THIRD PERSON POV.
Isang malamig na tubig ang binuhos ng lalaki kay Timmy para magawa na nitong magising.
Halos mapa sigaw naman si Timmy sa sobrang gulat. Syempre. Buhosan ka ba naman ng nagyeyelong tubig?! Tsk.
Agad nag-angat ng tingin si Timmy sa dalawang taong nakatayo sa harap niya ngayon.
Nanlalabo ang kanyang paningin kaya hindi niya mawari kung sino ang mga ito.
Pero ganun na lang ang pagkalabog ng kanyang dibdib ng unti-unti nang mag linaw ang kanyang paningin at nang mapagtanto niya kung sino ang mga ito.
"B-bakit........." Hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin dahil sa sobrang gulat at kaba.
"Long time no see' Timmy Allison Beckham." Aniya ng binata saka ngumisi. Ngising demonyo.
"P-paano-----"
"Ohh....Wag mo namang ipahalata' magandang binibini na sobra kang na gulat na makita ako ngayon dito sa harapan mo." Aniya ng binata na naka ngisi pa rin.
Hindi magawang magsalita ni Timmy. Binabalutan siya ngayon ng sobrang takot at kaba.
"Kumusta ang tulog mo' Timmy? Maayos ba? Well, dapat lang naman. Baka kasi yun na ang huli mong tulog na magigising ka pa ulit. Sa susunod kasi na makatulog ka, hinding-hindi ka na magigising." Halos maiyak si Timmy nang lingunin niya ang nagsalita.
Hindi niya lubos maisip na sobrang tanga niya at nadala siya nito sa pagpapakita ng kabutihan sa kanya. Kabutihan na hindi naman pala totoo.
"A-ano b-bang kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo ba to ginagawa sa akin?" Buong lakas niyang sigaw dahilan para masampal siya ng sobrang lakas.
Hinigit ng lalaki ang buhok ni Timmy dahilan para mapangiwi si Timmy sa sobrang sakit. Pakiramdam niya mamamaga nito ang kanyang anit sa sobrang sakit.
"Talaga bang wala kang alam o nagmamaang-maangan ka lang?" Galit na aniya ng lalaki at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ni Timmy, dahilan para mapadaing na naman si Timmy sa sobrang sakit.
"W-wala a-akong alam----" hindi natapos ni Timmy ang kanyang sinasabi ng biglang siya tutokan ng baril nung isa pang kasama ng lalaki.
"Shut up!" Madiing sabi nito kay Timmy.
"Ahh. Wala kang alam? Pwes, ipapaalam ko sayo." Sarcastic namang aniya nung lalaki saka binitawan ang buhok ni Timmy at umayos ng tayo sa harapan niya.
"Alam mo bang pina'bagsak ng mga Walden na yan ang kompanya ng Papa ko' ha?!" Panimula ng lalaki saka ngumisi. Ngising pang demonyo. "Nung nalaman ng Papa ko ang ginawa ko sa inyo, ikinahiya niya ko. Nag punta siya sa Sovereign na yun para mag maka-awa na palayain ako dahil sa pagpapakulong ng Troye na 'yun sa akin!" Halos mapasigaw ang lalaki sa sobrang galit na kanyang dinadala sa kanyang dibdib. Habang si Timmy naman ay hindi alam kung anong gagawin. "Pinalaya nga ako. Pero anong ginawa ng Sovereign na yun? Tangina! Pinabagsak niya pa rin ang kompanya ng Papa ko. At alam mo kung anong nangyari ha? Ha?" Gigil na aniya ng lalaki at muling hinatak ang buhok ni Timmy dahilan para mapasigaw at mapaluha siya sa sobrang sakit.
"A-aray........" Pag-iinda ni Timmy sa sakit na nararamdaman sa ulo dahil sa sobrang pagkakahawak dito ng lalaki.
"Masakit ba ha? Ha? Pwes! Walang-wala yang sakit na yan sa sakit na naramdaman ko nung mamatay ang Papa ko!" Sigaw ng lalaki na ikina-tigil ni Timmy.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...