Chapter 35: Gulo

9.9K 309 68
                                    

[TIMMY ALLISON POV]

"Hoy Tim! Hinay-hinay lang naman. Baka mamaya mabulunan ka pa jan no."

Napa tango lang ako kay Kathlyn habang kain parin ako ng kain.

Well, andito kaming dalawa ngayon ni Kath sa canteen. May pag uusapan lang daw kasi yung tatlo (Troye, Reid and Lucas) kaya pina una na lang kaming dalawa ni Kath pumunta dito sa canteen. At syempre, dahil kanina pa ko na gugutom, hindi na ko komontra pa.

At isa pa, medyo di pa rin ako maka get over sa nangyari kaninang umaga sa kotse ni Troye. Eh. Enebe. Wag na nga nating pag usapan yun. Hahaha!

"Sa tingin mo Kath? Ano kayang pag-uusapan nung tatlo?" Bigla kong tanong ng matapos kong inumin yung C2.

"Malay ko. Hindi ko naman ka close yung mga yun." Walang gana niyang sagot.

"Grabe ha. Halos mag kakasama nga tayong lima eh."

"Eh sa hindi ko naman talaga sila ka close eh. Naman Tim oh! Hindi porket minsan mong nakakasama ang isang tao eh ka close mo na."

"Okay. Okay. Grabe naman to. Nag tatanong lang naman ako." Napasimangot naman ako.

"Kaloka ka kasi Tim. Sa dami ng pwede mong itanong yun pa talaga? Eh malay ko sa takbo ng isip ng mga yun no." Parang na uubos na yung pasensya niya habang sinasabi niya yun kaya natawa ako.

"Hahaha oo nga no?! Sige na. Iba na lang itatanong ko." Tumaas naman ang kaliwang kilay niya.

"At ano na naman yun?"

"Sino palang nanalo sa Game 2? GSW o CAVS?" Excited kong tanong habang siya naman ay napa tampal sa sarili niyang noo.

"Seryoso Tim? Ako pa talaga tinanong mo nyan eh hindi nga ako maka relate jan. Halos yan na nga laman ng newsfeed ko eh." Pareklamo niyang sagot.

"Aw. Manood ka kasi minsan ng NBA para maka relate ka naman." Natatawa kong sabi sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"Ayoko nga. Mas okay pa yung K-Drama panoorin no." Proud niyang sabi.

"Anong K-Drama?" Taka kong tanong.

"Aish. Koreanovela yun Tim. Yung katulad ng mga Goblin, The Legend Of The Blue Sea, at Hwarang. Yun. Yun ang K-Drama."

Napa tango naman ako. "Ay? Hollywood kasi madalas kong pinapanood eh."

"Try mong manood ng K-Drama. Ang gaganda kaya ng mga story sa K-Drama, compare sa mga story sa teleserye dito satin na palagi na lang kidnap, kabit, nawalan ng anak at kung anu-ano pa." Natawa naman ako sa expression ng mukha niya habang sinasabi yung word na 'Kabit'. Hahaha!

"Oy. Iba naman yung Ang Probinsyano no. Walang kabit-kabit yun."

"Sus. Di ka pa ba nag sasawa dun Tim? Halos dalawang taon na yun pero buhay pa rin si Cardo. My gosh!"

"Syempre. Siya kaya yung bida. Tsaka ano pang silbi nun kung mamatay si Cardo diba?!"

Napa isip naman siya saka tumango-tango.

"Aish. Ano ba tong topic natin. Anyway, maiba nga ako. So? Wala kang sinalihang club?"

Nailing naman ako.

"Hmm. Wala naman kasi akong hilig sumali sa mga clubs na yan." Bigla akong napa simangot. Ang totoo niyan, gustohin ko mang sumali hindi rin natutuloy. Bukod sa di ko alam kung anong club ang sasalihan ko, nawawalan din ako ng lakas ng loob sumali.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon