Chapter 43: Nakaraan ni Troye

9.2K 332 16
                                    

A/N: Hindi ko po alam kung magugustohan niyo ang chapter na to. Maski ako nagulohan sa chapter na to eh. Hahaha.



.





.
🔵🔴🔵🔴🔵🔴🔵🔴🔵🔴🔵🔴🔵

[TIMMY ALLISON POV]


"Eh? Dito talaga ako matutulog?" Alinlangan kong tanong kay Troye.

"Hmm. Paulit-ulit ka ah?" Kunot noong sagot niya.

"Bakit daw?"

"Hindi nga daw kasi sila makaka-uwi ngayon. Tsaka gabi na oh. Alanga namang mag byahe pa sila mula Pampanga papunta dito sa Manila."

"Eh bakit parang galit ka?" Totoo naman kasi. Tumataas na kasi yung boses niya.

Bumuntong hininga naman siya saka tumabi sakin. Andito na nga pala kami sa kwarto niya. Matapos naming kumain ng dinner with his family, nag kwentohan lang sandali, pero ako? Tango lang sinasagot ko sa kanila minsan.

Hindi ko kasi makalimutan yung sinabi ni Mr. Sovereign at ni Troye kanina. Sino ba naman kasi ang makakalimot dun kung hindi mo naman alam kung ano ang sinabi nila. Malay ko bang minumura na pala nila ako. -___-

"Is there something bothering you? You look upset." Bigla namang lumambing ang boses niya kaya agad akong napalingon sa kanya. Pinan singkitan ko siya ng mga mata kaya kumunot na naman ang noo niya.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong niya.

"Umamin ka Troye. Minura niyo kanina no?!"

"WHAT THE?!" Hindi makapaniwalang sabi niya saka tumayo at humarap sakin.

Napayuko ako sa paraan ng tingin niya. Yung para bang sinusuri niya ko.

"Saan mo ba nakuha yang sinasabi mong minura kita?" Natatawa niyang tanong.

Napa angat agad ako ng tingin sa kanya saka sumimangot.

"K-kanina. Yung sinabi niyo ni Mr. Sovereign." Sumimangot ulit ako at ganun na lang ang pag tataka ko ng biglang tumawa ng malakas si Troye.

"Troye ha!" Nahihiya kong sabi. Natigilan naman siya saka umupo ulit sa tabi ko at bigla niya kong inakbayan.

"It's not a curse. It's a french language."

"F-french? Yung sinabi niyo kanina?Marunong kang mag salita ng french?" Nag tataka at amaze kong tanong na ikina ngiti niya.

Ginulo niya ang buhok ko.

"Tu es la plus belle fille que j'ale jamais vue."

Bigla siyang nag salita in a french language kaya na amaze na naman ako.

"Waahh! Anong ibig sabihin nun?" Na e'excite kong tanong.

"It means your the most beautiful girl I've ever seen." Bigla naman akong namula sa sinabi kaya natawa na naman siya.

Bigla niyang hinawakan ng sobrang higpit ang kamay ko kaya nag taka na naman ako.

"I have something to tell you." Seryoso niyang sabi.

Bigla naman akong kinabahan. Ano bang sasabihin niya at kailangan niyang maging seryoso ng ganito?

"S-sige lang. Makikinig ako." Ngumiti ako sa kanya dahilan para mag patuloy siya sa sasabihin niya.

"I used to be a.......ahm....I used to be a g-gangster......before."

Na bigla ako sa sinabi niya pero ganun na lang ang tuwa na nararamdaman ng puso ko sa sinabi niya.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon