Chapter 57: Batangas Escapade [Part 4]

11K 326 205
                                    

A/N: Hindi ko po talaga alam kung magugustohan niyo ang chapter na to.😑 Nawala na lang kasi bigla yung una kong sinulat. Sayang yun. Mas okay pa naman yun kaysa dito. 😭 Anyway, nahirapan po akong isulat yung Chapter 58. Hahaha! Kaya muli akong mag de'demand sa inyo. 100 reads. 30 votes. 100 comments. For next update. (Nag upgrade.XD) Hindi po counted ang mga comments na wala namang kinalaman sa story o sa chapter. Hahaha!




____

[TIMMY ALLISON POV]


Sabi nila, pag sumuko ka raw, mahina ka. Pero minsan, ang pagsuko rin ang pinaka matapang na desisyong iyong gagawin.


Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang malamig na tubig na nagmumula sa mga alon.

Napa atras ako ng konti. Kahit sobrang broken hearted ako, wala naman akong balak magpakamatay no.

Muling tumulo ang aking luha ng maalala ko yung kinanta ni Troye kanina na kinanta niya rin noon sa resto. Hindi ko nga alam kung natapos niya ba o ano basta hindi na ko nag tagal dun. Sobrang sakit lang kasi na makita yung mga kakaibang titig ni Troye kay Chanelle. Yung titig na para bang si Chanelle talaga yung mahal na mahal niya. Baka nga.

Napatingala ako sa langit habang hawak-hawak ko yung kwintas na binigay sakin ni Troye.

"Akala ko nawala ka na talaga. Sa kwarto lang pala kita makikita." Kung may nakakakita lang siguro sakin ngayon baka isipin nilang baliw ako. Makakita ka ba naman nang babaeng nagsasalita mag-isa.

Akala ko nga talaga nawala ko na tong kwintas na iniregalo sa akin ni Troye. Sobrang kaba kaya ang naramdaman ko kanina.

Napalinga-linga ako sa paligid at dun ko lang naramdaman ang takot at kaba ng ma'realize kong mag-isa lang pala ako sa parteng to ng resort. Halos hindi ko na nga marinig ang mga masasayang music sa music fest. Halos kaunti lang din ang napapadaan sa part na to.

"Paano ba ko napunta dito?" Muli kong tanong sa sarili ko.

Pahakbang na sana ako ng biglang------

"Ouch!" Napa upo agad ako sa sobrang sakit.

Aray! Ano ba yung naapakan ko? Ang sakit ha.

Agad kong tiningnan ang paa ko kung may sugat ba o dugo pero wala naman. Namumula lang ito.

At habang hinihimas ko ang paa kong nanakit, sumasabay rin ang pag patak ng mga luha ko.

"Huhuhu. Bakit ba ako na lang palagi? Bakit ako na lang palagi yung nasasaktan? Sobrang sakit na." Halos humikbi na ko. Binuhos ko na talaga ang lahat ng luha ko para mamaya or bukas, konti na lang.

"Ang sakit sakit na---"


"Nang paa mo o ang mag mahal sa taong napaka manhid?"

Para bang nakikipag karera ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito ng marinig ko ang boses mula sa likuran ko.







"Baby......"







Halos tumigil sandali ang mundo ko sa sinabi niyang yun. Halos wala akong marinig kundi ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na to.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at ganun na lang ang paghagulgol ko ng makita ko si Troye na nakangiti sakin at puno ng luha ang kanyang mga mata.

"T-troye........"


"Akala ko di na kita makikita. Akala ko iniwan mo na ako. Natakot ako. Sobrang takot ko na baka umalis ka na dahil sa mga ginagawa ko." Lumapit siya sakin at patuloy parin ang kanyang mga luha sa pag-agos mula sa kanyang mapupungay na mga mata.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon