Chapter 55: Batangas Escapade [Part 2]

9.1K 291 168
                                    

A/N: Dahil na achieve ng story na to ang rank na #33 sa Teen Fiction, wala lang. Ang saya-saya ko lang. Hahaha❤

[TIMMY ALLISON POV]

Kanina pa ko kinakabahan sa di ko malamang dahilan. Para bang may masamang mangyayari. Hays.

"Uy Tim? Ano na? Tulala na lang forever?" Aniya Kathlyn na mukhang excited na excited na sa pupuntahan kuno namin.

"Wala kayang forever." Natatawa ko namang sabi na ikina-ngisi ni Patricia saka lumapit sakin.

"Aba. Bitter ka na ngayon ah. Porket di ka maalala ng boyfriend mo." Sarcastic na komento ni Patricia na ikina tawa naman ni Kathlyn.

Teka nga? Close na ba silang dalawa para pag tawanan ako?

"H-hoy. Hindi ako bitter no."

"Yeah right. Anyway, asan na ba yang Chanelle na yan? Pa VIP masya---"

"Im here. Nothing to say anymore." Biglang sulpot ni Chanelle na naka ngiti pang lumingon kay Patricia bago lumapit sakin.

"Tss. Ang tagal mo naman. Kala ko nanigas ka na sa banyo."

Natawa naman kami sa sinabi ni Patricia na ikina-taas naman ng kaliwang kilay niya.

"May nakakatawa ba? Wala naman diba? Tara na nga." Pikong sabi ni Patricia saka nauna nang mag lakad.

Muli kaming natawa nina Chanelle at Kathlyn bago sinundan si Patricia.

Napag desisyonan naminng lahat kanina nung natapos kaming kumain na mag bo'bonding muna kuno kaming mga girls bago kami pumunta mamaya sa music fest. Ahm? Sabi kasi ni Reid may music fest daw na ginaganap tuwing gabi dito sa resort nila. At so ayun nga, nag bonding rin ang mga boys.

Hindi ko alam kung anong klaseng bonding ang gagawin nila o kung anong trip nilang gawin. Basta kami? Ahm? Ewan ko rin dito sa kanila. Basta sumama na lang din ako kahit hindi ko pa alam kung anong mga gagawin namin ngayong araw to.

Hmm. Okay na rin daw to na maghiwa-hiwalay muna kami sandali para hindi masyadong mahalata ni Troye ang mga kinikilos nina Harvey at Chanelle. At pati na rin tong si Patricia na hindi talaga maawat ang kadaldalan minsan. Sobrang kinabahan kaya ako kanina nung sinabi ni Troye na may tinatago kami sa kanya. At lalo na daw ako. Hayss. Kung hindi lang talaga makasasama sa kalagayan ni Troye, sasabihin ko na lang sa kanya ang totoo. Pero hindi pwede, lalo pa't napapadalas ang pananakit ng kanyang ulo. Hindi pwede. Tiis-tiis muna. Alam kong malapit niya na rin akong maalala. Nararamdaman ko yun.

At dahil maaga pa naman at mukhang nasa
10 am palang naman, napag desisyonan naming apat na mag libot-libot muna hanggang sa matunaw yung mga kinain namin at para ma try namin yung zipline kuno. At grabe, ang taas nitong inabot naming puntahan. Pero sabi nung nag guide samin patungo dito sa may taas may mas mataas pa daw na area dito sa resort nina Reid. Pero syempre, hindi muna namin pupuntahan yun ngayon. Nasabi kasi samin kanina ni Reid ang unang activity daw na gagawin naming magkakasama bukas ay hiking. So? Sa tingin ko dun ang punta namin bukas, dun sa sinasabi samin ni Kuyang nag guide paakyat samin dito. Sa mas mataas na area.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon