[TIMMY ALLISON POV]
"Grabe! Ang dami kong na gastos sayo Allison. Ang takaw mo pala. Haha!"
"H-hoy......grabe ka! Sadyang gutom lang talaga ako kaya naparami yung kain ko."
Muli na naman siyang tumawa saka na iling.
"Teka? Bakit nga ba mag-isa ka lang?" Kunot noo niyang tanong.
"Ha? K-kasi mag-isa lang talaga ako. Hehe!" Naiilang kong sabi sabay nag iwas ng tingin.
Napa buntong hininga na lang siya saka biglang tumayo.
Pag-angat ko ng tingin sa kanya, na bigla ako sa paraan ng pag titig niya sakin.
"B-bakit?" Di ko maiwasang hindi magtaka.
Umiling siya saka ngumiti.
"Tara na. Hatid na kita sa inyo. Gabi na masyado para hayaan kitang mag commute."
At sa sinabi niyang yun, dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at doon ko lang napagtanto na naka silent pala ito.
HALA? ANG DAMING MISSED CALL'S.
Inisa-isa ko muna ang mga missed call's at mas lalo akong kinabahan ng makita kong 36 missed call's galing kay Mama at Papa. Habang 103 missed call's naman yung kay Troye.
Teka? Sa pagkaka'alam ko nagpa-alam naman ako kina Mama ah. Tinext ko kaya siya kanina na hanggang 7 pm lang ako.
O_______O
Halos maiyak ako ng makita kong 9 pm na pala.
Kyaaaa! Kaya naman pala panay missed call's na sila sakin. Bakit di ko man lang namalayan ang oras.
"A-ahm Harvey? O-okey lang ba kung ihatid mo ko? Kailangan ko na kasing mag madaling umuwi." Nahihiya kong sabi.
Ngumiti naman siya saka nilahad ang kamay niya.
"Let's go?" Tumango na lang ako saka na una ng mag lakad sa kanya.
Alam kong kabastosan ang ginawa kong hindi pag tanggap sa inilahad niyang kamay. Pero tama naman yung ginawa ko diba? Hahaha! Para saan naman kasi yun at kailangan niya pang ilahad ang kamay niya?! Haha!
Habang kinukuha niya yung kotse niya sa parking lot nitong Mall, agad kong tinawagan si Mama.
"OH JUSKO! TIMMY ALLISON BECKHAM! ASAN KA NA?"
Halos mabingi ako sa sigaw ni Mama sakin galing sa kabilang linya.
"S-sorry po Ma. Di ko po namalayan yung oras."
Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi dahil sa alam kong pagagalitan ako nina Mama. Parang may iba pang nakakakaba na mangyayari sa oras na umuwi ako."Umuwi ka na. Ngayon din."
Mahinahon na ang boses ni Mama pero ma'awtoridad ito.
"Opo Ma. Pauwi na po."
Agad akong sumakay sa kotse ni Harvey ng makita kong huminto na ito sa harapan ko.
Nakita ko pa ngang akma sana siyang baba pero agad kong kinatok ang bintana ng passenger sit niya para buksan niya ito.
"Sobrang nag mamadali ka nga." Natatawa niyang sabi ng makapasok ako sa sasakyan niya.
Hindi tinted ang kotse ni Harvey kaya malamang makikita nina Mama na hindi si Troye ang kasama ko sa oras na mag-abang sila sakin mamaya sa labas ng bahay.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...