A/N: Karugtong lang ang chapter na to sa last update ko. Pasensya na po kung short update lang to. Ang dami ko kasing ginagawa. Hahaha! So ito na. Enjoy😊
Btw, I Dedicate this chapter to shallianic123. Palagi kasi siyang nag co'comment every updates ko. Thankyou Sha.😚
.
.
※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※
[KATHLYN POV]
"Ugh! Im sorry po Sir' but, may I ask for question?"
Gulat kaming napa lingon sa nagsalita.
Eh? Bakit andito rin siya?
Involved din kaya siya sa nangyari kanina?
"What is that Miss Ramirez?" Kunot noong tanong sa kanya ni Sir Renato.
"I really don't know po kasi kung bakit ako nasali sa usapang to eh lahat naman po ng sinasabi niyo o ang topic niyo ay hindi ko naman ma gets."
Nag pigil naman ako ng tawa baka mamaya itong si Patricia naman ang manabunot sakin no. Hahaha! Kasi naman. Nakakapag'taka nga talaga kung bakit siya andito eh hindi ko naman to nakita kanina sa canteen.
"So you mean hindi ka involved sa gulong nangyari kanina sa canteen----"
"Of course' Sir. Hindi ko nga alam kung sino ba yung walang modong hinila na lang ako papasok dito. Kainis! Nagugutom pa naman ako."
Halata naman sa expression ng mukha niya na gutom talaga ito dahil sobra kung ngumuso. Hahaha.
"Sandali nga." Pag singit naman ni Troye kaya na punta na naman sa kanya ang tingin ng lahat. "Hindi porket nandito kami ngayon eh involved na rin kaming lahat sa gulong nangyari kanina. I just want to remind you' Sir na ang girlfriend ko po ang biktima sa gulong nangyari kanina. Andun pa rin po siya ngayon sa clinic at wala pa ring malay. That's why Im here. I want to take the responsibility to punish Miss Chua dahil sa ginawa niyang pag tulak sa girlfriend ko."
Wooahh. Nakakapanibago talaga tong si Troye ngayon ha. Infainess, from manhid na boyfriend to super duper protective and caring boyfriend na ha. I salute him.
At itong si Jennelyn naman oh. Pag si Troye yung nag sasalita hindi kumukontra. Hayp ah.
"Okay. Ganito na lang. Kakausapin muna namin si Ms. Beckham bago gumawa ng action. Nasa clinic pa rin ba siya?" Agad naman akong napatango sa tanong ni Sir Renato.
"Okay. Sa ngayon, lahat ng involved sa gulong nangyari kanina sa canteen ay kinakailangang mag stay hanggang 5 pm. Pag matapos naming kausapin si Ms. Beckham, doon niyo lang malalaman kung anong kaparusahan ang matatanggap niyo sa gulong ginawa niyo." Paliwanag ni Sir Renato saka lumingon ng seryoso kay Troye.
"Mr. Walden. Sinabi mong hindi ka involved sa gulong nangyari kanina pero may nakapag sabi sa akin na may nasira kang mesa at upuan sa canteen. Kinakailangan mong---'
"I'll pay for it." Pag putol na naman ni Troye sa sinasabi ni Sir Renato.
"Hindi yun Mr. Walden. Ahm, kailangan mo ring makatanggap ng kaparusahan sa nagawa mo. Property ng school ang sinira mo kaya dapat lang na maparusahan ka rin."
Nag igting naman ang panga ni Troye saka matalim na tumingin kay Sir Renato.
"Property ng school o property ng Daddy ko? Ohh. I remember, 50% shares pala ang meron ang Daddy ko sa school na to. At karamihan naman ng mga donations ay galing sa mga Sandoval. Hindi ba Lucas?" Lumingon pa talaga itong si Troye kay Lucas.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...