TIMMY ALLISON POV
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock na nasa side table nitong kama ni Troye--------
O_____O
WAAAHH!
Naramdaman kong gumalaw yung braso ni Troye na naka yakap sa akin. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Gusto kong sumigaw o tumili sa sobrang kilig pero ganun rin agad ang hiya ko nang maalala ko yung nangyari kagabi. Waaahh! Nakakadalawa na kami. Baka mamaya niyan mabuntis na ko. -___-
Napa-angat ako ng tingin sa orasan na nasa side table.
6:35 am
Maaga pa naman.
Napapikit muna ako bago ko dahan-dahang inalis yung braso ni Troye sa bewang ko saka dali-daling humarap sa kanya.
Napangiti agad ako ng makita kong ang gwapo-gwapo pa rin niya kahit sobrang gulo na ng buhok niya. Mukha siyang napaka inosente kung tulog. Pero sa reality, hindi rin makapagpigil. (You know what I mean) Haha.
Hinaplos ko ang napaka kinis niyang pisngi ng bigla siyang gumalaw kaya bigla kong naramdaman yung 'ano niya sa pagitan ko.
Agad kumalabog ang puso ko saka dali-daling napatingin sa sarili ko.
WAAAHH! Im still naked. I mean we.
"Mmm......" Mahinang daing ni Troye saka mas lalong dumikit sa akin at isinisik pa talaga ang kanyang mukha sa bandang leeg ko.
Waaahh. Ang init ng hininga niya.
Tatapikin ko na sana si Troye para gisingin siya ng bigla kong maramdaman ang kanyang labi na pinapaulanan na ng halik ang leeg ko na automatic na nagpapikit sa akin.
"Mmm~~~~~~" Automatic akong napadilat at mahinang tinulak si Troye.
Kunot noo niya kong tinitigan na ikinangiwi ko naman.
Napa-upo ako saka napasandal sa headboard.
"Baby, please." Nagsusumamong aniya saka muling lumapit sa akin. Muli niyang iniyakap sa bewang ko ang braso niya.
Natawa ako saka ko sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
"Kailangan ko nang umuwi. Baka mamaya dumating na sina Papa. Mag ready ka na rin papasok. Anong oras na oh." Napa-ayos siya ng upo saka pinag-isa ang mga kamay namin.
"Parang ayoko nang pumasok. Mas gusto ko na lang dito sa tabi mo." Aniya saka sumimangot pa. Waaahh! Ang cute ng baby ko.
"Troye naman eh. Kailangan mong pumasok."
"How 'bout you? Di ka papasok?" Kunot noo niyang tanong.
"Wala akong pasok ngayon. Pero pupunta pa rin ako mamaya sa university para mag report kung bakit di ako naka attend ng acquaintance party kagabi."
Napasimangot na naman siya dahilan para mapangiti ako. Ang gwapo talaga ng taong to. ^__^
"Natatakot ako na umalis ka sa tabi ko. Baka kasi matagalan na naman bago ulit tayo magkita." Malungkot niyang sabi saka mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Hindi ko na kayang malayo ka pa ulit sa'kin." Aniya na punong-puno ng pagka sincere.
Hinaplos ko ang pisngi niya saka ko siya binigyan ng smack kiss sa labi.
"Ako rin. Hindi ko na kayang magkalayo pa tayo ulit. Susubokan kung kausapin mamaya sina Papa tungkol sa'tin. Kung pwede na ba tayo ulit." Napatango at napangiti siya saka niya ko hinalikan sa noo.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...