Chapter 11: Unexpected Kiss

13.2K 427 101
                                    

[TIMMY ALLISON POV]

"Commute ka ba ngayon? Gusto mo sabay ka na lang sakin?" Biglang tanong sakin ni Kathlyn habang busy sa pag aayos ng gamit niya.

"Nag text sakin si Troye. Siya na lang daw mag hahatid samin ni Lucas."

"Ah? So pupuntahan mo sila sa gym?" Tumango ako.

Simula pa kanina nag pra'practice na sina Troye. Hindi na nga sila umattend sa mga klase namin. Pero excuse naman daw sila dahil kailangan talaga nilang mag practice.

"Sige. Una na ko sayo ha. See you tomorrow." Ngumiti lang ako saka nag wave ng kamay sa kanya.

Dumiretsyo na agad ako sa gym para manood na rin ng practice nina Troye.

Kakapasok ko pa lang sa loob ng gym sobrang ingay na.

Sigawan dito. Sigawan doon. Tss!

Agad akong kinabahan ng makita ko agad yung grupo nina Patricia na malapit sa bleacher nina Troye.

Sa pagkakaalala ko, na sigawan ako noong nakaraang practice dahil pinunasan ko yung pawis ni Troye.

Agad akong nakaramdam ng matinding selos ng makita kong ini'abot ni Patricia yung gatoride kay Troye.

Mas lalo akong nakaramdam ng inggit ng makita kong tinanggap yun ni Troye saka ngumiti.

ABA? KALA KO BA NAIIRITA SIYA JAN KAY PATRICIA AT SA KA GRUPO NITO? Bakit kung maka ngiti siya kala mo sobrang close nila. Tss!

"OMG! Look who's here guys!" Sigaw nung isang babaeng sobrang ikli ng palda. Masyadong above the knee na yung suot niyang palda.

Tumigil naman ang lahat sa pag fafangirling at sabay-sabay na tumingin sa direksyon ko.

Kanya-kanya sila ng reaction. Natural na sakin yung mga masasamang tingin mula sa kanila.

"Tim!" Napa lingon agad ako sa direksyon nina Troye.

Ngumiti agad ako ng lumapit sakin si Reid.

"Kanina ka pa dito?" Nakangiti niyang tanong.

Why so unfair? Kahit pawis na pawis na siya ang bango-bango niya pa rin.

"Kakarating ko pa lang. Nga pala? Matagal pa ba kayo?" Pinipilit kong sa kanya lang tumingin dahil ayokong makita si Troye na kausap niya si Patricia.

Pero sadyang makulit at malikot talaga tong mga mata ko kaya ayun! Nakita ko si Patricia na pinupunasan yung pawis ni Troye sa braso nito.

"Sandali na lang. Last--------------"

Hindi ko na pinatapos si Reid sa sinasabi niya dahil nag lakas loob na kong sugorin si Patricia para pigilan siya sa ginagawa niya.

Masyado na siyang ma'papel. Ako kaya yung girlfriend ni Troye.

"Ako na!" Madiin kong sabi sabay kuha dun sa bempo na hawak ni Patricia. Tinulak ko rin siya ng mahina para ma bigyan niya naman ako ng space no.

Napa tigil rin ako ng ma realize ko kung ano ang ginawa ko.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanila.

Bakas sa mga mukha ng mga ka team mates ni Troye ang pagka gulat pero may ngiti sa mga labi.

Napa lingon naman ako sa mga ka grupo ni Patricia at halatang na gulat rin sila sa ginawa ko.

Naka smirk naman si Lucas at naka ngiti si Reid.

Habang sobrang sama naman ng tingin sakin ni Patricia.

Pero ang pinaka importante lang naman sakin kung ano ang naging reaction ni Troye.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon