TIMMY ALLISON POV
Isang linggo. Isang linggo ko nang hindi nakikita si Troye matapos yung araw na inihatid niya ko dito sa bahay. Hindi ko rin siya ma contact. Nakapatay yung phone niya tuwing tatawagan ko siya. Hindi ko alam kung anong nangyari matapos niya kong ihatid nung araw na yun.
Akala ko magiging okay na kami dahil nagkita na ulit kami. Pero bakit ganito? Bakit parang ang layo-layo na naman niya sa'kin. Balak ko pa naman na sana kausapin sina Mama tungkol sa'min ni Troye. Kaso paano ko sasabihin? Kung ganito namang nawalan ulit kami ng komunikasyon ni Troye? Hayyss.
"Oh anak? May lakad ka?" Tanong agad ni Mama sa'kin ng makababa ako.
Ah oo. Sabado ngayon. At magkikita kami ngayon ni Kathlyn. Hindi kasi natuloy yung pagkikita namin at ang pagpunta ko sa ospital nung Friday dahil sa dami ng pinagawa sa'kin ng Prof. ko kesyo daw kasi di ako naka attend ng acquaintance party.
Hindi rin ako naka punta sa ospital nung nakaraang sabado at linggo dahil ginawa ko naman yung project ko sa isa sa mga minor class ko. Sobrang hectic ng sched ko this week kaya di ko na nagawang bumisita pa ulit sa ospital. Buti na lang talaga at wala akong gagawin ngayon. Atleast, makakapag bonding na rin kami ni Kathlyn. Susubukan ko ring puntahan si Troye mamaya sa apartment niya. Baka kasi katulad ko lang din siya. Sobrang hectic rin ng sched niya kaya siguro pinatay niya muna ang phone niya para walang maka istorbo.
"Ah Ma? Okay lang po ba kung ma'late ako ng uwi?" Try ko lang naman kung papayagan ako ni Mama.
"Huh? Bakit? Sa'n ka ba pupunta at kailangang ma'late ka nang uwi?" Hindi naman galit ang tono ng boses ni Mama. Medyo seryoso lang talaga.
"Ahm ano po kasi......bibisitahin ko po ulit si Chanelle sa ospital. Tapos mag bo'bonding naman po kami ni Kathlyn pagkatapos. Baka po kasi matagalan kami kaya pinapaalam ko na po sa inyo." Okay. I lied. Ang totoo niyan, sandali lang talaga akong makikipag bonding kay Kath. Kasi nga pupuntahan ko si Troye sa apartment niya. Gusto ko lang malaman kung kamusta na siya.
"Ahh ganun ba? Okay sige. Ako nang bahalang magsabi sa Papa mo." Nakangiting aniya Mama.
Weird ng ngiti ni Mama. Ewan. Parang kakaiba kasi eh. Tapos nakapagtataka namang hindi man lang nagtanong kung sino pa ang makikita ko dun sa ospital kung sakaling dumalaw ako. Tapos parang wala na talagang issue sina Mama kina Kathlyn.
Hayys. Sana sa relasyon din namin ni Troye. Sana pumayag na rin silang maging kami na ulit.
"Sige po' Ma. Una na po ako." Kiniss ko siya sa pisngi bago umalis.
"Ingat ha." Paalala ni Mama na ikina'tango ko naman agad.
Agad akong naglakad palabas nitong subdivision saka agad na pumara ng taxi.
"Sa Baladad Memorial Hospital po tayo." Agad kong sabi kay Ateng taxi driver. Oo. Babae nga ang driver.
Tahimik lang ako habang nagbya'byahe hanggang sa bigla na lang nagsalita si Ateng taxi driver.
"Okay ka lang ba' miss?" Automatic akong napa kunot noo at the same time napatango. "Mukha ka kasing malungkot. Hulaan ko. Break-up ba?" Aniya Ateng taxi driver saka natawa.
Naiiling akong tumawa. "Hindi po ah. Kinakabahan lang po ako." Sabi ko saka ngumiti ng pilit.
"Bakit ka naman kinakabahan? Naku! Siguro pa break-up pa lang kayo nung kasintahan mo no?" Hindi ako makapaniwalang lumingon kay Ateng driver. Naku naman oh.
"Ito naman si Ate. Grabe kayo kung mag conclude." Natatawa kong sabi.
"Oh eh bakit ka ba kasi kinakabahan?" Napangiwi ako sa tanong ni Ateng driver.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...