A/N: Balak ko sanang bukas pa to i'update. Hahaha. Kaso di ako nakatiis. So ito na syeeyy.😌😂 And I need 50 reads. 20 votes and 50 comments before the chapter 51. Huehue. Sensya na kung nag demand na naman ako. Hahaha. Nangangailangan lang talaga ako. Haha
P.S. Hindi ko po matumpak ang gusto kong mangyari sa chapter na to kaya medyo magulo siya. Hahaha. Advance pasensya na lang po.😂
_
🔶 🔷 🔶 🔷 🔶 🔷 🔶 🔷 🔶 🔷
[TIMMY ALLISON POV]
Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Ang makipag-usap kay Chanelle. Pero wala naman sigurong masama kung kakausapin namin ang isa't-isa diba?
"Sit down Timmy. Don't be shy. Ako lang naman to." Aniya Chanelle at ngumiti.
Andito kami ngayon sa isang coffee shop na kaharap lang din ng ospital.
"So? How are you?" Tanong niya agad nang mai'serve samin nung waiter yung in'order namin.
"O-okay naman." Tipid kong sagot.
Napa iwas naman siya ng tingin sakin nang tingnan ko siya ng seryoso.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Diretsyo kong tanong sa kanya.
Hindi ko alam pero na iirita ako sa kanya. Malalaman na sana ni Troye na ako talaga ang girlfriend niya kung hindi lang siya sumingit at sinabing gusto akong maka-usap pero mukhang wala naman siyang sasabihin.
Tumikhim muna siya bago magsalita.
"Timmy, wag ka sanang magalit sakin---"
"Bakit naman ako magagalit? May dapat ba kong ika'galit?" Promise. Hindi ko gustong maging bastos ang tono ng boses ko sa kanya pero hindi ko rin maiwasan eh. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kasi siya ang naaalala ni Troye na girlfriend niya. Hindi ako. Oo na. Nagseselos na ko. Sobrang selos na selos.
"Yun na nga Timmy' eh. Wala kang dapat ika'galit. Pero sa paraan ng titig mo sakin at pakikipag usap mo ngayon parang nagagalit ka na kaagad kahit hindi pa man ako nag sisimulang mag paliwanag sayo." Aniya na seryoso na ngayon ang tingin sakin. Di katulad kanina na naka ngiti pa. "Look' Timmy. Kung iniisip mong okay lang sakin ang lahat nang to---"
"Okay naman talaga sayo diba? Mukhang nag eenjoy ka pa nga eh." Pabalang kong sabi sa kanya.
Natawa naman siya. Tawang hindi makapaniwala.
Promise. Na babadtrip na talaga ako sa babaeng to. Ganito ba talaga pag selos na selos ka na? Kahit wala namang ginagawa sayong masama yung tao na iinis ka pa rin sa kanya? Ganito ba yun?
"Hindi okay sakin to. At mas lalong hindi ako nag-eenjoy. Wala lang akong choice---"
"Talaga ba? Sa pagkaka-alam ko kasi lagi tayong may mga choices na dapat pag pilian. Napaka imposible naman ata nun na wala kang choice." Okay. Napaka sarcastic ko na talaga. Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko?!
"Darating talaga sa punto na wala ka nang pag pipilian pa. Ang kailangan mo na lang gawin eh ang mag sakripisyo." Natigilan naman ako sa sinabi niyang yun at nang mag tama ang mga mata namin, halos kumalabog ang dibdib ko nang makita ko ang kalungkotan sa kanyang mga mata.
Patay. Ano bang ginagawa ko?
"Timmy. Alam mo naman na siguro ang meron samin ni Troye noon' hindi ba?" Bahagya akong napa tango. "Sobra ko siyang nasaktan nun. Kung pwede nga lang siya na lang talaga ang mahalin ko nung mga oras na yun, siya ang mamahalin ko. Pero hindi eh, si Harvey na talaga ang tinitibok ng puso ko nung araw na yun.......at hanggang ngayon." Automatic akong napatitig sa kanya ng marinig ko ang huli niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...