Chapter 24: Debutant's gown's.

12.9K 394 12
                                    

[TIMMY ALLISON POV]

Ang bilis lumipas ng oras at araw. Sabado na ngayon at andito kami ngayon nina Troye sa isang sikat na clothing company upang samahan akong magpa gawa ng gown na gagamitin ko kuno para sa debut ko. Nagtaka nga ako kung bakit ngayon pa lang nilang na isipan na pagawan ako ng gown eh sa Martes na yung debut ko. Pero sabi naman ni Mama na magagaling at mabilis daw gumawa ang mga designer ng kompanyang to. At dahil VIP daw ang pamilya namin, mismong ang may-ari pa talaga ang mag de'design sa gown ko. Yun ata si Diana Lambert. Sikat ang mga disenyo niya pag dating sa damit, shoes at bags. Tinitingala talaga ang pamilya nila. Lalo pa't napaka galing din na business man ng kanyang asawa. Bukod sa Pilipinas, sikat rin ang mga Lambert sa iba't-ibang panig ng mundo. Minsan gumagawa rin sila ng fashion show para sa mga bago nilang design.

"Nga pala? Alam niyo bang sobrang ganda nung anak nyang si Ms. Diana Lambert?!" Si Lucas habang busy sa kakatitig sa hawak niyang magazine.

Hmm. Oo tama kayo. Andito rin si Kath at Reid. Sabi kasi ni Mama na binayaran na daw nina Grandma ang lahat para sa aming lima. Kilala na kasi nina Grandma sina Reid at Troye dahil matagal nang magkaka ibigan sila nina Lucas. Kilala din naman nina Grandma si Kath dahil alam nilang si Kath lang naman ang kaibigan ko sa tanang buhay ko. Haha!

"Bakit? Nakita mo ba?" Pasaring na tanong nitong si Reid.

"Oo. Minsan na kayang na padpad yun sa resto natin. Maganda na, mabait pa." Humahangang sagot ni Lucas.

"Paano mo naman nalaman na anak siya ni Ms. Diana?" Ako na mismo ang nag tanong dahil na curious na rin ako.

"Nung na lasing kasi siya sinundo siya nung dalawa nyang kapatid na lalaki. Na galit nga ang mga yun sa bartender natin dahil bakit daw binigyan yun ng alak eh minor di edad pa lang yun. Tsaka sabi niya pa "HOY KAYO! ALAM NIYO BANG LAMBERT ANG BABAENG TO! PAG ITO LUMABAS SA MEDIA NA NAG LASING SIYA, IDEDEMANDA KO KAYO." Lahat kami na tawa sa sinabi ni Lucas dahil in'act niya pa talaga kung paano kuno na galit yung mga lalaki sa kanya. Haha!

"Marami namang Lambert sa Pilipinas. Paano ka nakaka siguro na anak yun ni Ms. Diana?" Agad akong napa lingon kay Troye.  Hmm! Tama rin naman ang tanong niya.

"Pinakita kasi sa amin yung ID nung babae. At dahil kilala niyo naman ako, pag maganda, hindi ko pinapalampas. Hahaha! So ayun, sinearch ko sa facebook ang pangalan niya at BOOM! Anak nga siya ng may-ari ng Lambert Corporation. Sayang yun."

"Paano naging sayang yun?" Na gulat kami ng biglang sumabat si Kath. Kanina pa kasi yan tahimik.

"Hindi na kasi bumalik yun sa resto. Naka private naman yung real account niya. Tss! Celebrity nga naman."

"Ibig lang sabihin nun, hindi talaga siya ang para sayo. Hehe!" Ewan ko ba kung saan ko nakuha yung sinabi ko. Hahaha!

"Sus." Pag angal ni Lucas na ikinatawa naming lahat.

Muli kaming na tahimik. Natuon kasi muli ang kanilang atensyon sa mga magazine na naka kalat na ngayon sa table. Andito kasi kami ngayon sa VIP waiting room. May inaayos lang daw saglit si Ms. Diana kaya mag hintay muna daw kami saglit dito.

"Hey." Halos mapatalon naman ako sa gulat ng kalabitin ako ni Troye.

Parang na kuryente ako.

"B-bakit?"

"Choose black color for your gown."

Naka ngiti niyang sabi na nagpa talbog na naman ng bongga sa puso kong pansamantalng nanahimik matapos ang sinabi niya sakin nung isang araw na Im still pretty pa rin kuno.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon