Chapter 42: Meet Walden Family

10.6K 324 55
                                    

[TIMMY ALLISON POV]

Na gising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.

Napatingin agad ako sa mini clock na nasa side table.

8:23 am

WAAAHH! 8 am na pala? Ay oo nga pala. Sembreak na namin kaya okay lang kung magising ako ng ganitong oras.

At dahil nawala na rin naman ang antok ko, tumayo na ko para makapag ayos ng sarili. Bigla na lang rin akong na gutom.

Napatigil naman ako ng humarap ako sa salamin.

Biglang nag flashback lahat ng nangyari kagabi.

"Kaya pala pakiramdam ko pagod na pagod ako." Bigla ko na lang nasabi habang tinitingnan ko pa rin ang sarili ko sa salamin.

Napasimangot ako ng mapansin kong medyo mapula-pula pa rin yung magkabila kong pisnge.

"Tss. Grabe naman kasi kong sumampal si Jennelyn. Kala mo ang laki-laki ng  kasalan ko sa kanya." Muli akong napasimangot.

Ako ang sinisisi niya kung bakit hindi siya mapansin ni Troye? At kung bakit siya tinakwil?

Nababaliw na talaga siya. Anong kinalaman ko sa mga dahilan niyang yan. Kung hindi siya mapansin ni Troye, hindi ko kasalan yun. Hindi ako si Troye. Hindi ko hawak ang desisyon ni Troye. Kung ayaw niyang mamansin sa iba, edi maganda. Kung gusto naman, edi mas maganda. At yung tinakwil siya? Bakit? Ako ba nagpa layas sa kanya? Sinabi ko lang kina Sir Renato ang totoo ako na sinisi niya. Siya nga hindi ko sinisi sa ginawa niya sakin eh. Hayys.

At dahil na i'stress lang ako kakaisip kay Jennelyn, nag desisyon na kong bumaba dahil na gugutom na talaga ako.

Agad akong napayuko ng makita ko si Mama't Papa na nag bre'breakfast.

Eh? Nakita na kaya nila ang pisnge ko? Alam na kaya nila yung nangyari?


"G-good morning po." Bati ko sa kanila ng maka upo agad ako.


"Good morning princess. Kumusta ang tulog mo? May masakit ba sayo?" Automatic akong napa angat ng tingin sa sinabi ni Mama.

"P-po?"

"Hayyss. Dalawang beses ka nang muntik mapahamak. Buti na lang at laging anjan si Troye para iligtas ka."

Napa lunok naman ako sa sinabi ni Papa.

Eh? So alam na nila?


"A-ahmm......"

"It's okay. Pinaliwanag na kagabi samin ni Troye ang lahat. Basta sa susunod, tawagan niyo na kami kung may ganung insidente ha?! Masyado mo kaming pinag-alala kagabi. Sobrang namumula pa yang mga pisnge mo kagabi."


Gusto kong maiyak ng maalala ko yung nangyari kagabi. Nung time na dumating sina Troye. Pero nakakapagtaka pa rin kung bakit ang galing niyang makipag bakbakan. At kung sino yung limang lalaki na kasama nila.

"Kumain ka na." Doon lang ulit bumalik ang ulirat ko ng mag salita si Papa.

"Ma? Pa? Sorry po talaga sa nangyari." Muli akong napayuko.

Doon lang ako napa angat ng tingin ng haplosin ni Mama ang buhok ko.

"Wala kang kasalanan kaya wag kang mag sorry. Wag mo nang isipin yun. Baka mamaya magka trauma ka pa. Sige na, kumain ka na at may lakad ka pa mamaya."

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon