[TIMMY ALLISON POV]
"Oh ano? Kompleto na ba ang lahat? Wala na bang naiwan?" Muling tanong ni Reid na ikina tango naman naming lahat.
"So tara na. Habang maaga pa. Para maka-iwas tayo sa traffic." Excited namang sigaw ni Lucas.
Agad kaming sumakay sa Van nina Reid.
So, ganito ang mga pwesto namin. Si Reid ang mag dra'drive at nasa passenger seat naman si Troye. Buti nga't pumayag rin sa wakas si Troye na sa passenger seat siya uupo. Pinagpipilitan niya kasing magtabi sila ni Chanelle. At dahil hindi nga um'agree ang lahat sa gusto ni Troye, napilitan tuloy siyang sa passenger seat umupo. Nasa first back seat naman kami nina Chanelle at Kathlyn. Habang nasa likod naman namin si Patricia at Harvey. Habang nag solo naman si Lucas sa pinaka back seat. Ewan ko dun, feeling nasa music video kung mag emo.
At habang nasa byahe kami, nagpa-sound naman si Reid para hindi daw kami ma bored at ganun na lang ang tuwa ko na ang unang song na nag play ay Bad Liar ni Selena Gomez. Hindi naman umangal ang boys maliban kay Troye sa song dahil inaantay daw nila yung pag moan ni Selena dun sa line na "And oh baby". -___-
(A/N: Pakinggan niyo na lang po yung new song ni Selena Gomez na Bad Liar para magets niyo yung sinasabi ko. Hahaha)
"Ano bang kanta yan? Wala man lang ka energy-energy. Palitan mo nga yan Reid."
"Uy wag! Favorite ko kaya yan." Automatic akong napa sigaw ng iibahin na sana ni Reid yung song dahil sa sinabi ni Troye.
Bigla naman akong kinabahan ng lingunin ako ni Troye na may masamang tingin.
"Walang may pake kung favorite mo yan. Basta ayoko sa kantang yan." Aniya Troye na naka taas pa ang kaliwang kilay.
Bigla naman akong nakaramdam ng inis. Hindi ko alam kung saan ng gagaling yung inis pero sa oras na to, ayoko nang manahimik. Gusto ko nang ilabas to.
"Wala ring may pake kung ayaw mo sa kantang yan. Bakit? Tinanong mo ba yung kanta kung gusto ka rin niya? Hindi naman diba?! Kaya mag hintay ka jan pag matapos na yung kanta." Oh shemmss. Ako ba talaga to? Bakit sinasagot ko na ngayon si Troye? Promise. Ngayon lang naman to eh. ^___^
"Sinabi ko bang kausapin mo ko?
"Sinabi ko rin bang kausapin mo ko----"
"Tss. Gaya-gaya ka ng salita. Walang originali---"
"Hindi kaya. Sadyang tumugma lang talaga yung salitang yun sa---"
♬With my feeling on fire
Guess Im a bad liar♬Bigla akong natahimik ng lakasan ni Reid yung volume nung song at bigla na lang.......
♬And oh baby let's make
Reality, actuality, a realityOh baby let's make
reality, actuality, a reality♬Muling hininaan ni Reid ang volume nung song at dali-dali silang tumawa dahil na rinig na nila yung pinaka hihintay nilang part sa kantang yun ni Selena.
At ako? Napa-iwas na lang ako ng tingin kay Troye at ganun rin naman siya.
"Guess Im a bad liar." Habol pa ni Chanelle na tumatawa saka lumingon sakin. Inilingan ko na lang siya saka tumingin na lang sa mga tanawin sa labas.
Lumipas ang mga ilang minuto at tahimik lang kami habang nasa byahe. Tulog kasi silang lahat. Ako nga lang ata at si Reid ang gising. Syempre, hindi siya pwedeng matulog baka mabangga pa kami no. Common sense na yun. Haha.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...