown na to." Naka ngiti kong sabi.

"Infairness kay Troye ha, alam niya kung ano ang babagay sayo. Hehe! Oh? Tara na sa baba?"

Tumango naman ako. Naka alalay lang sakin si Kathlyn habang pababa kami ng hagdan. Baka daw kasi mahulog ako. Hahaha. Baliw talaga.

Pagkababa namin, bumungad agad sa amin si Patricia na halatang inip na inip na.

"Andito rin pala siya?" Nasagi sa isipan ko.

"Ang tagal niyo naman sa taas." Bulyaw niya sa amin ni Kathlyn.

Agad naman kaming nag tinginan ni Kathlyn.

"Ano bang pakealam mo ha?!" Inis naman na tanong ni Kathlyn kay Patricia.

"Tss! Pwede ba? Wag mo nga akong sigawan. Magka harap na nga tayo sisigawan mo pa ako." Iritang sagot naman ni Patricia.

"Ikaw kaya tong unang nanigaw samin." Sagot naman ni Kathlyn.

"Hindi porket sinigawan ko kayo eh sisigawan mo na rin ako."

Halos palipat-lipat lang ang aking tingin sa kanilang dalawa.

"Aba! Siraulo ka ba? Alanga namang pabayaan ko lang yang pag sigaw mo samin."

"Pwede ba? Manahimik ka muna. Hindi ikaw ang pinunta ko dito."

"Alam ko tanga. Alanga namang pumunta ka dito para sa akin. Natural pumunta ka dito para makikain sa birthday party ni Timmy."

Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong awatin sa kanilang dalawa. Baka mamaya itulak pa nila ako pag makisali ako sa bangayan nilang dalawa. Tsaka infairness dito kay Kath ha. Sumasagot na kay Patricia. Haha!

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon