TIMMY ALLISON POV.
It's saturday in the morning today. At kahit gusto ko pa sana matulog dahil wala namang pasok ngayon at masyado pang maaga, wala rin akong magagawa. Dadating kasi si Kathlyn para tulongan akong bumili ng isusuot ko mamaya.
Yeah. Mamaya na yung party dun sa mansyon nina Patricia. Oo na. Sila na may mansyon. Tss!
So ito na nga, habang wala pa naman siya, abala muna ako sa panonood ng TV. Sa Myx. At di pa ko naliligo. Haha! Mamaya na ko maliligo pag dumating na si Kath.
Di pa naman ako na bobored dahil yung mga MV na pinapakita sa Myx ay puro mga idolo ko.
Napa sigaw ako ng biglang ma play yung Best Song Ever ng One Direction.
"Jusko! Nakaka gulat naman tong si Zayn Malik. Kala mo di mang iiwan." Naiiling kong sabi habang nakaturo yung isa kong daliri kay Zayn.
Agad akong napahinto sa pangsesermon ko kay Zayn kung bakit siya umalis sa 1D ng biglang may mag doorbell.
Wala si Mama at Papa. Si Papa kasi nasa work. Si Mama naman nasa spa yun ngayon. Oops! Don't get me wrong. Company yun ng mga magulang ni Mama. Siya lang muna nag aasikaso dahil nasa ibang bansa sina Lolo at Lola.
So ito na nga, lumabas na ko para pag buksan kung sino man tong panira ng moments ko.
Halos kumunot ng sobra ang noo ko ng makita ko yung tatlong to.
"At ano naman ang ginagawa niyo dito?" Taka kong tanong.
Ngumiti si Troye saka ako inakbayan.
Hala? Nakukuryente ako.
"Na bored kasi kami sa bahay nina Reid. Pwede bang makikain dito?" Inalis niya agad ang naka akbay niyang kamay ng bigla ko siyang tingnan.
"Wala kaming pagkain dito. Wala si Mama. Tsaka ang aga niyo naman atang mag lakwatsya?" Natawa naman si Reid saka ginulo ang buhok ko saka siya naman tong umakbay sakin.
"Maaga talaga kaming nagigising tuwing sabado. Nag ggym kami diba?" Napa tango na lang ako.
"Oh ano Timmy? Wala ka bang balak papasokin kami?" Medyo naiinip ng sabi ni Troye.
"Sige na nga." Pinapasok ko na sila dahil wala akong balak mag stay sa labas. Ang init kaya.
Agad silang dumiretsyo sa sala. Napa simangot na lang ako ng ilipat nila sa NBA yung channel.
"Hoy Timmy! Pagkain naman jan oh." Sinamaan ko ng tingin si Lucas.
"Wala nga kaming pagkain! Walang niluto si Mama dahil alam niyang aalis ako.".
Gulat namang napa lingon sakin si Reid at Troye sakin."Aalis ka? Ngayon?" Kunot noong tanong ni Troye.
"Oo. Bibili kasi kami ni Kathlyn ng isusuot ko mamaya. Tsaka kayo! Bakit di kayo nag reready para mamaya?" Seryoso ako samantalang sila tinawanan lang ako.
"Tim. Kahit di na kami mag ready, titilian parin kami ng mga girls." Napa roll eyes na lang ako sa sinabi ni Lucas.
"O sige. Sabi mo eh."
"Talaga bang walang pagkain dito?" Tanong ni Troye saka nag tungk sa kusina. Sumunod naman ako baka kasi mag nakaw pa siya. Hahaha! Joke lang.
"Meron namang mga pwedeng lutoin jan."
Binuksan niya ang ref namin saka napa tango.
"Wala daw pagkain. Ang dami kayang laman ng ref niyo." Napa tampal na lang ako sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...