Chapter 37: Guidance

9.3K 304 56
                                    

[KATHLYN POV]

Omg! Buti naman at nagkaroon din ako ng sarili kong point of view. Hahaha!

Anyway, papunta kami ngayon ni Lucas sa clinic, habang buhat-buhat niya pa rin tong si Timmy. Ito naman kasing si Tim, pipigil na lang samin ang hinahina pa. Haha.

"Naku. Anong nangyari jan?" Gulat na tanong agad sa amin ni Ateng Nurse ng maka pasok kami sa clinic.

"Na untog po sa mesa. Kaya ayan, baka mamaya magka amnesia pa yan." Natawa naman si Ateng Nurse saka inasikaso si Timmy ng maihega ito ni Lucas sa kama.

"What exactly happened? Bakit ka ba nakipag away dun ha?" Napa taas naman ang kaliwang kilay ko sa sinabi ni Lucas.

Parang sa pagkakaintindi ko kasi sa sinabi niya parang ako yung sinisisi niya sa nangyari kay Tim.


"Ano? Hindi ka ba mag papaliwanag?"


Automatic akong natawa ng sarcastic sa sinabi nitong si Lucas.

"Bakit naman ako mag papaliwanag sayo ha?"


"Dahil gusto kong malaman kung bakit nagka-ganyan na yang uniform ni Timmy."

Na bigla naman ako ng tumaas yung tono ng boses niya. Halatang na iinis siya.

"Eh ano pa nga ba? Binully na naman siya. Pero sa ngayon, hindi na si Patricia yung nambully sa kanya. Yung Jennelyn na na mukhang dumpsite na yun. Jusko! Makakalbo ko talaga yun kung hindi lang nahimatay tong si Timmy."


Mag sasalita pa sana si Lucas ng biglang kumalabog ang itong pinto ng clinic ng bumukas ito.


"Oh. Troye. Kalma lang." Sita ni Ateng Nurse kay Troye pero hindi ito pinansin ni Troye saka lumapit agad kay Timmy.


"How is she? Do we need to take her in the hospital?" Kalmado pero may halong galit at pag-aalala sa boses ni Troye.



"H-hindi na Troye. Gigising rin naman na siya siguro mamaya."


Hindi ko magawang sumagot ng pabalang sa kanya ngayon dahil ito ang unang pagkakataon na nakita ko kung gaano kagalit ang hitsyura niya kanina ng makita niyang wala nang malay si Timmy.


"Damn it. Muntik na kong makasapak ng babae kanina. Tangina!" Napa ngiwi naman ako sa malulutong na mura nitong si Troye.

Kung gising lang siguro tong si Tim malamang hindi makakapag'mura tong si Troye. Alam niya kasing ayaw ni Timmy na nagmumura siya o kahit sino samin.


"Wala bang extrang damit tong si Timmy? Hindi naman kasi pwedeng hindi siya mag bihis no. Tingnan niyo nga, ang dum-dumi ng uniform niya. Nangangamoy na rin." Agad naman akong tiningnan ni Troye na para bang sinasabi niya na ako ang may pananagutan kaya kumuha ako ng damit.


"Ahhmm....sa pagkaka-alam ko nasa locker ni Timmy yung P.E. uniform niya. Kukunin ko ba?" Nag aalangan kong tanong.


"Try mong nakawin." Sarcastic namang sabat nitong si Lucas.

"H-hoy! Anong akala mo sakin? Mag-nanakaw ng P.E. unifo--"

"Tss. Go on. Get her P.E. uniform. Dalian mo. Natutuyo na yung mga mantsa oh." Iritang sabat naman nitong si Troye.



Ay jusko! Pasalamat talaga tong mga to at gagawin ko lahat ng iuutos nila para sa bestfriend kong naging si sleeping beauty pansamantala. Hahaha.


Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon