Chapter 65: 3 months After

10K 296 44
                                    

A/N: Sorry po at ngayon lang ulit ako naka pag update. Yung sipon at ubo ko po kasing dinadamdam ay lumala. Naging trangkaso siya. So ayun na nga, dahil sa epekto ng trangkaso, malamang magulo tong chapter na to. Please! Wag kayong magalit sa'kin ha. Hahaha! Basta, don't expect too much in this chapter. Hindi siya maganda alam ko, pero pinaghirapan ko to. (Oo promise. Hahaha)








➖ ➖ ➖ ➖ ➖ ➖ ➖

[TROYE POV]


Halos tatlong buwan na rin ang lumipas matapos ang insidenteng yun. At hanggang ngayon, sariwa parin samin ang lahat.

"Bro, dadalaw ka ba mamaya?" Aniya Reid na kararating lang.

Ngapala, nagsimula na ang buhay college namin kaya sobrang hectic ng schedule namin. Minsan na nga lang kong magkakasama kami nina Lucas ngayon. Samantala, si Reid naman ang madalas kong makasama sa kanilang lahat dahil parehas kami ng kursong kinuha kaya ka blockmate ko siya.

"Hindi muna siguro. May kailangan akong gawing proyekto sa isa sa mga minor class ko at bukas na ang deadline nun." Sobrang nakakapagod rin palang maging isang college student. -__-

"Ako nga rin eh. Baka di muna ako maka dalaw ngayon." Aniya't umupo na sa pwesto niya.

Napa buntong hininga na lang ako saka napayuko sa armchair nitong upuan ko.

Mahigit tatlong buwan ko na rin siyang hindi nakakausap, nakikita, at nakakasama. Tanginang buhay to! Gusto kong magpakalunod sa kalungkutan nung mga oras na yun nang inilayo na siya sa'kin. Pero kung gagawin ko yun, baka tuluyan na nga silang mawalan ng tiwala at baka tuluyan na nga nilang ilayo sa'kin si Timmy. Yes! She's alive. Pero parang namatay na rin siya dahil hindi ko na siya makausap at makita. Nagalit ang Papa ni Timmy sa nangyari sa sa kanilang anak. Natural. Sino bang hindi magagalit sa nangyari? Kaya ganun ang nangyari kay Timmy dahil sa'kin at kay Sovereign. Dahil sa lintek na galit nila samin. Hindi ko alam kung saan napadpad sina Marian at tanginang Ivan na yun. Basta hindi na ulit sila nagpakita samin. Dapat lang talaga. Dahil nung mga oras na lugmok na lugmok ako, gustong-gusto kong silang patayin lahat sa ginawa nila kay Timmy.

Akala ko, nawala na talaga siya sakin nung mga oras na yun. Tanginang doktor kasi eh. Maling pasyente naman pala ang tinutukoy na patay na. Akala niya daw kasi kami yung kamag-anak nung namatay na pasyente dahil sa car accident. Doon lang namin nalaman na hindi pala si Timmy yung tinutukoy nung doktor nung may isa pang doktor na lumabas mula sa emergency room at sinabi samin na siya daw ang gumamot kay Timmy. At dahil wala daw kami nung matapos siyang operahan, ipinasok na lang daw nila si Timmy sa isa sa mga rooms sa ospital. Malamang yung tinutukoy ni Doktora nun na wala kami eh yung nasa chapel kaming lahat. At laking pasalamat ko nung makita kong okay nga ang kalagayan ni Timmy.

Pero nung mga oras na yun, yung tuwang nararamdaman ko dahil nalaman kong buhay nga talaga siya, bigla ring naglaho nung dumating na sina Tito. (Papa ni Timmy) Naging tahimik lang sila nung una. Ramdam na ramdam ko ang cold treatment nila sa akin. Hanggang sa nung nagising na si Timmy. Kahit sobrang nag-aalala si Tito sa kalagayan ng kanyang anak, hindi niya parin naiwasang hindi magalit. Hanggang sa nag desisyon sila nina Mommy na pag hiwalayin muna kami. Oo. Muna. Pansamantala. Para daw sa ikabubuti rin namin yun. Hindi ko alam kung paano naging mabuti para samin ang paghiwalayin muna. Sabi nila masyado pa daw kaming bata para isakripisyo namin ang mga buhay namin para sa isa't-isa.

Naki-usap naman sina Grandpa at Grandma (Lolo't Lola ni Timmy) sakin na hayaan ko muna daw ang gusto ng mga magulang namin. Masyado lang daw silang nag-aalala sa amin kaya ganun ang gusto nilang mangyari. At kahit ayaw ko at ni Timmy na sundin namin ang mga magulang namin, wala din kaming nagawa nung araw na yun. Ayaw naming saktan ang mga magulang namin kaya wala kaming choice kundi ang sundin na lang ang gusto nila. Wala kaming naging maayos na pag-uusap ni Timmy. Simula kasi nung dumating sina Tito dun sa ospital, hindi na nila iniiwan si Timmy. Salinan sila ni Tita. Maski sina Kathlyn at Lucas hindi na rin nila muna hinayaan na makalapit nung mga oras na yun kay Timmy. Natatakot kasi sina Tita na baka maging trauma 'iyon kay Timmy kaya napag desisyonan nilang ilayo muna si Timmy samin pansamantala.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon