Chapter 67: Apartment ni Troye

12.9K 322 126
                                    

Warning: SPG!

_

TIMMY ALLISON POV

Hindi ko talaga alam kung tama ba tong desisyon kong sumama kay Troye. Hindi naman sa nagsisisi ako no. Pero kasi eh. Parang sinuway ko na rin sina Mama nito. Tsaka malamang, nagsisimula na rin ngayong gabi yung acquaintance party.

"Hey. You alright? We're here." Aniya Troye na siyang ikina balik ko sa realidad.

"Ahh. Oo." Sagot ko saka ngumiti sa kanya.

Agad kong binuksan ang payong ko nang pareho kaming makababa sa taxi.

Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng kanyang apartment. Hmm. Maganda siya ah. Hindi naman siya kalakihan pero hindi rin siya kaliitan. Mas malaki siguro dito yung bahay namin ng konti. Basta. Malaki siya na maliit. Parang pang dalawahan lang kasi tong apartment niya.

Agad kaming pumasok sa loob dahil hanggang ngayon, sobrang lakas pa rin ng ulan. Ang totoo nga niyan, basang-basa na rin ako. Paano ba naman? Nasira yung payong ko kanina ng biglang lumakas ang hangin. Nakakahiya tuloy. -___- Buti na lang at naayos din naman siya.

"What do you think?" Aniya Troye ng tuluyan na nga kaming nakapasok sa apartment niya.

"Huh?"

"My place." Nakangiti niyang sabi saka nagtungo sa kusina.

"Ahh....." Muli kong pinasadahan ang buong paligid. Hmm. The theme is obviously masculine. Pati ang scent ng buong paligid masculine na masculine. "Ayos siya. Nakapagtataka lang at nakakaya mong tumira ditong mag-isa. Sa bagay, kung may bibisita nga naman sayong babae katulad nung kasama mo kanina, ay ayos lang talagang mag-isa ka." Hindi ko gustong maging sarcastic sa sinabi ko pero wala eh. Yun talaga ang kinalabasan.

"Tss. Sino si Chloe ba?" Aniya Troye na kagagaling lang sa kusina at may dala nang towel at sobrang nakangisi pa ngayon.

"Ahh. Chloe pala pangalan 'nun? Pangalan pa lang maganda na." Sarcastic ko na namang sabi saka automatic na napa-irap sa kanya.

Narinig kong natawa siya bago lumapit sa'kin saka nilahad yung dala niyang towel.

"Wala nang mas gaganda pa sa'yo' Timmy Allison. And don't worry, kayo pa lang ni Reid ang maswerteng nakapasok sa bahay ko." Nakangiti niyang sabi. Eh? Totoo ba yun? ^__^ "Maligo ka na sa taas. Dun' sa banyo sa kwarto ko. Dito na lang ako maliligo sa baba." Aniya saka hinalikan ako sa pisngi.

"Huh? Paano yun? Wala akong isusuot---"

"Just wear any t-shirts of mine. Wear my boxer shorts na rin. Don't worry, may mga boxer shorts pa naman ako na hindi ko pa nagagamit. Hanapin mo na lang." Nakangisi niyang sabi.

"But-----"

"No buts. Keysa naman matuyuan ka jan. Mas malala pa yun." Eh? Mukhang wala talaga akong choice.

"Hmm. Sige na nga." Agad akong tumakbo paakyat saka dali-daling pumasok sa kwarto ni Troye.

Halos mabaliw naman ako sa bangong bumungad agad sa'kin ng makapasok ako sa sobrang linis at ayos na kanyang kwarto.

Agad akong nagtungo sa kanyang closet at agad na naghanap ng masusuot. At dahil dala na rin siguro ng panahon, yung hoodie ni Troye na naka hanger yung kinuha ko. Ayoko ngang mag T-shirt. Sobrang lamig kaya. Sunod kong hinanap ang boxer shorts kuno niya na mga bago pa. At tama nga naman siya. May mga boxer shorts nga siyang mga bago pa. Yung iba naka supot pa nga eh.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon