A/N: Awe.XD Sorry po kung hindi na'ko nakakapag update araw-araw ha. Ang dami ko kasing ganap lately. Hahaha! Anyway, thank you so much sa walang sawang suporta kina Troye at Timmy. Nakakatuwa lang at na achieve ng story na to ang rank #60 in Teen Fiction. Huehue. OA ba? Hindi ah, masaya lang talaga ako. Osya. Free to vote at comment. Enjoy😘
.
🔹🔸🔹🔸🔹🔸🔹🔸🔹🔸🔹🔸
[TIMMY ALLISON POV]
"Class dismissed." Nag hiyawan agad ang mga kaklase ko ng marinig nila ang sinabi ni Maam.
"Timmy? Kumusta na si Troye?" Agad kong nilingon sina Marian.
"Ganun pa rin." Tipid kong sagot sa kanila at ngumiti ng pilit.
"Talaga bang hindi kami pwedeng dumalaw sa kanya?" Tanong muli ni Marian.
"H-hindi ko alam eh." Napa tango na lang sila at saka lumabas na ng classroom namin.
Dalawang buwan na ang lumipas simula nung ma aksidente si Troye. Dalawang buwan na rin at hanggang ngayon hindi pa rin siya na gigising. Sa loob ng dalawang buwan, ang daming nangyari. Syempre una na dun, yung hindi na tuloy yung sama-sama sana kaming mag ce'celebrate ng pasko. Syempre na tuloy pa rin ang pag punta nina Mama sa Pampanga. Pero ako? Nasa tabi lang ako ni Troye nung pasko hanggang mag new year. Pinaki-usap ko talaga yun kina Mama na sana hayaan nila akong mag celebrate ng pasko at new year kasama si Troye. Pumayag naman sila total itong nakaraang pasko at new year lang naman daw kami di mag kakasasama. Nakasama ko ang pamilya ni Troye, si Lucas at Reid na mag celebrate ng holiday's sa ospital. Kaya kahit papaano, naibsan din yung lungkot na nararamdaman naming lahat nung mga oras na yun. Umasa talaga kaming hindi aabot ng dalawang buwan na ma co'coma si Troye pero wala, umabot pa rin. Nag simula na ulit ang pasokan, gustohin ko mang tabihan lang si Troye hanggang sa magising siya ay hindi rin pwede. Kailangan ko ring pumasok. Alam kong hindi matutuwa si Troye pag nalaman niyang hindi ako papasok dahil gusto kong lang nasa tabi niya ko.
Lumipas na ang Valentines Day pero hindi pa rin siya na gigising. Ewan ko ba, habang tumatagal mas lalong naninikip ng sobra ang dibdib ko.
"Hayp yung mga yun no? Matapos kang i'bully dati kala mo kung sino kung mag tanong sayo about sa kalagayan ni Troye?!"
Naiiritang sabi ni Kathlyn nang kaming dalawa na lang ang matira sa loob ng classroom. Halos nag punta na kasi ang lahat ng mga kaklase namin sa canteen. Nasa gym naman si Lucas at Reid. Mag kakaroon kasi sila ng laro ngayong darating na sabado kaya puspusan sila sa pag pra'practice ngayon. Sayang. Kasali sana si Troye.
"Alam mo? Kung andito lang ngayon si Troye, kahit siya, ma pla'plastikan sa mga bruhang yun no." Dugtong niya pa.
"Ano ka ba Kath? Hayaan mo na nga sila. Malay mo? Concern naman talaga sila kay Troye. Araw-araw ba namang mag tanong sakin kung kumusta na ang kalagayan ni Troye." Muli kong naalala yung araw na nag simula ulit ang klase, kala ko dudumugin ako ng mga fans ni Troye at sasaktan. Pero nagkamali ako, lahat sila umiiyak at nakiki-usap sakin na kung pwede ba daw nilang ma dalaw si Troye pero syempre hindi naman ako um'oo no, hindi ko naman kasi hawak ang desisyong ganun. Na kina Tita yun.
"Kung sa bagay, mukhang mga concern nga talaga ang mga yun. Umiyak ba naman na kala mo---"
"Timmy."
Halos manghina ang tuhod ko ng marinig at makita ko si Jennelyn na naka ngiting naka tingin sakin habang nakatayo sa may pinto.
"J-jennelyn........." Mahina kong banggit sa pangalan niya.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...