Chapter 17: Camping (Part 4)

12.2K 409 75
                                    

A/N: At dahil broken hearted ako dahil #TeamBahay ako sa concert bukas ni Shawn Mendes dito sa Pilipinas💔🌵😭, kaya ito, dinaan ko na lang sa update.😂







[TIMMY ALLISON POV]

Agad kong kinusot ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Teka? P-paano ako na punta dito?

"Hoy Tim! Gising na! Maliligo ka pa." Taka akong napa upo at tumingin kay Kath na mukhang kakatapos pa lang maligo.

"B-bakit....................."

Kumunot naman ang noo niya saka humarap sakin ng maayos.

"Okay ka lang ba Tim? Anong bakit ka jan? Dah? Nasa camping tayo Tim. Nasa CAMPING! Kaya bilisan mo jan at maligo ka na dahil maya-maya lang mag bre'breakfast na tayo."

Umiling ako saka inalala yung kagabi.

Tama! Totoo yun. Totoong mag kasama kami kagabi ni Troye matulog dun sa tree house.

"P-pero...............p-paano ako napunta d-dito?" Wala sa sarili kong tanong.

Umiling si Kath saka sumingkit ang mga mata habang nakatingin pa rin sakin.

"Maligo ka na lang at mawawala din yang amnesia mo. Tss!" Humalakhak naman siya ng bahagya ng samaan ko siya ng tingin.

Naka busangot akong lumabas ng tent namin ni Kath habang tinatahak ang girl rest room.

Nahagip naman ng mga mata ko yung tatlong lalaking papalapit sakin.

"Good morning Tim." Naka'ngiting bati sakin ni Reid na tinanguan ko lang.

"Oh! Pinsan, ba't ka ba naka busangot jan? Ang aga-aga pa naman." May halong pang-iinis ang tuno ng boses ni Lucas kaya mas lalo akong sumimangot.

Napa'tingin naman ako kay Troye na naka tingin sakin pero with blank expression.

Ano? Di ba siya mag e'explain kung bakit na tulog akong kasama siya kagabi pero magigising nalang ako hindi na siya yung katabi ko? Wala man lang ba siyang sasabihin jan kahit simpleng 'Good Morning' lang? Hindi naman sa na disappoint ako na pag gising ko ay si Kath na yung katabi ko. Pero siguro nga, na disappoint ako ng konti. Pero ang kinakatampo ko lang, eh kung bakit nangyari yung..........Aish! Wag na nga.

Tumango ako sa kanila para mag patuloy na papuntang girl rest room.

Na iling na lang ako sa mga iniisip ko. First time kong makaramdam ng tampo or konting inis kay Troye. Nakakakaba to. Ayokong magpa tuloy tong tampo na to. Baka ito pa ang maging dahilan para iwanan niya ko. At hindi ko kakayaning mawala siya sakin.

Muli akong na'iling. Maliligo na nga lang ako.

_

Agad kaming na tapos kumain dahil sa paulit-ulit na sabi ni Sir. Jes na ang mahuli kumain ay di na makakasali sa mga activity. Sabi rin nila na hanggang 5:30 pm na lang kami dito bukas.

Kailan daw naming umuwi agad pag na tapos ang mga activity namin para makapag handa naman kami para sa gaganaping laban ng basketball team ng school namin which is Troye is the captain ball.

Hanggang ngayon di ko parin malaman kung bakit umiiwas pa rin ako ng tingin kay Troye tuwing susulyap siya sakin with his blank expression. Hindi maganda to. >___<

Kasi naman, nahihiya at nakakaramdam ako ng tampo tuwing maiisip ko kung paano ako na punta sa tent.

"Okey Students. Our first activity is find me if you can............"

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon