Chapter 58: Batangas Escapade [Part 5]

13.1K 331 163
                                    

Warning: This chapter is rated SPG. Striktong Patnubay at Gabay ni magandang otor ang kinakailangan. Huehue! Minor's and feeling minor's, skip na po. Hahaha.

P.S. Seriously, ang hirap ha. Hahaha natagalan talaga ako sa chapter na to.XD






➖ ➖ ➖

[TIMMY ALLISON POV]

"Ano? Matutulog na kayo? Maaga pa ah?!" Reklamo ni Lucas ng subukan namin ni Troye na mag paalam para bumalik na sana sa hotel.

"Anong maaga? 11:23 PM na oh. Kailangan na ni Troye mag pahinga. Hindi porket nakakaalala na siya eh hindi na niya susundin ang sinabi ng doktor." Natawa naman silang lahat sa sinabi ko kaya agad napa kunot noo.

"Tim' naman oh. Ang dami mong sinasabi. Aminin mo na lang kasi na gusto mo lang talagang ma solo si Tro--"

"Tumigil na nga kayo." Natahimik naman sila ng makita nilang seryoso ang mukha ni Troye. "Let's go' baby." Aniya at saka ako hinatak.

"Asus! Sige lang. Mag solo kayo. Walang iistorbo sa inyo. Hahaha!" Habol na sigaw ni Kathlyn na ikinatawa nila ng malakas.

At dahil nga hindi naman malayo ang venue ng music fest sa hotel, agad kaming nakarating ni Troye sa hotel.

"Paano yun? May mga activity tayong gagawin bukas diba? Baka mapuyat sila at ma'late ng gising bukas." Hindi ko napigilang hindi sabihin yun kay Troye habang hinihintay naming mag bukas ang elevator.

"Sanay na sina Harvey sa puyatan. Ewan ko lang dun sa bestfriend mo." Natatawa niya namang komento.

At dahil naka akbay siya sakin, iniyakap ko ang isa kong braso sa waist niya.

"Sobrang saya ko ngayon. Okay na ang lahat. Pati kayo nina Harvey okay na rin." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti din naman siya saka niya pinisil ng mahina ang tungki ng ilong ko.

"Im more than happy." Nakangiti niyang sabi saka niya ko hinalikan sa noo. At hahalikan na niya sana ako sa labi ng bigla na lang tumunog yung elevator at dun na ito bumukas.

Natawa kaming pareho. Agad naman kaming pumasok sa loob ng elevator. At tahimik lang kaming dalawa dahil hindi lang naman kaming dalawa ang tao dito sa loob.

At nang makarating na kami sa floor kung nasan ang kwarto namin, agad naman akong hinatak papasok ni Troye sa kwarto nilang mga boys.

"U-uy t-teka--"

"Let's sleep together."

Hindi naman na'ko nagulat sa sinabi niya pero kinilig ako syempre.

"Eh? Magbibihis muna ako." Sabi ko at akmang lalabas na sana ako ng kwarto na muli akong hatakin ni Troye.

At dahil na out of balance kami pareho, ang kinalabasan ay naka patong ako ngayon sa ibabaw niya.

Napapikit ako sa sobrang hiya at akmang tatayo na sana ako ng biglang ipulupot ni Troye ang kanyang mga braso sa akin dahilan para di ako makakilos.

"T-troye.......ano ba. Bitaw na." Nahihiya kong sabi.

Tumawa naman siya saka bahagyang umiling.

"You know that I love it when you're in my top' baby." Aniya at nag lip bite pa na ikinataranta ko naman dahil sobrang sexy niyang tingnan.

"A-ano ba. Bitaw na kasi. Baka mamaya dumating pa sina Lucas at baka kung ano pa ang isipin ni---" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng bigla na lang siyang tumayo at dali-daling nagtungo sa may pinto at ni'lock ito.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon