Chapter 45: Message

9K 304 10
                                    

[TIMMY ALLISON POV]

"Oh ano Tim? Anong ire'regalo mo kay Troye?"

"Wala pa nga akong maisip eh. Hindi ko kasi alam kung anong wala pa siya. Parang nasa kanya na ata lahat eh."

"Yung katawan mo na lang iregalo mo sa kanya. Sure akong wala pa siya nun--"

"Ano ba Kath?! Bakit yan ang nasa isip mo?" Nahihiya kong tanong saka palinga-linga sa paligid. Andito kasi kami ngayon sa Mall. Nagpasama kasi akong mamili ng regalo. Ah yeah! Sobrang bilis lumipas ng mga araw. Tingnan mo na lang ngayon, December 22 na. Dalawang araw na lang bago ang pasko. Kaya ito, busy kaming dalawa ni Kath.

"Teka? Ano bang iniisip ko ha? Kung maka react ka jan kala mo alam mo kung anong nasa isip ko ah?!"

"Sabi mo kaya na katawan ko na lang iregalo--"

"Hahaha. Ah yun ba? Ito naman oh. Ang dumi na talaga ng isip mo ngayon Tim. Nakakapanibago ha."

"Anong madumi ang isip? Sinong di mag iisip ng maayos dun sa sinabi--"

"Mali kasi ang pagkaka-intindi mo Tim. Hahaha. Ang ibig kong sabihin dun sa katawan na lang ang iregalo, eh bigyan mo siya ng maraming time. Yung kayong dalawa lang. Yung katawan mo sa kanya lang at hindi pwedeng mapunta kung saan."

"Saan naman pupunta tong katawan ko ha--"

"Aish. Ang gulo mo kausap. Halika na nga't bayaran na natin tong mga pinili mo."

"Ikaw kaya tong magulong kausap."

"Whatever."

Na iling na lang saka nag punta na ng counter.

Kumain muna kami ni Kath sa Jollibee bago nag desisyong umuwi na rin. Mga 7 pm na rin kaya tama lang din na umuwi na kami.

"Sino susundo satin?" Inip niyang tanong.

"Si Lucas--"

"Bakit siya?" Irita niyang tanong.

"At bakit hindi? Ano ba Kath? May problema ka ba talaga kay Lucas o talagang gusto mo na talaga siya?" Agad naman siyang nag-iwas ng tingin kaya napa ngisi na lang ako.

"Ayiiee. Ikaw ha. May feelings ka na pala kay Lucas di mo pa sinasabi sakin." Sabi ko sabay tusok sa tagiliran niya na ikina sigaw niya. Tss. Ang oa nito.

"Ano ba Tim?! Pwede ba? Manahimk ka nga. Baka mamaya dumating na lang bigla yang si Lucas tapos lumaki agad yung ulo--"

"WHAT THE FVCK!" Gulat kaming napalingon ni Kathlyn kay Lucas na mukhang kanina pa ata nakatayo sa likod namin or maybe kararating lang?

Pinaningkitan ko siya ng mga mata dahil hindi nakatakas sa pandinig ko yung nasabi niyang mura.

"Sorry na pinsan. Ito kasi eh." Aniya saka tinuro si Kathlyn. "Tungkol saan ba yung pinag-uusapan niyo at nasali pa yung pangalan ko?" Siya naman ngayon ang naningkit ang mga mata saka palipat-lipat ang tingin saming dalawa ni Kath. Mukhang di niya naman talaga siguro na rinig ng maayos.

"A-ahhahaha. W-wag ka ngang feeling L-lucas. Hindi naman namin binanggit yung pangalan mo no. Bukas yun hindi Lucas. Tss."

"Okay. Sabi mo eh. Tara na."

Hmm. Halata na talaga tong si Kathlyn ayaw pang umamin.

"Tim, sa passenger seat ka kasi. Ako na jan sa back seat." Sigaw ni Kathlyn ng maunahan ko siyang makapasok sa back seat.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon