A/N: FIRST OF ALL, THANK YOU SO MUCH! THANK YOU PO AT UMABOT KAYO DITO. THANK YOU DAHIL HANGGANG SA DULO SINUPORTAHAN NIYO TONG STORY NA TO. Thank you sa mga readers ko na simula't umpisa hanggang dulo ay nanjan pa rin kayo. Maraming-maraming salamat po. WAAAAHH! Mahal na mahal ko kayo. (Promise)
P.S. Light lang ang ending nito. Don't expect too much. Masasaktan ka lang. Hahaha!
So here is it. Enjoy😘
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
TROYE POV
This is it. The day that I been waiting for. I can't help but to get emotional. 2 months ago, since nag propose ako kay Timmy. At ngayon, ito na. Dumating na rin sa wakas ang pinakahihintay naming araw.
"Congrats' bro. Sa wakas, matutupad na rin ang pangarap niyong dalawa. Haha!" Aniya Lucas saka ako niyakap.
"Salamat." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti at maluha tuwing may lalapit sakin at kino'congrats ako.
"Hey bro. Finally." Aniya Harvey saka tinapik ako sa balikat.
"Congrats sa inyo ni Timmy. We're really happy for the both of you."
"Thanks guys. Congrats din sa inyong dalawa. Ilang buwan na lang lalabas na ang baby niyo." Napangiti ako dahil sa magandang nangyayari sa amin ngayon.
Napalingon naman ako ng tapikin ako ni Reid na sobrang naka ngiti na ngayon.
"Im happy for the both of you. Congrats. Grumaduate ka na rin sa pagiging manhid mo. Hahaha!" Napa 'tss' at natawa ako sa sinabi ni Reid.
Sa kanilang lahat, si Reid ang unang naka alam sa nararamdaman ko para kay Timmy. At siya rin ang naging taga payo ko.
"Congrats' son." Napalingon naman ako kay Mommy na sobrang iyak na ng iyak di pa man nagsisimula ang kasal.
"Thanks' Mom. Hey. Stop crying. Baka mamaya pag makita kayo ni Timmy mag-alala yun. Baka hindi pa matuloy ang kasal." Pagbibiro ko na ikinatawa naman nila.
"Oo na. Hindi na ko iiyak. But promise, iingatan niyo ang isa't-isa ha. Lagi niyong mahalin ang isa't-isa na para bang wala nang bukas. Basta tandaan mo anak, andito lang kami lagi para umalalay sa inyo." Hindi ko mapigilang hindi maiyak. Niyakap ko ng sobrang higpit si Mama saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"Thank you' Mom. I love you so much." Muli ko siyang hinalikan sa pisngi.
"I love you more' son." Tumango ako saka ngumiti.
Agad naman kaming nagsi-ayos na ng biglang sumigaw yung organizer na mag start na daw ang kasal. Kaya hindi ko na naman naiwasang hindi kabahan. Ibang kaba ito. Kaba na naeexcite.
Tinapik ako nina Lucas at Reid nang mapansin nilang panay ako ng pagbuga ng hininga.
Nagsimulang tumugtog ang violin. The song was familiar to me. It was a music that titled Can't Help Falling Inlove. Automatic akong napangiti at nilibot ang buong venue.
Beach wedding ang napili namin for our first weeding. Yeah. First. Dahil sa oras na grumaduate na kami ng college, magpapakasal kami ulit. At syempre, sa simbahan na magaganap ang 2nd wedding namin. Iba pa rin talaga pag church wedding.
Bigla akong tinapik ni Daddy sa balikat kaya automatic akong napalingon sa kanya.
"Your soon to be wife is here. She's very beautiful' son. You're lucky." Aniya Daddy habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...