Chapter 10: Nakaraan?

13.1K 382 65
                                    

[TIMMY ALLISON POV]


Kunot noo pa rin akong naka tingin sa lalaking tumawag sa buo kong pangalan.

"You know him?" Na punta naman ang atensyon ko kay Troye na naka kunot noo na ngayon.

Muli kong binaling ang aking tingin sa lalaking tumawag sakin.

Agad nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko kung sino siya.

"I-ikaw yung pinsan ni Patricia?" Ngumiti naman siya saka natawa at mas lumapit pa sa mesa namin.

"I thought you dont remember me anymore."

"Ah...Eh....Ang totoo kasi niyan di kita na mukhaan agad." Medyo nahihiya kong sabi.

Pinaheram niya sakin yung coat niya tapos di ko man lang siya na mukhaan agad.

"I expect it." Natatawa niyang sabi sabay lumingon kay Troye.

"Hey Troye! Long time no see." Naka ngiting sabi nitong pinsan ni Patricia kay Troye pero halatang di naman siya masaya na nagkita ulit sila.

Agad namang tumaas ang kaliwang kilay ni Troye saka tumingin ng masama kay sino nga ba to? Jarvy? Larvy? Juharvy? Salvy? Handy? Sandy? Hevey? Fine! Di ko na talaga maalala yung name niya.

"Shut up!" Inis na sabi ni Troye.

Ngumisi naman si Ano. Basta si Ano siya hanggat hindi ko pa naaalala yung name niya.

"Di ka pa rin nag babago." Natatawa nitong sabi.
Mas lalo namang sumama ang awra ni Troye. First time kong makita na ganito ang awra niya. Medyo nakakatakot ng konti pero gwapo pa rin. Hehe!

Nagulat naman ako ng biglang tumingin sakin si Ano saka ngumiti.

"How's my coat?" Naka ngiti niyang tanong.

"Ay oo nga pala. Next time ko na lang ibabalik ha? Di ko naman kasi alam na dito pa tayo ulit mag kikita." Medyo nahihiya kong sabi na ikinatawa niya.

"Tss. Natural!" Mahinang sabi ni Troye pero narinig ko yun at maski si Ano ay malamang narinig niya rin.

"It's okey. Magkikita pa naman tayo ulit diba?" Hindi ko alam pero dahil sa na bigla ako sa sinabi niya, napa tango agad ako.

"Haha! You look so cute Allison." Eh? Parang si Reid lang din to kung puriin ako ha?

Bigla akong naka ramdam ng pag init ng aking mukha kaya napayuko ako.

"And oh, it seems that I disturb your------------"

Hindi na pinatapos ni Troye ang sinasabi ni Ano.

"Yeah dude. You disturb us. If you please? May klase pa kasi kami kaya importanteng mabusog naman kami diba?" May pagka sarcastic na sabi ni Troye.

Napangiwi lang si Ano saka nag paalam na aalis na siya. Tumango lang ako bilang sagot.

Minasdan ko lang si Ano habang palabas na ng cafe.

Hanggang sa mapansin kong nakakalahati na yung kinakain ni Troye.

"Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." Sabi niya habang busy sa pagkain.

"So? Magkakilala nga kayo?" Napa tigil siya saka tiningnan ako kung seryoso ba ako sa tanong ko.

"He knows my name. I know his name. He remember my handsome face. I remember his ugly face. So? We know each other." Sarcastic niyang sagot.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon