Chapter 44: Bonding

8.9K 316 15
                                    

[TIMMY ALLISON POV]



"Good Morning gorgeous." Napa ngiti agad ako ng marinig ko ang malambing niyang boses.


WAAHH! Hindi pa pala ako nakakapag toothbrush at nakakapag hilamos. Waaahh!

Dali-dali kong tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad.

"Hey. What's wrong?" Rinig kong tanong ni Troye saka pilit na tinatanggal yung kamay ko na naka takip sa mukha ko pero umiling-iling ako.

WAAAAHH. Naalala ko rin bigla yung kagabi. Natulog kaming magkatabi tapos nakayakap pa siya sakin. Waaahhh!

"Can you please remove your hands?! Ano bang problema?" Waaahh! Mukhang naiirita na siya.

"Eh Troye. Hindi pa ko nakakapag hilamos at nakakapag toothbrush." Nahihiya kong sabi habang nakatakip pa rin ang mga palad ko sa mukha ko.

"Hahaha. It's okay baby. I've already seen your morning face and.....I already kissed you earlier. So? Nothing to be worry okay?!"

Automatic akong napa bangon sa sinabi niya kaya natawa na naman siya.

"WAAAHH! Troye naman eh. Nakakahiya." Naka simangot kong sabi.

Ngumiti siya at inayos yung ibang buhok na tumatakip sa mukha ko.

"Hindi mo kailangang mahiya. You're still pretty no matter what. And your lips is what I want to kiss every morning. Everytime I woke up." Kumindat pa siya niyan ah.

Ramdam kong namula na naman ang pisnge.

Gosh! Hindi talaga nauubosan ng mga salitang nag papakilig sakin itong si Troye.

"Tss. Napaka bolero mo na talaga ha." Sabi ko na ikinatawa na naman niya.

Mag sasalita pa sana si Troye ng biglang may kumatok sa pinto kaya agad akong nag panic.

WAAAAHH! Baka yung Mommy ni Troye. Nakakahiya.

Lumapit si Troye sa pinto at napa buntong hininga naman ako ng makita kong si Trixie ito.

"Good morning Ate Timmy." Masigla niyang bati sakin.

"Good morning din." Naka ngiti ko namang tugon sa kanya.

Nakakahiya. Sobrang ayos ng hitsyura niya samantalang ako hindi pa nakakapag hilamos o nakakapag suklay man lang.

"Hey. What's bring you here?" Kunot noong tanong ni Troye.

Ngumiti naman si Trixie saka tumabi sakin.

"You told me na sasamahan mo kong mag mall today. You forgot?"

Natawa naman si Troye saka ginulo ang buhok ng kapatid na ikina simangot naman nito.

Bakit ba kasi ang hilig nitong si Troye na manggulo ng buhok? -__-

"Trix, it's too early. Sarado pa ang mga mall ngayon. Maybe later. Ihahatid ko rin pa si Ate Timmy mo sa house nila."

Lumingon naman sakin si Trixie saka ngumiti ng malapad.

"Pwede bang isama na lang natin si Ate Timmy' Kuya? Please." Lumingon sakin si Troye saka ngumiti din.

"Well, ask her." Aniya Troye sa kapatid.

"Ate Timmy? Pwede ka bang sumama samin ni Kuya mag mall? Please. I want more bonding with you kasi eh." Ang cute naman nitong si Trixie.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon